002

36 8 1
                                    

Chapter 2
Happy 3 days!

B E A T R I X

Ang saya saya kong bumangon at naligo. Pagod man galing sa camp ay malawak parin ang ngiti ko.


Pasulyap sulyap ako sa relo ko kung anong oras na.


6:48 na ng umaga. Andito na ako sa school. Andito nadin ang tropa. Si Marian na naglilinis. Sina Kirsten at Yasha na pinanonood ang video ng mga crush nila habang sumasayaw. At meron ding Kairein na papalapit sa pwesto ko.




"Mukha kang bilasang isda!" pambubwisit niya at tumawa pa. Hindi ko na lang siya pinansin at sumulyap ulit sa relo ko. 7:00.




RINGGGGGGGGGGGGGG!



Flag ceremony na. Pumunta na kami sa corridor at pumila. Kumanta at sumumpa kami.



Pagbalik sa room ay sinimulan na namin ang Research namin. Sinulyapan ko ulit ang relo ko. 7:34.



"Beatrix! HAHAHAHA." pambubulahaw ni Kairein na ngiting ngiti.




"Ano?"




"Wala." sagot nito at tumatawang umalis sa harap ko.





Gago talaga yun. Napasulyap ulit ako sa relo ko. 8:17 na. "Happy three days!"





"Anong three days?" pang iintriga ni Yasha na hawak ang cellphone niya.





"Kami ni Zion HAHAHA."




"Edi wow." bitter eh anong magagawa ko.





Dahil sa pang iintriga nila sa akin ay nag kwento na ako.






"Kaya pala binura mo nickname ko sa messenger!" kunwaring nagtatampo na sabi ni Kairein.





Sinangga ko na lang ang hampas niya. "Anong religion mo? Tanong niya ngay sa akin." natatawang kwento ko. "Sagot ko region 1, pucha!"





Nagtawanan naman sila pero sinamaan ako ng tingin ni Marian.




"Kaya pala sulyap ka ng sulyap sa relo mo." wika ni Kirsten.





"Pano na lang pag months na kayo? Ba ka pati kalendaryo eh memoryado mo na." hirit ni Kairein. Kahit kailan talaga tong mga to.





"Support ka namin diyan." sabi ni Marian at tinapik tapik pa ako sa likod.




"Edi ikaw na may lovelife." si Yasha.





"Inggit ka lang!" sabay sabay na sigaw naming apat. Nakatanggap lang kami ng irap galing kay Yasha.





Siya lang kasi walang lovelife. "Hayaan mo hahanapan ka namin." kunwaring naaawa na sabi ni Kirsten.





"Mama mo cute di ka nagmana." sabi ni Yasha at pinalo si Kirsten.




Kinuha ko na lang ang cellphone ko at grineet si Zion.




Happy three days! HAHAHAHAHA.

That Thing Called FriendshipWhere stories live. Discover now