Forgive and Forget

1.1K 37 1
                                    

Chapter27

"Naniniwala ka ba sa pangako?"

"Depende kung sino ang mangangako sa akin.Kung isang playboy ang mangangako sa akin na mamahalin niya ako habang-buhay,sigurado akong mapapako iyon."

"Hindi naman ako mangangako sa 'yo nang ganoon."

"Mabuti,dahil hindi rin naman kita paniniwalaan."

Nagkatinginan sila.Mayamaya ay napangiti sila sa isa't-isa.

"Gaano mo minahal 'yong ex-boyfriend mo?"

"Sa kanya umikot ang mundo ko noon.Nineteen palang ako,inosente at paniwalang-paniwala sa 'happy ending.'In love ako sa ideya ng love."
Huminga siya ng malalim.
"Tanga pa ako no'n kaya napaniwala niya ako na kami na ang magkakasama hanggang sa huli.Iyon pala,habang wala ako,iyong moderna kong kaibigan ang binobola niya.Ito namang kaibigan 'ko,naku,flirt talaga iyon.Kaya hayun nabuntis."
Umiling-ilinh siya."Hindi ko nga alam kung alin ba ang mas masakit:ang pagtatapos ng relasyon namin ni Peter o ang panloloko nilang dalawa sa akin?'Yung huli yata."

"Nakikita mo pa ba siya?"

"Minsan..."

"Affected ka pa rin?"

Bumuntong-hininga siya.
"Honestly,hindi ko alam.Minsan kasi,gaya no'ng nakita ko silang dalawa sa children's wear at namimili ng damit nang anak nila,nasaktan ako.Naisip ko,unfair talaga ang mundo.Niloko nila ako pero sa kabila ng ginawa nila sa akin,mukha pa silang masaya.Samantalang ako na walang ginawang masama,walang sinaktan,heto...mag-isa.Feeling ko,loser ako."

"Pinili mo ang ganyang buhay kaya dapat hindi mo ipinapasa sa iba ang sisi."

Lumipat ito sa kabilang silya na mas malapit sa lababo kung saan siya naghuhugas ng mga plato.

"Hindi naman ako naninisi,eh."

"Mag-isa ka dahil gusto mo 'yan.Hindi ka na muli sumubok na magmahal dahil takot ka nang maulit ang sakit.Tama ba ako?Naging negative ka na.Pakiramdam mo,lahat ng lalaki gagawin sa'yo ang ginawa ng boyfriend mong tanga."

"Tanga?"

"Tanga siya dahil hindi niya alam kung ano ang pinakawalan niya."
Tinitigan siya nito saka ito masuyong ngumiti.
"He lost a rear pearl.Maraming babae sa mundo pero mahirap makahanap nang tulad mo.Salamat sa kanya,malaya ka ng makilala kita."

"Kung gusto mong pagaanin ang dibdib ko kaya mo sinasabi 'yan,nagawa mo na kaya salamat,"appreciative na sabi niya."Ikaw bakit iyan ang buhay na pinili mo?"

"Ang pagiging business minded o ang pagiging guwapo kaya ayaw akong lubayan ng mga girls?"

"Ang pagiging babaero mo!"

"Sa sinasabi mo namang pagiging playboy ko,ang mga babae po ang ayaw akong tigilan.Nililigawan nila ako."

"Katwiran iyan ng lahat ng babaero sa mundo."

"Pero ngayon,hindi ko na gustong tumanggap ng manliligaw,"ngingiti-ngiting sabi nito."Dahil nakilala ko na ang babaeng magpapatino sa akin."

Napailing nalang na siya at tinaasan ito mg isang kilay.
"Ako?"paniniguro niya.Kahit nagtitiwala na siya rito ay nakakapagduda pa rin talaga ang mga sinasabi nito.

Ngumisi ito.
"Hindi."
Tumayo ito at lumapit sa kanya.Hinagkan siya nito sa sentido niya.
"Inaantok na ako.Goodnight."

