My Favorite Sin - 09

36.3K 547 49
                                    

VINCE



Nang tumunog ang doorbell ng bahay nina Wade ay sabay pa kaming napatuwid ng upo habang sinusubukan ko namang pabalikin sa normal ang pintig ng puso ko. Kani-kanina lang ay para iyong nakikipaghabulan sa kabayo a sobrang bilis ng pagpintig. I know what just happened a while ago—Wade and I were about to kiss. Kung hindi kaya dumating ang taong ngayo'y walang habas na pumipindot ng doorbell, natuloy kaya ang tagpong iyon? Or would I allow it to happen in the first place?



Straight ako at never pang pumasok sa isip ko na makipaghalikan sa kapwa ko lalaki. Pero bakit pagdating kay Wade, bakit parang okay lang na sumayad ang labi niya sa labi ko? Na para bang normal iyon. Na para bang okay lang na maghalo ang asukal at asin sa tinimplang kape. It is such a weird feeling. At naisip ko, marahil ay curious lang ako.



Nang muling tumunog ang doorbell ay tumayo na si Wade at tinungo ang pinto. Tumayo na rin ako at inayos ang sarili. Nakarinig ako ng masayang tili mula sa labas.



"Friend! Ano na friend?! Tulaley ka na lang diyan?"



Lumingon muna sa 'kin si Wade bago naglakad papunta ng gate para pagbuksan ang mga bagong dating na bisita. At hindi nga nagtagal ay kasamang pumasok ni Wade ang isang matangkad at magandang binabae. Kabuntot naman nila ang tatlong lalaki kung saan magkambal ang dalawa.



"Oh my, may kasama ka palang cute guy dito ha? Kaya naman pala hindi mo sinasagot ang mga text at tawag ko," anang binabae na kung hindi lang dahil sa pilit na boses at paraan ng paglalakad ay maaari nang mapagkamalang totoong babae. Ang ganda ng mukha niya at ang sexy pa.



"Low batt phone ko kaya hindi ako nakasagot sa mga text at tawag mo," sagot naman ni Wade sa kaibigan.



"Hi!" bati ng binabae sa 'kin. "I'm Amos. But you can call me Francine Garcia—Francine for short." Inilahad ni Francine ang isang palad kaya napilitan akong makipag kamay dito. "And these are my friends, Charles Castillo, Rage and Rozen Elizaldo. Kambal sila as you can see," anitong humagikgik pa.



Nang maghiwalay ang mga palad namin ni Francine ay doon ko lang napansin na may hawak palang alak ang tatlong lalaki at mukhang mga nakainom na.



"Hello, bro."



"Nice meeting you, bro!"



"Wazzup?!"



Sabi naman ng mga kasama ni Francine na halatang mga maykaya sa buhay. Hindi pa man inaanyayahan ni Wade na umupo ang mga ito ay nagkanya-kanyang upo na ang mga ito sa sofa. Nakita ko pang hinila ni Charles si Wade at inabot ang hawak na beer dito.

My Favorite Sin [RATED SPG/M2M]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon