005

21 6 0
                                    

Chapter 5
Utong

B E A T R I X


Saturday class sucks. Ang aga kong nagising kanina. 7:30 na pero wala parin si Kai. Papasok pa kaya yun?




Tiningnan ko ulit ang phone ko kung may message si Zion. Hmp. Nagtatampo ako don. Puro kase ros kaya ito sinusuyo ako. Ahahaha. Ang lupit nga ni Kai at Jake eh. Si Jake nag ro-ros din. Kaya ayun nagrereklamo si Kai kase inaabot ng lima o sampung minuto bago magreply ang Jake niya.




Pero idol ko yung gagong yun. Iniintindi kase niya si Jake tapos sabi din namin. Aaralin naming mag ros para kami nalang partners. Astig diba. Para kahit di kami magka chat naglalaro naman at partner sa ros.




Napatingin kami sa backdoor. Nakita naman namin si Kairein na paeasy easy lang.



Lumapit naman siya sa amin. Nandito kase kami sa harap, sa teachers table. "Anong oras na?"




"7:34." sagot ni Rian.




"Pusa late ako ng four minutes."



"Hindi ka naman mukhang problemado." ani Kirsten.




Tumawa naman si Kairein. "Bakit ko pa proproblemahin? Eh kahit anong gawin ko malelate na din naman. Atsaka sanay na."




Noong grade seven kase kami. Ang aga niya. Ang aga niya para sa second subject. 6:00 kase start ng klase namin noon. Taposs dadating siya ng 7:30 o 6:30. Maaga na nga din siya para sa third subject eh.



"Hoy ibibigay ko na ba pangalan mo?" tanong ni Ashleigh kay Kairein. Isa rin yan sa kaibigan....uhm kasama namin pero hindi namin tol.




Kahapon kase may kavideo call sila tapos iniharap ni Yasha sa amin yung camera. Tapos pinag hi niya kami. Pagkatapos nun tinatanong nila kung sino yung naka salamin. Eh si Kai lang naman naka salamin sa amin. Malabo kasi mata. Kursunada ata ang utol namin.




Ang haba ng buhok ng shokoy na yun, abot hanggang Quezon.




"Wag. Buti naman sana kung gwapo." sagot ni Kirsten para kay Kai.




May point siya. "Atsaka loyal ako kay Jake." ani Kai.




Nag phone kami at nag kwentuhan hanggang sa may dumating na bagong teacher. Sub siguro ng adviser namin. Iyon nag discuss at nagbigay ng ise-search. Sunod na subject wala kaya naglaro kami ng catch the killer. Kapag si Kai ang killer nahuhuli ko kase ako una kinikindatan tapos siya rin lagi pinaghihinalaan ko.





"HAHAHAHAHA ambobo."






"Tapos na HAHAHAHA."





Tawa namin nagpatayan kase sina Kai at Kirsten. Ampupu nagkindatan.



Naglaro kami ng isa't kalahating oras. Dumating na ang AP teacher namin. Pagkain na lang isinisigaw ng sistema ko. Wala na kong care sa history ngayon dahil gutom na ako.





RANGGGGGGG!



Yes! Recess! Shortened lang klase namin ngayon kaya half day lang kami.




Pumunta agad ako kay Kai. "Oy dalian mo!" sabi ko sakanya pero nakatingin lang siya sa akin. Nagtaka ako kaya sinundan ko nag tinitingnan niya. "Oy gago!" hampas ko sakanya ng mapagtanto kung anong tinitignan niya. Buset sa dibdib ko.






"Utong mo bakat."





Napayakap naman ako sa sarili ko. Ang dume ng bunganga ng babaeng 'to. Sinasabi lahat ng pumapasok sa utak, hinde na lang sarilinin.







Itinaas ko naman ang apat kong daliri. "Manyakol ka!"






"OY ANO?! PASALAMAT KA AKO NAKAKITA HINDE IBA!" sagot niya.







Inirapan ko na lang siya. Pagdating namin sa favorite stall namin biglang kumanta si Kairein habang naka akbay kay Marian.






"Bahay kubo kahit munti ang halaman duon ay sari sari, singkamas at talong, sigarilyas at mani....utong ni Bea halata!"








"ARAY KO!" daing ni Kai. Binatukan kasi ni Yasha.






"Gago ang ingay mo pinagtitinginan tayo. Utong utong tsk." sagot ni Yasha.







Luminga linga naman si Kai at inirapan yung mga nakatingin sa amin. "Pake ko at pake nila tsk."






"Bea." tiningnan ko naman siya. "Band aid sapat na BWAHAHAHA!"






"ULUL AHAHAHA oo nga wag ka na mag baby bra. Kase band aid sapat na." sakay ni Kirsten sa trip niya. Mga ulul sila shems.






Yayks! "Mga pakyu kayo!"





"Yayks! BASN!"






"Anong BASN Yasha?"






"Band Aid Sapat Na."







"Ulol kase pa fitted fitted pa." ani Marian.







"Ms. Utong goes to Beatrix Sison!" sigaw nilang apat. "Utong."







Uwaaaah! Mga gago sila errrr. Tangina talaga bakit ko ba sila kaibigan?

That Thing Called FriendshipWhere stories live. Discover now