ADIK#17 (Deadland)

1.7K 66 1
                                    

CHAPTER SEVENTEEN

DAWN'S POV:

"LETS START THE COUNT DOWN!"

"10"

"9!"

Napalunok ako, heto na.

nagka-countdown na para sa mga mission, lahat ng missions and battle ng mga fams at gangs ay sabay sabay na magsisimula sa oras na alas sais ng hapon.

Magkakaiba ang missions ng bawat fams, yung iba kailangan nilang magslay ng demons, yung iba naman kailangan nilang pumatay ng kapwa nila for them na mabuhay, at kami? yun ay ang manatiling buhay kasama ang ilang normal na tao sa loob ng kalahating araw sa deadland.

"8"

"7"

Lahat kami ay nakabackpack na for survival, at ang laman ng backpack namin ay pack foods at ilang damit, hindi na namin kailangang magbaon ng tubig kase nandito naman ako.

"6"

"5"

Tahimik kaming lahat, magkahawak ang mga kamay at tabi tabi.

"4"

"3"

"2"

"1"

In just a snap ay biglang naglaho ang ibang kasama naming mga fams, nagbago ang paligid namin at napunta kami sa isang abandonadong bayan.

Inilibot ko ang tingin ko at napagtantong magisa lang ako, nakatayo dito sa gitna ng madugong kalsada.

"O-okay? nasaan sila?" bulong ko.

nagsisimulang maghari ang kaba at takot sa akin ng makarinig ng iyakan, tawanan at may pagkalansing pa ng bakal.

'paksyet naman oh! nasaan na ba sila ash!?'

Kanina lang magkakahawak kamay kami, tapos ngayon ako nalang bigla mag-isa!? ano 'to!? gaguhan!?

nag-iba rin ang suot kong damit, kung kanina ay nakauniform ako, ngayon ay naka-shorts ako tapos sleeveless na sando at hoodie.

even my backpack was gone! what the hell!?

"Devilie! andiyan kalang pala!" napalingon ako sa likod ko ng may marinig akong tumawag sakin and i saw taemi, nakasuot siya ng uniform namin sa fendleton academy? tapos ang linis linis niya.

"Taemi? teka bakit ganiyan ang suot mo?" tanong ko.

Nakakapagtaka lang, kase first time akong tawagin ni taemi sa pangalan ko.

"huh? galing tayo sa school diba? tara na uwi na tayo" mas lalong lumalim ang kunot ng noo ko.

"W-what are you talking about?"

"ano ba miss devilie dest, magdedate pa tayo!" nagulat ako ng sigawan ako ni taemi tapos parang nag-iba saglit yung boses niya.

So ibig sabihin nandito rin yung taemi na kinatakutan ko? yung taemi na sinabihan ako ng masasakit na salita? yung taemi na hindi ako naalala?

hahawakan niya sana ulit ako sa braso pero sinampal ko ng malakas yung kamay niya at nginisihan siya.

"You can't hurt me by your words again" sabi ko at umatras ng konti habang nakangisi sa kaniya.

siya naman ngayon ang nagkunot ng noo sakin.

"miss sino ka? kung pinagtitripan mo lang kami ay itigil mo na lang, kase ako ang may-ari ng paaralan na to at kayang kaya kitang patayin! BWAHAHAHAHA!!" inirapan ko siya tapos sinipa sa sikmura saka ipinabuka ko yung bibig niya at binuhos ko yung tubig sakanya hanggang sa malunod siya.

maya maya pa ay naglakad lakad ako at naagaw ng pansin ko ang isang doll.

"oh shit" andaming dolls dito! ukininam! bwisit na anabelle.

Hmm? try ko kayang magsurfing? sinimulan kong tumakbo ng mabilis at triny ko na pasunurin yung mga tubig sakin na galing sa mga ulap at hangin.

Nakabuo ako ng wave! pinabalot ko yun sa kalahati ng katawan ko at triny kong umusad gamit lang ang mga iyon.

nasa kalagitnaan ako ng kasiyahan at hindi pinapansin yung mga nadadaanan kong halimaw ng makarinig ng tilian at dagundong.

May normal na tao nga pala kaming kasama dito tss.

mas dinamihan ko yung naipon kong wave at sinundan yung dagundong at tilian na naririnig ko and guess what i discover?

Limang normal na tao kasama si jillian at camion na tumatakbo mula sa humahabol sa kanilang, Teka si Godzilla ba to?

"Anak ng! may isa pa tayong problema! may isang babae dun oh! nakasakay sa tubig!"

"Kyaaaahhh!! huhu bat ba kase ako nasa lugar na to? nagsasaing lang ako sa bahay eh"

"Omygod!"

"Mga gunggong! KAIBIGAN NAMIN YAN! TANGINA DAWN!!!!! TULONGG!!!" Sigaw ni jillian.

tignan mo tong babaeng to, may kapangyarihan siyang poison na jellatin tapos hindi niya ginagamit, gunggong talaga.

para mas mapabilis ang takbo namin ay pinaanod ko rin sila sa tubig tapos mabilis kong pinagalaw ang tubig para makalayo kami agad dun.

ng hindi na namin marinig ang dagundong at hiyaw nung halimaw ay ibinaba ko na sila at hinayaang sipsipin ng lupa ang tubig na ginawa ko.

pinatuyo ko yung mga damit nila tapos saka ko sila kinausap.

"sino kayo?" masungit na tanong ko.

mahirap na, baka kagaya lang sila ni taemi kanina.

"Wala kaming kasalanan! nagulat nalang kami ng bigla kaming sumulpot dito!"

"Natatakot na ako!"

"ayaw na namin dito! kanina pa kami natakbo!"

"pagod na kami!"

hinila ko si jellatin at camion.

"Kayong dalawa, kayo ba talaga ang mga hunghang kong kaibigan?" tanong ko.

"duhh, makahunghang ka lasunin kita eh "

"n-natatakot ako ate dawn" tumango ako at humarap ulir sa mga normal na tao.

"Hindi kami normal gaya niyo, at mission lang namin to, pagkatapos ng kalahating araw ay mawawala rin kami dito" paliwanag ko.

"Siya, isa siya jellatin na tao na may kakayanang manlason o gawin kang jellatin habang buhay, siya naman ay marunong magbasa ng isip" dagdag ko.

"Kakayahan ko ring magpagaling ng sugat, part of being a high ranker" sabi ni camion at inayos ang salamin niya.

"at ako? siguro naman nakita niyo kanina ang ginawa ko?" tanong ko.

"WHAT THE FUDGE"

"Gaguhan ba to?"

"haha tapos ako may powers din, kaya ko kayong patayin lahat hahaha "

"oo tapos ako powers ko naman ay apoy"

"ako nga kaya kong makalipad"

sinamaan ko sila ng tingin -?-

akala ba nila nagbibiro kami?

magsasalita pa sana ako pero nakarinig kami ng kalansing ng isang bell?

sa di kalayuan ay nakita namin ang isang malaking lalaki na walang mukha pero may mga hiwa ang mukha niya gaya ng sa bandang mata at bibig tapos ilong, inshort, wala siyang commonsense, pero puro hiwa ang mukha niya.

"W-woah, si d-dondy ba iyan ng faceless dondy?" kumunot ang noo ko sa sinabi ng isang babae na isa sa mga niligtas namin.

A/N: READER MODE ATTACKKKK😂 LOL HAHA I LOVE DONDY EH BAT BA.

University of High's (COMPLETED) (NOW IN MAJOR EDITING) #WATTYS2019Onde histórias criam vida. Descubra agora