"May iba ka pa bang binobola ng babae bukod sa akin?"pahabol na tanong niya.Nalito siya kung seryoso ba ito o nagbibiro lang?

"Marami po,pero ikaw ang espesyal,"sagot nito sabay kindat sa kanya.....

Naputol ang pagbabalik-tanaw niya nang biglang nagsalita si Chloe at tapikan siya sa balikat.
Nagkapatawaran sina Chloe at Jennyrose.Humingi ng tawad ang matalik niyang kaibigan.Sa kabila nang lahat ay nanaig pa rin ang pagkakaibigan nila.Hindi naman nakaligtas si Ashly sa kamay ng batas.Pagkatapos maimbistigahan at napatunayan na siya ang may pakana nang lahat ay agad siyang hinuli.

Nang madis-charge siya sa hospital ay sa condo ni Yeaggyun muna siya inuwi.Pagkatapos nilang sampahan ng kaso ang naging kasintahan ni Seonggyun ay nagkalinawagan na silang lahat.But Jennyrose still felt guilty about blaming Chloe.Andun pa rin 'yung guilt sa puso niya.

"Sasamahan ko si Yeaggyun sa Korea.He needs me.One week kami doon,"pasimula nang kaibigan sa kanya.

Bigla ay kinabig ni Jennyrose ang kaibigan at malayang inilabas ang kanina pang gustong ilabas ng kanyang dibdib.Naiyak siya sa harap ng kaibigan hindi dahil pinagsisihan pa rin niya ang sinapit nilang dalawa kundi dahil kay Seonggyun.

"Di'ba,ang sabi ko naman saiyo,move on na tayo best.Tapos na ang lahat.I already forgive you,"ani Chloe."Isa pa tuloy na tuloy na ang kasal namin ni Yeaggyun.I realize na,natuto na ako sa buhay.Whatever problem you're bothering about just speak it out."

Napasinghot siya.
"Actually,hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko kung pareho tayong masasaktan.But you are lucky inlove than me dahil meron kang Yeaggyun na hindi ka binitawan at iniwan hanggang sa huli.I adore you girl.Huwag mo na ulit bibitawan ang kagaya niya."

"Thank you."nakangiting sambit ni Chloe.
"Hindi ka ba makikipag-bati kay Seonggyun?For sure,miss na miss ka na no'n,"kindat nitong sabi sa kanya.

"Hindi ako mamiss no'n.Marami 'yong reserba,"nakalabi niyang sagot.

"Bahala ka!Deny-deny ka pa diyan.Baka maunahan ka ng iba at mawalan ka ng Oppa,"kunway kinikilig nitong reaksiyon.

"Sumbong kita kay Yeaggyun,eh,"kunway banta niya."May pakilig-kilig ka pang nalalaman kapag binabanggit mo ang pangalan ng walanghiyang iyon."

"Sus!Aminin mo man sa akin o hindi.You are deeply inlove with him.Kasing lalim ng balon natin sa probinsiya.Hindi abot ng isang dipa lang,"ani Chloe.

"Tigilan mo ako!Alangan namang ako ang manliligaw sa walanghiyang 'yon,"tila hindi makapinawalang sabi ni Jennyrose sa kaibigan.

"Why not?Ano namang masama kung ikaw na babae ang manligaw.Uso 'yon,best."

"Uso mukha mo!"pikon niyang sagot."Hindi ko siya liligawan.Never!Never!"

Natatawang naiiling-iling naman si Chloe habang rumarason siya.
"Remember to bring flowers and chocolates too,"natatawang sabi pa nito at saka nagtatakbong nagtungo sa inuukupang kuwarto at ikinandado iyon.
Nagsisigaw siyang kinatok iyon at pinagsusuntok.
Malakas naman na tawa lang ang narinig niyang sagot ng kaibigan na sa loob ng kuwarto.

No way!Ano ako loka-loka,naisaloob niya habang nakahiga sa sofa kung saan doon ang unang harutan nila nang binata no'ng unang tungtong niya sa condo ng kaibigan.

Next...

Stealing my Brother's Fiancée Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon