Makalipas ang ilang minuto, sumenyas ng break ang coach nila Luna at East. Si Luna ay dali-daling tumakbo papalapit kay Rylee. Kitang-kita ang malawak na ngiti nito na para bang kinikilig dahil pinapanood siya ni Rylee. Samantalang si East naman ay pumunta sa gawi ng kapatid niya at ni Eli.

Umupo si East sa tabi ni Eli dahilan para magwala na naman ang puso ng bakla. Kinuha ni East ang bottled water na nasa tabi ni Eli at bahagya itong itinaas.

"Painom a?" tanong sa kanya ni East.

"P-pero ---"

Tututol sana siya kaso nainom na ito ni East. At mas lalong kinilig ang maharot nating bida.

"OMG! Indirect kiiiiiiiss!"

Ramdam niya ang pamumula ng pisngi niya kaya umiwas siya ng tingin at nagkunwaring nakatingin sa direksyon nila Rylee. Doon ay nakita naman niyang nakakapit sa braso ni Rylee si Luna at halata sa mukha nito na natutuwa itong makita na siya ang dinodrawing ni Rylee.

"Kaya napagkakamalang may relasyon e."

Ewan pero bigla na lang iyong nasabi ni Eli.

"Ha?" tanong sa kanya ni Easton.

"A-Ah. Wala wala." Pagtanggi niya.

At biglang ngumiti sa kanya si East. Siya lang ba o feeling niya nagpapacute sa kanya si East?

"Salamat sa tubig." Saad ni East at tumayo na ito mula sa pagkakaupo.

Bago ito tuluyang umalis, muli itong ngumiti kay Eli at ginulo ang buhok ng kapatid niya na abala sa pagseselpon.

---

Pagkatapos manood sa oval, nagpaalam si Eli kay Sky dahil nagpatawag ng meeting ang president ng Perfect Shot. Agad namang pumayag si Sky dahil may gagawin din daw ito sa student council office.

Malapit lamang ang building kung saan naroroon ang office ng Perfect Shot sa oval kaya mabilis lamang nakarating doon si Eli.

Pagkarating niya roon, kakaumpisa lamang ng meeting. Nginitian siya ng president na si Sam bago sinenyasan siyang pumasok.

"So, tulad nga ng sinabi ko kanina, magiging busy tayo this semester. Meron tayong tatlong events na kailangang i-cover. Unang-una ay ang nalalapit na University Games. Our school publication is relying on us with this matter. Sa atin nakasalalay ang mga shots na gagamitin nila for their articles. The next one is ang retreat after University Games. At ang panghuli ay ang stage play. It's going to be a tough semester, but I know we can all do it 'coz capturing the perfect shot is our passion."

Nagpalakpakan naman ang members ng Perfect Shot dahil sa sinabi ni Sam.

"By the way, ngayon na pala natin i-mimeet ang Art Society regarding sa annual contest natin na Perfect Art."

Napakunot ang noo ni Eli dahil sa narinig kaya nilingon niya ang katabi niya at nagtanong.

"Ano yung Perfect Art?"

"It's a collaboration contest of Perfect Shot and Art Society. Taon-taon 'tong ginagawa. Bale ang isang member ng perfect shot ay kailangang makipagpartner sa isang member ng art society. Tapos ang member ng perfect shot ang maghahanap ng magiging muse ng member ng art society na magiging entry naman sa contest."

Napatango-tango naman si Eli. Nang sumenyas na si Sam na tumayo ang lahat, nagsisunod na sila at naglakad papunta sa studio ng Art Society.

Pagkapasok pa lang nila Eli, agad na siyang namangha sa mga sculptures na naroon, mga paintings, miniatures at marami pang iba. Pero ang pinakaumagaw talaga ng atensyon niya ay si Rylee na nakaupo sa pinakadulo habang nakatanaw sa labas na tila ba wala siyang pake sa mga nagsidatingan na estudyante.

Dahil mas naunang nabuo ang Art Society sa University kesa sa Perfect Shot, sila ang pumipili ng magiging partner nila.

"Sana piliin ako ni Rylee."

"Sana ako rin."

"Ang ganda niya talaga."

"Anong kayang feeling maging partner niya?"

Ilan lamang yan sa mga naririnig ni Eli mula sa mga kasama niya – mapa-babae man o lalaki.

Matapos ang kulang-kulang sampung minuto, nakapili na ang buong Art Society ng magiging partner nila maliban na lang kay Rylee na nakatingin pa rin sa labas. Sa Perfect Shot naman, si Eli na lang ang walang partner.

"Rylee..." tawag ng president ng org nila.

Agad namang tumingin si Rylee dito.

"Si Eli na lang ang walang partner. Siya na lang ba ang partner mo?"

Tumingin si Rylee sa direksyon ni Eli at di nakatakas sa mga mata ng babae ang ginawang paglunok ni Eli. Naisip niyang baka natatakot ito sa kanya dahil sa ginawa niya.

"I'm going solo again this year." Deklara ng dalaga.

"P-Pero pwede ba yun?" protesta ni Eli. Kinakabahan siya dahil wala siyang ka-partner. Kaya kahit si Rylee pa ang maging partner niya, papatulan na niya.

"Yes." Sagot ni Piper, ang president ng Art Society.

"P-Pero paano ako? Saan siya kukuha ng muse niya?"

"Luna is my muse." Mabilis na sagot ni Rylee.

"Sorry, Eli. Since no one picked you as their partner, you can't join the contest."

Tila gumuho naman ang mundo ni Eli. Matagal niya ng pangarap makasali sa isang org na related sa photography at ngayong nakasali na nga sya, hindi naman siya binigyan ng pagkakataon na maipamalas ang angkin niyang talento.

Bago pa man siya makapagsalita ulit, nagsitayuan na ang lahat at isa-isa nang lumabas. Naiwan siyang nakatayo sa gitna ng mini-stage ng studio at si Rylee na nagliligpit ng gamit niya.

Lumapit siya dito at pinigilang umiyak.

"Ano bang problema mo sa akin ha?!" tanong niya rito na para ba siyang isang bata na inagawan ng lollipop ng kalaro niya.

Hindi siya pinansin ni Rylee. Patuloy lamang ito sa pagliligpit ng gamit niya.

Dahil nainis siya sa ginawa nitong panderedma sa kanya, hinawakan niya ang braso nito at pinihit paharap sa kanya. Sinalubong naman siya nito ng malamig na tingin.

"Ano ba talagang problema mo sa akin? Ikaw nga hinahayaan kong haras-harasin ako tapos ikaw simpleng pagpili lang sa akin bilang partner mo, di mo pa magawa."

Walang pakielam si Eli kung magmukha siyang kaawa-awa. Desperado talaga siyang makasali sa contest.

"I already called my dad. Ililipat ka na niya ng kwarto tonight." Simpleng saad ni Rylee at tinalikuran na si Eli.

"B-B-Bakit?"

"Because I hate seeing your face."



(A//N: Hello mga beks! Bukas na me mag-aupdate sa Mistaken. Mwuah :* )

HER TWISTED MINDWhere stories live. Discover now