"Anong ibinulong mo kay Monti?" Puno ng kuryusidad niyang tanong sa dalaga.

Fyre shrugged as she answered. "I told him to wake up."

Nagsalubong ang kilay niya. "Wake up from what?"

"From the nightmare he's in." Fyre sighed before shaking her head. "That man loves you, Inna. That's why he's like that. Hindi mo nakikita kasi masamang tao ang tingin mo sa kaniya. Your mind is close to the possibility that he might be in love with you.

"But that doesn't justify what he did to you. Being hurt by the one you love doesn't give you the right to hurt them back. Pero para sakin na nakikinig sa usapan niyo kanina at pinagmamasdan siya, sa likod ng walang emosyon niyang mukha nagtatago ang sakit na pinaparamdam mo sa kaniya sa bawat salitang lumalabas sa bibig mo."

Inna looked at Fyre in astonishment. "He loves me?"

Tumango si Fyre habang nagmamaneho pa rin. "Kaya nga inaya kitang umalis. You're torturing him without even knowing it." Itinigil nito ang sasakyan saka bumaling sa kaniya at tiningnan siya sa mga mata. "Hindi mo siya kailangang pagsalitaan ng masama. Makakaasa ka na magiging malaya ka sa kaniya. Just give me a month. And no, Monti will not hurt you. You're in Temptation Island. Men here are not allowed to hurt women without their consent."

"C-consent?"

"Yes." Fyre nodded. "BDSM."

She blinked. "Of course. BDSM."

Fyre smiled. "So promise me one thing."

"Ano 'yon?"

"Don't talk to Monti. Leave him to me. Ako ang bahala sa kaniya."

"Gladly." Ngumiti siya. "Ayokong nakikipag-usap sa kaniya."

Fyre nodded. "Good. And please don't tell Havoc about what happened in Gyros."

Tumaas ang kilay niya. "Bakit?"

"He's over acting sometimes. Baka ano pa ang gawin niya." Bumaba ito ng golf cart at naglakad pabalik sa pinanggalingan nila.

"Fyre!" Tawag niya sa babae.

Nilingon siya nito. "Yes?"

"Where are you going? Baka hanapin ka ni Havoc sakin."

Fyre smiled. "I'm going back to the Restaurant. I have a demon to lure and to tame." Misteryuso nitong sagot bago nagpatuloy sa paglalakad pabalik sa Gyros.

Siya naman ay nakatitig lang sa likod ni Fyre.

A demon to lure and to tame? What does Fyre mean by that?

Lumipat siya sa driver's seat ng golf cart saka nagmaneho pabalik sa Cabin nila ni Havoc. Doon nalang niya hihintayin ang binata.

NAPABANGON SI Inna ng pumasok si Havoc sa cabin nila na halata ang iritasyon sa mukha. "Okay ka lang ba?" Kaagad niyang tanong sa binata.

Umiling si Havoc saka lumapit sa kaniya sa kama at bigla nalang siyang niyakap ng mahigpit. "I'm so sorry. I can't stop Monti. Nagpa-member siya rito sa Isla."

Oh. Alam na pala nito. "Ayos lang 'yon. Hindi naman niya ako masasaktan kasi nasa tabi kita."

Havoc cupped her face. "But what if he tries to take you away from me again? Hindi ako makakapayag, Inna."

Nginitian niya ang binata na halatang nag-aalaa sa kaniya. "To make sure of my safety, hindi ako lalabas ng Cabin o lumabas man ako kasama kita. How's that?"

Unti-unting kumalma si Havoc. "Good idea."

Nginitian niya ito kahit may takot pa rin siyang nararamdaman na nandito si Monti sa isla. "Paano raw nakapasok si Monti? Alam ba nila ang ginawa niya sakin?"

TEMPTATION ISLAND: Sinful Desire (COMPLETED) - PUBLISHED under REDROOM Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz