" Kailan ka pa nakikisalamuha sa babaeng yan Lorenzo!? Hindi mo na ako iginalang, pinagsabihan na kita na layuan ang babaeng yan! Yan ang nagiging impluwensiya sayo ng maling tao. " galit na asik niya sa amin ni Ate Red.

" Enough Lianne! Tigilan mo na yang kakabunganga mo and for once be reasonable. Hindi lahat ng bagay ay kailangan pabor sayo. Enzo ikaw na muna ang bahala dito." walang nagawa ang Dragona ng hilahin ito ni Tito papasok ng bahay nila.

" Seryoso Kuya, Ate natin siya? Bakit ngayon lang namin nalaman ang tungkol sa kanya?" kumapit si Leila sa braso ni Enzo. Tahimik na nakatingin lamang si Laurence.

" Ang Mommy n'yo ang may kagustuhan na huwag ipaalam sa inyo, hindi rin namin maitindihan ang rason niya pero pinagbigyan siya ng Daddy ninyo para wala nalang gulo. Kung hindi pa kami narinig ni Enzo na pinaguusapan ang Ate Red ninyo hindi rin niya malalaman. " ang Lola Regina nila ang sumagot na hindi namin namalayang lumapit na pala  sa amin, nakaalalay dito ang isang dalagita na marahil ay pinsan nila Enzo.

Hinalikan siya sa noo ni Ate Red. Nagmano naman ako sa kanya na siyang ikinangiti niya.

" Hayaan n'yo na, ang mahalaga nagkakilala na kayo, bakit Leila, hindi ba't matagal mo ng pangarap na magkaroon ng kapatid na Babae?, hayan at may Ate kang pwede mong lapitan." agad namang lumapit si Leila kay Ate Red.

" Hello Ate, natutuwa po akong malaman na may kapatid pa pala kami. Totoo ang sabi ni Lola gusto ko talaga ng kapatid na babae. Madalas kasi pinagtutulungan ako nila Kuya." nakanguso nitong sabi..

" Masaya rin ako dahil malaya na akong lapitan kayo ni Laurence. Matagal din akong naghintay na dumating ang araw na ito. Gusto ko ding maging kapatid sa inyo kagaya ng pagiging Ate ko sa Kuya Enzo ninyo." maluha luhang niyakap ni Ate Red si Leila. At sumunod naman ay si Laurence. Teary eyed na nakatingin ako sa kanilang apat, hinila nila si Enzo para sumali sa kanila. Hinayaan naming magusap silang tatlo, pagkatapos ng madamdaming tagpo.

Inalalayan namin si Lola niya pabalik sa lamesa nito kung saan naroon ang kabiyak.

" Mano po Lolo, kamusta po kayo.." nagmano narin si Enzo.

" Hija, kita mo nga naman ang nagagawa mo sa apo ko, aba'y hindi yan nagmamano kung walang kailangan." napakamot si Enzo sa ulo niya.

" Maiba nga pala ako, kayo bang dalawa ay wala pang balak magpakasal? Aba'y bilisan n'yo na' para naman maabutan pa namin ang Apo namin sa tuhod." napalunok ako bigla sa sinabi ni Lola Regina.

" La naman, hayaan n'yo na ako sa diskarte ko. " lumapit ito sa matanda at may ibinulong.

" Nako, anong pinagbubulungan ninyo d'yan? Isali n'yo naman kami." natawa nalang ako sa kakulitan ni Lolo Ernesto.

" Sekreto namin iyon nitong si Enzo, hamo't pagnatuwa ako sayo ay sasabihin ko." sagot naman ni Lola sa asawa. Nakakatuwa silang pagmasdan.

Sila ang patunay na may pagibig pa sa mundong ito na nagtatagal. Kagaya rin ng mga Lolo at Lola ko. Dahil sa panahon ngayon bibihira ang makatagpo ng taong handang manatili sa tabi mo hanggang sa pagtanda ninyong dalawa. A love that last a lifetime.

" Baby where did you go? Did you get lost in your thoughts? " hindi ko napansin na naiwan na pala kaming dalawa.

" Iniisip ko lang na sana kagaya ng mga Lola at Lolo natin magtagal din tayo. Alam mo na, sa panahon kasi ngayon lahat nagbabago at halos lahat napapalitan." para kasing nakikisabay sa takbo ng mundo ang mga relasyon. Bibihira nalang ang nagtatagal.

" Basta ako Baby, sigurado ako at gusto kitang makasama hanggang sa pagtanda natin. Eh ikaw ba? " kinuha niya ang kamay ko at hinalikan. Nakakainis ang kasweetan niya minsan, sagad kasi hanggang buto.

Maldita Princess (Completed)Where stories live. Discover now