Level 9: Yanskie meets Sam

341 12 7
                                    

Halos hindi nakatulog si Nathan nung gabing yun.. Patuloy at pabalik balik sa isip nya kung pano sila dalawang beses naghalikan ni Yanskie. Dalawang beses na kahit ilang pilit pa ni Yanskie na walang malisya, sinong maniniwala? ..  Ilang beses din syang napapikit ng mariin habang binabalikan ang mga pangyayaring yun, pati yung naging reaksyon nilang dalawa.. Hindi naman talaga maitatago. Halatang halata niya sa mga kinilos ni Yanskie kanina na gusto rin sya nito.. Hirap lang daw talagang paaminin si Yanksie.. Nageffort na nga syang magsabi na panu kung sila nga.. Pero tong si Yanskie, matigas talaga.. Hindi tuloy nya alam kung panong diskarte ang gagawin nya dito.. Yung tipong seseryosohin nito ang mga sinasabi nya..Lahat kasi parang biro para dito.

Pinikit ulit nya ang mga mata nya, si Yanskie pa rin ang nakikita nya..Mukha ni Yanskie, labi ni Yanskie, mga mata ni Yanskie.. Si Yanskie. Si Yanskie at hindi si Sam..

+++

Y’s pov habang nakahiga. Nakatingin sa kisame, di rin makatulog pareho ni Nathan. – Hay, bat ganito.. Totoo pala yung ganitong feeling.. Kala ko sa libro ko lang to mababasa.. tsk.. hanep pala sa totoong buhay..Nathan, bat parang may kakaiba? Naaadik na ata ako sa kiss mo.. tsk.. Hanggang ngayon parang nangangatog parin mga tuhod ko.. Eh kaya naman ako nawalan ng balance kanina, kasi di na ko na kinaya yung mga nangyayari.. bibiruin lang naman dapat kita kanina eh.. wala naman talaga kong balak halikan ka. Ewan ko ba parang may magnet na humila sakin sayo.. tsk.. Badtrip, nakakahiya.. baka isipin mo pang nasarapan ako.. waaaaah,  sa bagay..

++++

“Happy bday Yanskie!!”-Bati ng mag asawang Anghel at Zarren. Blooming ang bida natin.. tsk.. natural, anu pang aasahan natin eh diba nga sobrang saya nya kahapon..

Yun.Sunod sunod na dumating ang tropa nya.. Syempre dumating din ang mga tropa ni Nathan. Batian portion nanaman sila..

“Oh, Asan na si bespren? Wala pa?” –JP nang aasar nanaman.. Birthday na birthday ni Yanskie, nakuha talagang mang asar eh noh.

“Wala pa. Pero dadating yun. Yun pa.tsk. Oh asan na girlfriend mo JP?”-sabay tingin lang kay Tina, na hindi maitago ang mga ngiti.. eh pano walang kasamang girlfriend si JP eh..tsk

“Ahh, nasa kanila.”

“Hmmmm, break na kayo?”-Fate, matapang lang magtanong kasi anjan ang asawa nyang si James.

Di sumagot si JP.  Ngumiti lang..Pashowbiz pa..tsk.

Tinginan kay Tina.. Hmmm, si Tina naman iwas tingin..Patay malisya lang.. Sabay nguso sa pinto nung biglang  dumating si Maku.. Sabay lapit lang kay Yanskie, at halik sa cheek. “Happy birthday Yanyan.”

Waaaah…

Tuksuhan. “Hala, Yanskie alam ba ni utol yan? May pabulaklak pang nalalaman ah.. tsk tsk..Yari na.”-Anghel iiling iling pa talaga.

“Oo nga parang may pagtataksil na nagaganap ah.tsh. May paghalik pa sa pisngi..”-Clark

Level UpNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