[three]

2.2K 125 15
                                    

(ELI'S POV)

"Third years! Kindly proceed here in the Quadrangle. Our general assembly will start in 15 minutes."

Umalingawngaw ang voicelalu ng secretary ng student affairs mula sa stage di kalayuan sa akin. Imbes na mag-ala Lydia de Vega ako at sumunod sa mga klasmarurut kong nag-uunahan sa pagpunta sa quadrangle, nakabuntot ako ngayon sa kaibigan kong di ko noselift ang mga chenes chenes sa layp. Charbel!

Anyways, ito na talaga. Kaya ako nakasunod sa Gourgina Wilson kong tropa kasi nawawala niya raw yung financial report na ginawa niya at ngayon nawiwindang na ang lola niyo kasi kailangan daw ites ipresent sa president ng school. Sureness daw si ate niyo Sky na maiimbyerna daw president ng student council kapag nalaman ang masamang balita. Bengga siya in short! Ganern.

"Wait for me here, Eli." Sabi ni ate niyo Sky at pinaupo ako sa isang bench sa tapat ng student council office.

At dahil supportive ako, inintay ko ang prennywaps ko. Sureness akong ginigisa na siya sa loob. Never ko pang na-meet yung pressy ng student council pero nabuga daw yun ng apoy. Eww.

Habang nag-iintay, inilabas ko ang selpon kong tatskrin pero basag-basag na ang screen. Wala kayong magagawa. Purita Kashiwara pa ako. Wala pa akong sapat na anda para bumili ng bagong phonelalu.

Habang abala sa pagkakalikot sa bongga kong phone, nagulat ako nang may biglang tumabi sa akin. So syempre simpleng hawi ako sa hair ko at tiningnan kung sino ang tumabi sa akin at na-shookt ako nang makilalang si bebe East pala ituu. Humagulay! Destiny naman e. Kilig akue! Naitago ko tuloy imported kong phone.

"Hi! Nasa loob ba si Sky?" tanong niya habang titig na titig sa akin sheeeet!

"H-Ha? Ee nese leeb siye hehehe." Pabebe kong saad. Syempre kailangan mahinhin tayo kunwari. Rawr.

"Ah. Okay. Hihintayin ko na lang siya dito." Saad niya at nginitian ako.

East. Wag kang ganyan. Ang puso ko shet huhu.

"Bakit may balot yang leeg mo?" tanong niya sabay turo sa leeg kong balot na balot ng scarf. "Hindi naman tig-lamig dito sa Pinas." Dagdag niya pa.

Hinawakan ko ang scarf ko at pasimpleng sinilip ang love bite na ginawa ng Lucresia Kasilag kong roommate na si Rylee.

"A-Ah hahaha. Kinagat kasi ako ng lamok hahaha. Masyadong malaki kaya tinatakpan ko hahaha."

Kumunot ang noo ni East dahil sa chinika ko. Pero sinundan naman niya ito ng tango at tumingin na lamang sa pinto ng student council office. Hindi na siya ulit nagsalita pero nagbabangga ang mga siko namin kapag gumagalaw kami.

Habang tahimik lang kaming nagpapakiramdaman ni East, may dumaang mujer na nag-kacrayola. Sa tingin ko first year pa siya kasi ang fresh nya pa. Charr.

After nung babae ay si Rylee naman ang sunod na dumaan. As usual naka-earphones na naman ang ate niyo habang may nginangatang lollipop.

"Ikaw ba ang may gawa nun?" tanong ni East kay Rylee.

Akala ko dedeadmahin lang ni kumareng Rylee si bebe East tulad ng madalas niyang gawin pero lumingon ito sa gawi namin.

"Yeah."

"Bakit?"

Tinanggal niya muna ang earphones niya at tinaasan ng kilay si East. Maldita talaga 'tong babaitang itey.

"She confessed her feelings for me and I turned her down. I have a reputation to protect. I can't just date a first year college student." Mataray na sabi ni Rylee.

HER TWISTED MINDWhere stories live. Discover now