Ika-Sampung Kabanata

Start from the beginning
                                    

Pano ko nga ba siya napanaginipan? Eh hindi ko nga siya iniisip, Ni hindi nga siya sumagi sa isip ko kagabe. Jusko. Napasampal nalang ako saking noo at napasabunot saking buhok..

Naglakad muli papalapit sakin si Rosario. Bahagya itong humalukipkip habang ang isang kamay naman ay nakahawak sa kanyang baba na tila nagiisip. "Alam mo kasi Kristina, May nakapagsabi sa akin, na kaya napapanaginipan ng isang tao ang isang bagay, ay marahil iniisip mo ang bagay o tao na ito bago ka matulog. Maari din na kung sakaling, hindi man ikaw ang nag-iisip rito, nakakatiyak na siya naman ang nag iisip sayo, kaya ito naligaw sa panaginip mo." pahabol na tugon ni Rosario.. Napaisip naman ako sa sinabing iyon ni Rosario.

Talaga ba? So you mean, iniisip ako ni Goyo kagabe kaya nadalaw siya sa panaginip ko.. NOOOOO!! Hindi siguro, tsaka as if naman magkakagusto sakin ung Heneral na un.. Asa pa ko... Este asa pala siya..

"Hay Kristina, mabuti pa at bumangon ka na riyan. Maya maya ay aalis na rin tayo papuntang Plaza Santo Tomas. Maligo ka na rin at baka mapanaginipan mo pang muli ang palakang sinasabi mo kung hihiga ka pa dyan ulit." wika ni Rosario. Lumakad na siya papalabas at sinenyasan akong sumunod narin bago pa man niya isarado ang pinto.

Bumangon na ko pagtapos noon at kumuha na ng damit para maligo.. Ilang minuto rin akong nagbabad sa banera o mas kilalang tawag na bathtub na gawa sa kahoy. Habang nakalubog dito, patuloy padin ang pagtakbo sa isip ng halikang naganap sa panaginip ko.  Napahawak ako saking labi napakagat sa labi.

"Bakit parang totoo? Bakit parang ramdam ko talaga?" bulong ko sa sarili. "Ugh.." gigil kong ungol. Sa huling pagkakataon ay lumubog ako sa tubig bago umahon. Nang matapos ay agad din akong nag ayos upang maabutan pa sila Rosario sa kanilang pag-aalmusal.


***


"Magandang Umaga Kristina," Maganang pagbati ni Crisanta. "Kumusta ang iyong tulog? Nabangit sakin ni Rosario na binangongot ka raw ng isang palaka." natatawa naman niyang pahabol..

Napairap nalang ako at umupo sa hapag.. "Sa totoo lang, hindi ko rin maintindihan kung bakit ako nagkaroon ng panaginip sa palaka yon." Asar ko namang tugon..

Kung alam niyo lang na hindi naman literal na palaka ang napanaginipan ko.. Si Goyo yun.. Si Goyooo!!!

"Hindi kaya yoon na ang iyong prinsipe, Kristina? Nasabi mong isa itong palaka na may pagnanais na halikan ka, hindi ba? Narinig mo na ba ang storya ng isang babae at isang palaka? Nang halikan ng babae ang isang palaka ay naging isa itong gwapong prinsipe.. Hindi kaya yoon na ang prinsipe mo.. Sayang naman kung hindi mo manlang siya binigyan ng pagkakataon mahalikan ka kahit sa panaginip lang" tugon naman Crisanta habang kinikilig..


Alam ko ang tinutukoy mo, Yung Frog Prince.. pero hindi nga kasi sinabi literal na palaka to.. Eto talaga si Crisanta andaming alam. Prinsipe ba kamo? Haha.. Siguro nga. Prinsipe ng mga babaero..

***

"Maaari na ba tayong umalis?" Tanong ni Rosario. Pagkatapos naming kumain ay napagpasyahan na naming umalis ng maaga ng sa ganun ay maaga rin kaming makabalik ng dormitoryo.. Kasalukuyan na kaming papasakay ng kalesa nang may dumating na di inaasahan.

"Crisanta!" wika niya. Napatingin kaming tatlo sa pinangalingan ng tinig na iyon at nakita namin si Crisanto na noo'y kabababa lamang lulan ng puting karawahe.

Sumilay naman ang isang malaking ngiti sa mukha ng kapatid niyang si Crisanta na tila ikinagitla ang di inaasahan niyang pagbisita. "Kuyaa!" usal niya sabay takbo at yakap saglit sa kanyang kapatid. "Nagagalak akong makita ka. Subalit, bakit ka andito? Wala ka bang lakad?" Tugon naman ni Crisanta..

Ang Bayani ng Tirad Pass (On-Going)Where stories live. Discover now