Chapter 24: Happy

Start from the beginning
                                    

Nanood na lang ako ng movies to keep my mind distracted from everything, sa huli ay hindi non nagawang alisin sa isip ko ang mga bagay-bagay, so I decided to clean my library, binago ko ang ayos ng mga libro; kung dati ay by fiction, ginawa kong ascending order sa kung kelan ni-release ang libro; it took me all night, natapos ako nang tanghali na kinabukasan.

Nakaupo ako sa sahig ng library at nakatitig sa bagong ayos kong bookshelf.



"I don't like this," muli kong inalis ang libro at ibabalik sana sa dati nitong ayos but I stopped myself. "What am I doing?"


Binalik ko ang libro sa shelf at umakyat sa kwarto para matulog pero hindi ako makatulog, my head's too busy; I can't stop thinking about everything. I... I need to see Alastair; siya lang ang makakapagpakalma sa naguguluhan kong isip. He's my comfort.

Hindi ko na nagawa pang mag-ayos at umalis na lang para puntahan si Alastair. I need to see him; I need him right now. I need to hug him, I need him...

Nakarating ako sa opisina niya pero ang sabi ng guard ay wala na siya doon, kaya naman ay pumunta ako sa bahay niya sa Tagaytay, pero walang Alastair; I went to his favorite café, wala rin.

Nang matagpuan ko ang sarili ko na wala nang maisip na lugar kung saan siya posibleng naroon ay sinubukan kong tawagan ang number niya – I deleted it, pero tanda ko ang ilang numero noon, nalito lang ako sa huling dalawang number kaya ilang combinations ang sinubukan ko para matawagan siya.

Yakap ko ang sarili habang nasa tapat ng café at nakasandal sa sasakyan ko; hindi tumitigil ang luha sa mata ko dahil sa takot. Kailangan ko si Alastair.


"Hello," pamilyar na boses ang sumagot. "Hello?"

"Sorry, wrong number." Palusot ko at ibababa n asana ang tekepono nang pigilan ako ni Amanda.

"Roussanne, is that you?"

"S-sorry, hindi ko alam kung bakit ako tumawag. Sorry." Iyon lang at tinapos ko na ang tawag.


Nanginginig ang kamay na tinitigan ko ang telepono ko.

Roussanne, he's married. Hindi mo siya pwedeng kailanganin.

I'm on my own. 



Napapitlag ako nang tumunog ang telepono ko; number iyon ni Alastair. Tinitigan ko lang ang numero niya, baka ay si Amada iyon at sasabihan ako na h'wag nang tawagan ang asawa niya kaya naman ay hinayaan ko lang na tumunog ang cellphone ko nang paulit ulit hanggang sa pang-anim na beses ay tumigil na rin ito.

Pumasok ako sa kotse at nagmaneho sa kung saan, hindi ko alam kung saan ang pupuntahan ko, basta ay nagmaneho lang ako hanggang sa mamatayan na ako ng makina dahil sa wala na akong gas. Madilim na, hindi ko rin alam kung nasan na ako.

Pwede bang manatili na lang ako dito?

Sumandal ako sa manibela at pinikit ang mga mata ko; gusto ko na lang ay umalis.


Nagising ako sa lakas nang tunog ng telepono ko, kahit pagod pa ang mga mata ko dahil sa antok at pag-iyak ay pinili ko iyong imulat para tignan kung sino ang tumatawag.

It's Syrah...


"Hello," inaantok kong sagot. Maliwanag na sa labas, tirik na araw sa labas.

Exquisite Saga #2: Roussanne ShelkunovaWhere stories live. Discover now