Chapter 30 - Pagsasanay

5 0 0
                                    

"Manahimik ka nga! Kung ano ano pinag sasabi mo!" Siko ko sakanya dahil baka marinig kami ni Ehmerald kung ano pa isipin.

"Bakit? Totoo naman ah? Tignan mo kaya," maya maya nga ay pasimple ko silang sinipat. Una kong nakita si Pierre na maya maya ay lumilingon samin habang nag lilipat ng pahina ng libro na akala mo na boboring sa lesson namin. Sumunod naman si Marquee na pasulyap sulyap saamin at ng mapansin nyang naka tingin ako ay agad nanaman akong nginitian.

Ayan ka nanaman eeeeeeh! Hmmmp.

Shempre nginitian ko nalang din baka isipin suplada ako. Nag muwestra pa nga sha na gutom na sha kaya medyo natawa pa ako.

Sunod ay si Dhean na napansin kong pabalik balik ang tingin sakin at kay Marquee, bahagya pa shang sumimangot kaya napa kunot ang noo ko. Bakit kaya? Isa pa mukhang wala naman sa lesson ang iniisip niya.

"Oh, ano? Edi naninawala kana sakin?" Kala mo may kitikiti sa pwet tong babae na toh kinikilig pa at di mapakali sa kinauupuan namin.

"Tumigil ka nga jan. Makinig ka na nga lang!" Nangingiti kong sabi saknya. Di ko naman kasi maitatanggi sa sarili ko ang plastic ko naman pag sinabi kong di ako attracted kahit isa sakanila kasi impossible yun. Kung meron man, kay Marquee yun. Biglang naputol ang iniisip ko ng biglang may kumatok sa pintuan ng room at hinahanap si Dhean, Duke, ate Primrose at Maharlika Felicity.

Agad naman silang tumayo at kinuha na ang mga gamit nila at nag mamadaling lumabas ng room.

"Saan sila pupunta?" Tanong ko kay Ehmerald na ngayon ay bising busy sa kaka halo ng potion na napili nyang gawin. Samantalang kami ay nag hihiwa palang ng ingredients.

"May misyon sila okaya ay may meeting," plain nyang sagot.

"Bakit di tayo kasama? Okaya kayo pala?"

"Mga senior at Maharlika ang kadalasan nauuna sa mga meeting para maipaliwanag sa mga nakaka baba ang mga mangyayari. Kung sakali mang kasama tayo ay mamaya malalaman din natin iyon," nagtanong pa ako ng ilang detalye at chaka nag concentrate na sa ginagawa namin.

Si Mitzy na as always very competitive at intelligent ay unang natapos saamin and as usual, perfect ang nagawa nya. Napili nya ang sickness potion dahil naintriga sha at ng subukan sa isang hayop ay effective naman ito agad. Matapos nito ay agad na kaming lumipat sa next class namin. Malayo din ito at inabot kami ng almost 20 minutes nanaman sa paglalakad mapuntahan lang
Ang ang room na iyon.

Nagulat pa ako ng may leksyon kaming Matimatika ni Maestro Niño David Vicente na lesson din sa mundo ng mga tao. Maaga kaming pinalabas at hindi namin natapos ang buong isang oras dahil may biglaang pagpupulong ang mga Maestro't Maestra. Kaya maaga kaming nagtungo sa common room para kumain ako naman para magluto.

"Oh, ano lulutuin ko ngayon?" Tanong ko sa mga Lila habang naglalakad kami.

"Sinigang na baboy na may maraming maraming gabi!" Suggestion ni Pierre.

"Fish steak!" Si Carlos naman na mukhang gutom nadin.

"Wala bang something fried?" Naka nguso naman si Ehmerald.

"Eh ano naman kaya? Fried chicken!" Si Mitzy na as usual favorite ang fried chicken kagaya ko. Dumirecho na sa sala ang mga hindi mahilig magluto at ang mga kasama kong sila Marquee, at Pierre na ngayon nadagdagan ng Mitzy ay nag hihiwa na at nag pe prepare ng mga ingredients sa lulutuin namin.

"Di ka ba nahihirapan mag catch up sa mga lessons natin?" Bungad sakin ni Marquee habang nag hihiwa ng bawang at sibuyas at ako naman ay nag hihiwa ng gabi.

"Medyo eh. Ang dami ko kasi kailangan habulin ngayon kaya mamaya gusto ko sana magreview," nguso ko.

"Ako? Di mo 'ko aayain sumama?" Sira talaga tong si Mitzy. Natawa tuloy si Marquee.

Si Amethyst Ang Purple WitchWhere stories live. Discover now