Chapter 21

1.2K 23 0
                                    

Chapter 21

Pagkatapos ng paguusap na iyon ay nagkayayaan na kaming mag bihis. Mejo dumidilim na rin kasi.

Nung nakapagbihis na ako ay nag-volunteer akong, ako ang magluluto ng dinner. Pumayag naman si mommy.

Gusto nga sana niyang manood pero sabi ko wag na, kasi hindi ako maka-concentrate.

I'm cooking a special beef broccoli for our dinner.

Nang matapos akong magluto ay niyaya ko na sila.

"Wow! Look delicious!" Si mom.

"Hehe. Let's try!" I said.

Nagsimula kaming kumain pero puro tawanan at kwentuhan lang.

I feel so contented. They're my treasure, they're my life. They're my happiness.

Pagkatapos kumain ay si Kuya ang pinag-hugas ko ng pinggan kasi ako na ang nag luto siya naman mag hugas.

Habang nag-uusap kami ni Kuya ay bigla akong tinawag ni mommy.

"Casey, anak? May bisita ka." Si mommy na parang walang emosyon ang boses.

"Sino po?" I asked. Sabay tayo.

"Come here, para makita mo." She said with cold tone of voice.

Nagtaka naman ako kung bakit ganun si Mommy, kanina naman ay okay ang pananalita niya. Sino kaya yun?

Lumabas ako sa kusina at dun ko nakita kung sino yung sinasabing bisita ko raw. Kaya naman pala nawala sa mood si Mommy.

"Josh? What brought you here?" I asked.

"Sleep over." He said and then smile at me.

Tumingin ako kay mommy na nakatingin rin sa akin, halata sa expression niya ay ang lungkot, si daddy naman ay nakatikom lang ang bibig, si kuya naman na kalalabas lang sa kusina ay napatigil at napatingin sa akin. Ngumiti lang ako sa kanila isa isa, bilang pag-sang ayon na dito si Joshua natulog.

"Uh, sige. Diretso ka na sa kwarto. Susunod na ako, may aayusin lang." I said. Sumang ayon naman siya atsaka sinunod ang sinabi ko.

Nang makapasok na si Joshua sa kwarto ko ay nagsalita si mom.

"You sure 'bout this?" She asked.

"Yes, mom. Lagi naman siyang nagi-sleep over dito, Ma. Kaya okay lang." I said.

Tatalikod na sana ako pero biglang nagsalita ulit si Mommy.

"Iba ang dati sa ngayon, anak." She said and then kissed me in cheeks.

After our goodnights ay natura ako sa sala. Sinarado ko lahat ng pinto at pinatay lahat ng ilaw.

Pagkatapos kong ayusin ang sala at umakyat na ako para makapag-pahinga na. Pumasok ako sa kwarto at nagulat ako ng gising pa si Joshua.

"Oh? Bat gising ka pa?" I asked. Pero binalewala niya ang tanong ko. Sa halip ay nagtanong siya.

"Ayaw ba ako nila Tita dito?" He asked.

"Bakit ko mo naman natanong yan?" I asked him.

"Kasi sa mga tingin nila kanina. Iba kasi eh." Sabi niya.

"Don't mind it. Pagod lang sila, andami kasi naming ginawa." I said nalang. Saka humiga na.

Nung ipipikit ko na ng mata ko bigla siyang nagsalit.

"Belle? Can you help me?" He asked.

Eto na naman... kaya pala nandito kasi may kailangan. Kumirot ang puso ko ron.

"Help about?" I aksed, kunwari hindi nasasaktan.

"Anniversary na kasi namin ni Gela this sunday. I just want to surprise her." He explained.

"Oh? Sure.." I said kahit labag para sa akin.

"Yes! Thank you! The best ka talaga! Good night, iloveyou!" He said.

I Stupidly Fell In Love with my BestfriendWhere stories live. Discover now