Chapter 1: Let's see

7.2K 133 7
                                    

Pinatay ko ang TV sa pagkairita. Laman ng balita ang successful concert ng Time Machine Band dito sa Manila at patungo sila ngayon sa Boracay para mag-relax. Hindi ako madaling magalit na tao. Kaya kong kontrolin ang sarili kong emosyon maliban na lang kapag may kinalaman na si Tristan Dela Rosa, Time Machine Band leader and vocalist.

Napaisip ako. Sana sinabi na rin sa balita kung ano'ng araw na mismong punta ng TMB sa Boracay. Wait. Napailing ako sa naisip ko. Bakit ko naman gugustuhing malaman 'di ba?

May kumatok sa pinto ng kwarto ko.

"Come in."

"Ma'am Megan, nagpadala na naman po ng bulaklak si Sir Thrace," sabi ni Manang Rosie, ang head ng mga maid sa bahay na ito.

Naalerto ako sa sinabi niya at agad bumangon mula sa pagkakahiga.

"Nasa baba ba siya? Oh no! Teka, past eight na ah? Don't tell me he's downstairs again?"

Hindi ko alam ang gagawin kung sakaling nandito nga si Thrace. Magkukunwari na naman ba akong may sakit o ipapasabi ko na lang kay Manag Rosie na kunwari tulog na ako? Oh, how I hate my life at times like this.

"Wala po siya. Nagpadala lang siya ng bulaklak. Ito..." Iniabot niya sa akin ang isang malaking bouqet ng bulaklak. Nakahinga ako nang maluwag. "Ang swerte mo kay Sir Thrace. Bakit ba hindi mo sinasagot ang batang iyon? Galing din siya sa magandang pamilya at kay gwapong binata."

"He's too good for me."

"Hindi ko alam ang gusto mo, Ma'am Megan. Pero kung sakaling bumalik ako sa pagkadalaga at kasing ganda niyo ay sasagutin ko si Sir Thrace. Sa dinami-rami ng mga nanliligaw sayo ngayon, bakit wala kang magustuhan sa kanila?"

Ngumiti ako.

"Hindi pa ako pumapayag na manligaw sila."

"Pero kahit pa sabihin nyo yan. Patuloy pa rin sila sa pagporma sa inyo."

Tumawa ako. Hindi ko rin alam kung bakit ako nagugustuhan ng mga lalaki. Dahil ba sa mayaman kami o dahil ba sa ganda ko? May mga lalaking pumoporma na agad sa akin kahit hindi pa naman nila ako tuluyan nakikilala. Gusto lang ba nila akong pang-display o talagang gusto nila ako?

"I want a man, challenging enough to attract me. 'Yung lalaking makakapagpabaliw sa akin." Tumawa na lang ako at inilapag ang bulaklak sa kama. "I wonder when?"

Napatingin kaming dalawa ni Manang Rosie sa pinto nang may kumatok na isa na namang maid.

"Ma'am, nasa baba po ang Mommy nyo at ipinapatawag kayo. May kasama siyang bisita." Sabay kaming nagkatinginan ni Manang Rosie. Oh no, si Thrace kaya iyon? Huwag naman sana.

"Si Thrace ba?"

"Hindi po. Kaibigan ng Mommy nyo." Nakahinga na naman ako nang maluwag.

Nagpalit ako ng damit para hindi nakakahiya sa bisita ni Mommy. Bumaba ako sa malaking hagdanan at yumuko ang ilan sa mga body guards ng mansyon.

10 Ways to mend his broken heart (Tristan Dela Rosa)Onde histórias criam vida. Descubra agora