My Favorite Sin - 19

22.7K 503 217
                                    



Matapos makapagpaalam ni Marlon ay bumalik na ako sa loob ng bahay. Hindi ko alam kung paano ako nakapanhik sa ikalawang palapag ng bahay. Ang alam ko lang, masaganang umaagos ang mga luha habang pinagmamasdan si Vince na mahimbing na natutulog. At noon ko lang napansin ang lungkot sa mukha niya. Even at sleep, he looked so sad... and tired.



I can only imagine the pain he's been through sa pagkawala ng lola niya. Nanumbalik sa akin ang mga alaala noong dito nakitira sina Vince at ang lola niya. Naging saksi ako kung gaano ka-close ang dalawa at kung gaano kamahal ni Vince ang lola niya.



Maingat na tumabi ako kay Vince sa kama at marahang niyakap siya mula sa likod niya. Sa pamamagitan man lang ng yakap na 'yon ay mabawasan ang sakit na nararamdaman ni Vince.



Hindi ko alam kung anong oras ako nakatulog. Nang magising ako kinabukasan ay wala na si Vince sa tabi ko. Dali-dali akong pumunta ng CR para mag banyo at mag toothbrush. Pagkatapos ay bumaba ako para hanapin ang binata. Sa likod bahay ko siya nahanap—nakaupo sa upuang nakaharap sa lawa. Halatang malalim ang iniisip. Mukhang nakaligo na siya dahil mamasa masa pa ang buhok niya.



Tahimik na umupo ako sa tabi niya. Nang magtama ang mga mata namin ay malungkot na ngumiti siya.



"Miss na miss ko na si lola," malungkot na saad niya saka sumubsob sa balikat ko. Hanggang sa naramdaman ko na lang na umiiyak na siya. Marahang hinahaplos ko ang likod niya habang namamasa naman ang sarili kong mga mata.



"Ssssshhh. Tama na." Iyon lang nasabi ko sa kanya dahil hindi ko naman alam kung anong mga salita ang makakapagpalubag ng loob niya. Wala ako sa posisyon para sabihing magiging okay rin ang lahat dahil hindi ko naman alam ang sakit na nararamdaman ni Vince dulot ng pagkawala ng lola niya.



Nang bahagya nang kumalma si Vince ay unti-unti siyang nag kwento sa nangyari sa lola niya. Isang araw raw ay nagkasagutan sila ng amain niya na nauwi sa suntukan. Nang umawat ang lola ni Vince para ipagtanggol ang apo ay itinulak ito ni Lucio dahilan para matumba at mabagot ang ulo sa nakausling bato.



Nadala pa sa hospital ang lola ni Vince pero sa ikatlong araw lang ay binawian rin ito ng buhay. Nang mga panahong iyon ay nasa New Zealand na siya. At kaya pala hindi na niya ito ma-kontak ay dahil binenta nito ang cell phone na bigay niya dahil walang wala itong panggastos sa hospital dahil hindi rin tumulong ang mama niya.



"Kung ako lang, ayokong ibenta 'yong phone kasi regalo mo 'yon, eh. Pero wala, eh, kinailangan ni lola para sana sa gamot niya. Pero wala rin naming nangyari," malungkot na saad ni Vince na nakatanaw sa lawa.



"Okay lang, Vince. Makakabili pa naman tayo ng maraming cell phone kung tutuusin. Tama lang 'yong ginawa mo. You're trying to save your lola."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 10, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Favorite Sin [RATED SPG/M2M]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon