My Favorite Sin - 10

32.7K 458 43
                                    

WADE   


Kinabukasan ay bumalik nga ng bahay si Vince and this time ay hindi na niya kasama 'yong kaibigang karay-karay niya kahapon.


Saktong naghahanda kami para sa barbecue party nang dumating siya. Bago pa man ako makalapit sa kanya ay mabilis na nalapitan na siya ni Amos.


"Hi Vince! Glad you're back. Tamang-tama magba-barbecue party kami dahil babalik na kami ng Manila bukas. Halika join ka sa 'min," masayang sabi ni Amos na um-abrisete pa kay Vince.


Nang magtama ang mga mata naming dalawa ay bahagya lang akong ngumiti at tumango sa kanya. At hanggang sa magsimula na kaming mag-ihaw ay hindi ko man lang nagawang lapitan si Vince dahil halos ayaw siyang pakawalan ni Amos.


Hindi rin naman ako makalapit sa kanya dahil panay ang chika sa 'kin ni Charles na kagabi ay nagawa akong solohin. Matapos kasi ang inuman namin kagabi ay nag-decide si Charles na sa kwarto ko matulog habang si Amos at ang kambal ay sa sofa sa sala na nagsihilata.


At siyempre pa, may nangyari sa amin ni Charles kagabi. And he was the one who initiated it. Mag a-alas dos ng madaling-araw na nga yata kami nakatulog.


"Are you sure na ayaw mo pang sumabay sa amin pabalik ng Manila?" narinig kong tanong ni Charles bagamat bahagya lang iyong rumehistro sa utak ko.


"Ha?" mahinang usal ko. Hindi ko masyadong na-grasp ang sinabi niya dahil nasa ibang tao ang utak ko. At ang taong 'yon ay kasalukuyang sinusubuan ni Amos ng barbecue. Mabulunan sana kayong dalawa! inis na sigaw ko sa utak ko.


"Sabi ko, baka kako gusto mong sumabay na lang sa amin pabalik ng Manila? Maluwag naman ang sasakyan," ulit ni Charles sa tanong niya kanina.


"Thanks pero may mga kailangan pa kasi akong ayusin dito. Gusto kasi ni mommy na pagbalik ko ng Manila, maayos na lahat. Dito kasi gagawin reunion namin sa darating na December," paliwanag ko sa kanya.


Kahit papaano ay nawala na tingin ko kanila Vince. At ngayong nakatitig ako kay Charles ay napansin kong ang ganda pala talaga ng mga mata niya.


"Okay," sagot naman ni Charles. "Mamaya, sa kwarto mo ulit ako matutulog ha? Tabi ulit tayo," nakangisi pang dugtong niya.


Ngumisi rin ako sa kanya sabay sagot ng sure.


Nag excuse muna ako saglit kay Charles para pumasok ng bahay. Nakita ko kasing wala nang beer sa table na gamit namin.


Nagkusa na akong kumuha dahil naliligo na sa sapa 'yong magkambal na Elizaldo. Saktong pagbukas ko ng ref nang may marinig akong boses sa likod ko.


"Hi," narinig kong bati ni Vince. Nanigas yata ang likod pagkarinig pa lang sa boses niya. Natigil ang akmang pagkuha ko ng beer at sa halip ay pumihit paharap sa kanya.


"Hello," ganting bati ko sa kanya. "Ba't iniwan mo d'on si Amos?"


My Favorite Sin [RATED SPG/M2M]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon