Pangatlong Yugto

24 3 0
                                    

Lindsay's Point of View

Nang lumabas kami kanina doon sa pangatlong laro, napunta na naman kami sa kabilang kwarto.

"Ano na naman 'to?" Bulong ni March na nasa aking tabi.

"Congrats sa mga naka survive! Para sa level 4 ng larong ito kailangang hindi kayo mag iingay, kaunting ingay niyo lang magigising ang mga nakatagong nurse sa kwartong ito at alam nila kung sino ang lumikha ng ingay na yun. Kailangan niyong hanapin ang mga susi sa loob ng kwartong ito, saktong 19 ang mga susing nakatago. Pwede niyong buksan ang lahat ng drawers, basta hindi kayo gagawa ng malakas na ingay. THE GAME STARTS NOW! YOU ONLY HAVE 10 MINUTES TO FIND ALL THE KEYS" Sabi ng nagsasalita sa speaker at nagsimula nang mag countdown ang timer.

"Shit." Bulong ni Porshia at nagsimula na nga kaming maghanap.

Una akong naghanap sa ilalim ng mga hospital beds. Maingat ako sa mga bawat galaw ko at hindi gumagawa ng ingay. Nagulat ako ng biglang tumabi saakin si Torneng at tinulungan din akong maghanap.

"Torneng..." Bulong ko sa kanya.

Lumingon naman siya.

"Dito ka muna dun ako sa kabila" sabi ko.

Tumango siya at tumayo na ako at pumunta sa kabilang hospital beds.

Tinignan ko ang ilalim ng unan upang malaman kung may susi ba na nakatago doon. At hindi nga ako nabigo, meron doon pero ayoko na munang lumabas dahil tutulong pa ako.

Binigay ko na lang ito kay Keana na kaklase namin. Agad siyang lumabas at agad din akong pumunta ng mga drawers. Dahan dahan ko itong binuksan at dahan dahan ko ding hinalungkat.

5 na ang nakakalabas at 14 na lang kaming natira, ang buong tropahan namin at ang 5 pa nilang kaklase. May nakita ako dun sa cabinet at nagulat ako ng biglang sumigaw yung kasama namin. Nagulat siya dahil may dumaan na daga sa harap niya, maya maya pa may lumabas na nurse na parang robot at pinagsasaksak yung kasama namin. Muntik ng sumigaw si Natasha pero agad natakpan ni Cupid yung bibig niya.

"Fuck" bulong ni Grey.

Nagtalsikan sa mga uniform namin yung mga dugo na galing dun sa sumigaw.

Napaatras si Lana at nabangga ang drawer na gawa sa bakal kaya nakagawa ito ng matinding ingay. Namutla naman kaagad ang mukha niya at tumakbo papalayo.

"Oh my god" bulong ni Tamarra na nasa tabi ko.

May mga lumipad na maliliit na karayom at tumb tacks papunta kay Lana at tumama ang lahat ng iyon sa likuran niya.

"Tulungan niyo koooo!" Sigaw niya pero wala ni isa ang lumapit sa kanya.

Lumapit ang robot na nurse pinakain siya ng karayom, pilit niyang sinasara ang bibig niya pero hindi niya kaya ang robot. Umiiyak na siya  at lahat ay nagulat ng biglang dinukot ng robot ang eyeball ni Lana at pinilit na ipakain ito kay Lana.

Si Porshia naman ay naiiyak na dahil sa sinapit ng kanyang kaklase. Kahit ako na hindi siya kilala ay naiiyak na din.

Lumapit naman ako kay Porshia at niyakap siya pero hindi parin kami gumagawa ng ingay. Hinayaan na lang namin doon ang katawan ni Lana at pinagpatuloy ang paghahanap sa susi. Nakakita ako at binigay ko ito sa kaklase namin. Nakalabas siya. Hanggang sa siyam na lang kaming natitira. Walo na ang naiipon naming susi, dahil ang usapan namin ay sabay sabay kaming lalabas.

Nagpaubaya si Grey na magpaiwan, nakalabas kaming walo at siya ang naiwan.

1 minute na lang ang natitira. Halos di ako makahinga dahil sa kaba at takot na baka hindi na makalabas si Grey.

Umiiyak na at nakayakap saakin si Tamarra. Kahit ako ay naiiyak na sa takot.

"Wag na kayong umiyak, may tiwala ako kay Grey. Makakalabas siya" pagpapalakas ng loob ni Cupid saamin.

Maya maya nakalabas na si Grey sa kwartong iyon at saktong sumabog ang kwartong iyon.

Niyakap namin siya dala ng saya. Kumpleto parin kami, at sana hanggang huli kumpleto at walang mababawas saamin.

—oo—

A/N: Sorry for the late and short update, bawi ako next chapter. Sana sulit na sainyo tooooo lovelots <3.

Game OverWhere stories live. Discover now