Level 10: Nathan vs. Maku

343 10 20
                                    

“Oh Yanskie bat di mapinta yang fez mo? Kagabi lang para kang baliw na tawa ng tawa habang kasama mo si Maku. Ngayon naman…”-Jhoan habang nagtetext.

“Tawa ba ko ng tawa? Di nga? Di ko maalala.”-sakit pa rin ng ulo nya sa sobrang pagkalasing

“Haler?! ­Naghalikan kayo ni Maku. Sobrang sweet nyo nga eh.”

Weh? Di nga? Bat di alam ni Karu yan ah? May halikan palang naganap kagabi?? Tsk.. pano?? Nak ng..

“kame? Ni Maku?? Di nga?? Bat wala akong maalala? Shet.”

“Kasi nga sobrang lasing ka. Binuhat ka pa nga ni Maku papunta sa room mo. Hanep lumelevel up yung manok ko.”-Tina, nakikinig pala sa usapan.

Pero pilit pa ring inaalala ng bida natin ang mga nangyari kagabi..Parang may naaalala nga syang pagbuhat na naganap.. Tawa pa nga sya ng tawa nun habang buhat ni Maku.

Y’s pov—Taena.. Bat ganon? Nag kiss kami ni Maku?? Waaaah!!!! Bat hindi ko maalala.. Naaalala ko lang mukha nya.. malapit.. yung hininga nyang amoy alak.. pero yung kiss… bat parang si Nathan yung nakikita ko?? Waaaaah.. Nathan.. anong nangyari sa kanya, hindi manlang ba nya kami pinigilan ni Maku?? O shet, baka kung anu na isipin nun.. napakarumi pa naman ng utak nun.

Patuloy siya sa pananahimik nung biglang nagsimulang magkwento si Tina.

“At ang kiss nyo, napakalupet..Wild huh.. naku po, ang mga mata ko, dinungisan nyo.. waaaah! Kaya tuloy nag init ulo ni bespren Nathan eh.. “

“Waaaah, anong nangyari kay Nathan?”-Panic na tanong lang.

“Anong kay Nathan? Kay Maku kamo. Gulpi.. tsk tsk”

“Putek..Tina, ano ka ba naman, si Nathan ang mas dehado no. Kahit nauna sya, nakarami naman ng suntok si Maku. Eh nagtuturo kaya yun ng boxing sa gym.”-Jhoan

Naguguluhan na si Yanskie.. Hindi nya alam kung sino paniniwalaan nya.. Si Maku ba talaga o si Nathan ang nagulpi? Tsk tsk.

“Ano ba mga pinagsasasabi nyo jan, para sakin tie ang laban kagabi.. hihi, ang sarap lang talaga maging round girl.. haha”-Joy walang hiya talaga, nag round girl pa eh noh.

“Teka nga…bat hindi ko alam??bat di ko maalala na nagsapakan sila ah? O sige, yung kiss at pagbuhat ni Maku, naaalala ko na ng konti.. pero yung away.. tsk.. bat ganon?”-Yanskie

“Eh kasi nga lasing na lasing kana nun. Kaya binuhat kana ni Maku sa room mo.. Tapos pagbaba nya ng hagdan, bigla nalang syang sinuntok ni Nathan..”-Jhoan

“Tama. Bale si Nathan ang nauna. War freak talaga yun. Sinugod nya si Maku, tumumba si Maku. Pero siyempre, hindi naman nagpatalo , sinapak nya rin si Nathan..duguan nga eh.. kala ko nga tatawag na ko ng ambulansya.”-Tina

“Oo, nagsapakan yung dalawa habang ang mga pesteng boys nakaupo lang. Nanonood. Parang mga tanga talaga yung mga yun..Hinayaan lang nilang magpatayan yung dalawa..”

“Kaya nga.. Hindi ako makapaniwala sa mga yun. Kami pa nga yung gustong umawat, kaso nilayo nila kami.. Gulo kaya dito kagabi. Nabasag pa yung flower vase ko. Mahal pa naman yun..”

“Tae..”- Yanskie, speechless…tae lang talaga nasabi.

“Grabe talaga, wag ka, si Clark kumkanta pa rin nun ah. Walang paki sa kaibigan nila.”

“Eh pano kasi baka sanay na sila..nakakatakot si Nathan kagabi..tsk”

“Waaaah,, bwiset talaga yang Nathan na yan.. Makikita nya..” –Yanskie… Nathan, tanga ka talaga.  Sinasaktan mo sarili mo.. bobo mo namang pumatol kay Maku, eh black belter yun ah, boxing instructor pa.

Level UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon