Hate surprises!!

2.4K 48 4
                                    

Chapter29

Paggising ni Jennyrose ay wala na si Seonggyun sa condo unit nito.Sa tingin niya ay maaga na naman ang call time nito.Itinuloy niya ang paghahanda ng almusal kahit bumigat ang pakiramdam niya nang hindi niya ito nagisnan.Plano pa naman niyang ipaghanda ito ng masarap na almusal para mabawasan ang guilt niya.Gusto niyang magpasalamat dito sa paraang ganoon.

Mabilis siyang nag-almusal dahil kailangan siya ng isang estudyante niyang si Irish bago mag-alas-syete.Alas nuwebe ang pasok nito sa eskuwalahan,at exam nito kaya kailangan niya itong i-review sa lahat ng napag-aralan nila.

Basic computer ang dapat na itinuturo niya rito pero pati assignment at exam sa lahat ng mga subject nito ay sinakop na rin niya.Iyon ang dahilan kung bakit hindi siya licensed teacher ay nagustuhan siya ng mga magulang nito.Tumaas daw kasi ang mga grade ni Irish mula ng maging tutor siya nito.

Nagkusa na siyang turuan si Irish sa mga subject nito dahil nahuli niya itong napapaiyak sa paggawa ng mga assignment nito.Parehong abala ang mga magulang nito kaya walang nagtuturo dito.

Napamahal na ito sa kanyang at itinuring naman siya nito na paboritong kaibigan.Sinunod nito ang bawat sasabihin niya.Natutuwa siya na naging masipag ito sa pag-aaral at tumaas ang mga grade nito.Dinagdagan ng mga magulang nito ang bayad sa kanya dahil sa positibong resulta ng pagtuturo niya rito.

Palabas na siya ng condo ni Seonggyun nang mag-ring ang telepono sa sala.May ilang minuto pa siya para sagutin ang tawag.Hindi pa siya male-late.Baka ang Mama ni Seonggyun ang tumawag o di kaya ang kaibigan niya.

"Hello?"

"Hello,babe,sweetheart,honey,"
masiglang bati sa kanya ng binata.

Napangiti siya at nagkabit-balikat
"Ikaw pala,Sir,boss,kamahalan."

"Nasa bahay ka lang ba?"

"Paalis na ako.Bakit?"

"Are you in a rush,Babe?"Seonggyun asked in a sweet tone.

Napasimangot naman si Jennyrose sa endearment sa kanya ng binata.Ang hudyo may pababe-babe pang sinasabi samantalang poker face naman ng isang araw naisaloob niya, habang nasa kabilang linya.

"Yes,Sir,boss.I'm in a rush.So what matters you ring me up,may I know what it is now?"pagtataray ni Jennyrose sa binata.

Ang hindi alam ng dalaga ay nasa may gilid lang nang kalsada ang kotse ng binata at nakaparada ito doon habang pormal na nakasandal ito at kausap siya.May hawak itong bouquet ng bulaklak at meron pang nakapatong na cake sa ibabaw ng kotse nito.

"Can you cancel your activity today?"anito.

"Hindi ko puwedeng icancel ang pagtuturo ko sa estudyante ko ngayon dahil may exam siya.Mr.Seonggyun kung anuman ang drama mo puwede ba,I'm not in mood,"tila clueless niyang sagot sa binata.May pagka-irita at pagka-inis narin.

"Peep outside and look who's here."

Utos ba iyon?aniya ngunit sumunod parin naman siya sa pinapagawa ng binata.Dahan-dahan siyang humakbang papunta sa may bintana at hinawi ang kurtinang nakaharang sa salamin.It was Seonggyun on the phone standing near his car,holding a bouquet of flowers and she saw.a box of cake of on top of his car too.

Napangiwi siya ng kawayan siya ng binata."Hindi ko naman birthday ah,bakit may pa-cake at pa-flower ang gago,"naibulong niya habang nakatingin sa kinaroroonan ng binata.

"I'm coming up,"Seonggyun said to her habang nakatunganga pa rin siya at tango lang ang naisagot niya at malay naman niya kung nakita ni Seonggyun ang pagtango niya at hindi rin niya namalayan ang pagpasok nito na nakangiting nakatingin sa kanya.

Seonggyun snapped and laughed at her nang hindi siya natinag sa presensiya ng binata.
"I hate surprises!"kunwaring pag-iinarte niya para mawala ang kaba at kilig na nararamdaman niya.

"Oh really,Babe?Pakipot ka pa diyan."

"Hindi no?!"Ano ba tong drama mo?"aniya.

"Ang slow mo naman.I'm proposing to you and I'm willing to marry me?"

"Proposing?"gulat na ulit niya."Excuse me lang po...gusto ko lang malaman kung ano bang meron tayo?"

"Diba nililigawan mo ako?So,sinasagot na kita at pakakasalan din kita."

"Gago ka!Anong niligawan kita!Ang yabang mo!Buwisit.!I'm not gonna marry you bastard!"hysterical niyang sigaw sa binata at ramdam ang pag-init ng pisngi niya sanhi nang pamumutla.

"Ang arte mo talaga,"ani Seonggyun sakanya.

"That's none of your business!"naiiyak niyang sigaw.Tila nainsulto ang ego niya sa ginawa ng binata.Sa pagkabigla ay napasigaw siya ng malakas at napalundag ng biglang inihagis ni Seonggyun ang cake sa harapan niya at nawasak ito sa sahig na nagkalat na parang tae.

Agad na lumuhod ang binata at tila may hinahanap sa nasirang cAke.Tiningala siya nito at ngumiti ng tila nagtagumpay naman ito sa nahanap.Agad na hinila ni Seonggyun ang kamay niya habang nakaluhod pa rin ito.At isinuot sa kanya ang isang diamond ring.

"Marry me,not today,not tomorrow but for the rest of your life.I'll promise to be faithful and I'm always yours forever,"madamdaming pahayag ng binata.

"Before I say yes....Clean your mess,"Jennyrose said with a smile on her lips.

"I will,Babe."
Sabay yakap at siniil ng matamis na halik ang labi ng dalaga.Parehong sabik....

***The End***

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 21, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Stealing my Brother's Fiancée Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon