Chapter 17: I Run to You

3.2K 53 10
                                        

Bongang bonggang Author's Note:

-Hello! Isang super late UD again. Hahaha! Nga pala, maraming maraming salamat po sa mga nagbabasa nito, kahit sa tingin ko kalokohan lang tong pinagsususulat ko. Hahaha! I lab yuu all! :*

=============================================================

Kath's POV:

*SCCREEEEEEEEEEECCCCCCHHHH!!!!*

Nang marinig ko yun, isa lang ang agad na pumasok sa isip ko. Bigla akong kinabahan, bigla akong kinutuban.

Si Daniel.

"DJ!!!" sigaw ko habang tumatakbo palabas ng gate. Sinundan naman ako ni James.

Paglabas ko ng gate, agad kong nakita ang mga taong nagkukumpulan na para bang may tinitingnan na di kanais nais sa daan. Agad akong sumuksik para makapunta sa gitna, nang narinig ko ang pinaguusapan nila

"Ay! Kawawa naman oh." Ale 1

"Oo nga! Sayang, ang cute pa naman." Babae 2

"Kaya nga! Haaayy!" Babae 3

Lalo akong kinabahan sa sinabi nila.

"Excuse me po! Makikiraan!" sigaw ni James habang nakikisiksik kami.

Nang makarating kami sa gitna, nagulat ako sa nakita ko.

Nakita ko si Daniel.

...habang nakatingin sa pusa na nasagasaan.

What. The. F***.

Daniel's POV

Nagpaalam na ako na mauna nalang sa kotse, magbabanyo daw muna si Kath eh. Ayoko naman na sumama dun no, baka akalain nya ang possessive ko masyado =.=

Paglabas ko ng gate, agad akong tumawid ng kalsada. Papasok na sana ako ng kotse nang bigla akong nakarinig ng sasakyan na para bang pilit na pumipreno

*SCREEEEEEEEECCCHHH*

"Ayyy!" sigaw nung ale. Agad akong napaingin sa kalsada at nakita ko ang kawawang pusa na nasagasaan. Nakita kong nagalit ang driver at agad na nagdrive papalayo.

Kawawa naman ung pusa. Duguan. Favorite pet ko pa naman ang pusa. Sayang at hindi ako pwedeng mag-alaga ng paniki sa bahay =.=

"Ay! Kawawa naman oh." Ale 1

"Oo nga! Sayang, ang cute pa naman." Babae 2

"Kaya nga! Haaayy!" Babae 3. Narinig kong bulung-bulungan ng mga tao. Akala talaga nila may nasagasaan, mga usisero talaga ang mga pinoy (-.-)

Nilapitan ko ung pusa. Sayang talaga. Nagulat ako ng bigla kong nakita si Kath na nasa harapan ko na pala, gulat na gulat. Si James naman ay takang taka. Ano nangyari sa mga to?

Tumayo ako at sainabing, "Kath, what's wrong--" pero bago pa ako matapos magsalita, nagulat ako sa ginawa niya.

Niyakap niya ako.

"K-Kath." sabi ko nang nauutal. T@ng ina! Niyakap ako ni Kath!!!

"Dj...wag mo na nga ulit akong pakabahin!" sagot ni Kath at bigla akong hinampas ng shoulder bag.

"Aray! Anong kaba ang sinasabi mo?"

"Daniel...k-kasi...akala ko...ugggghhh!!!" Kath

"Akala mo what?"

"Akala niya kasi ikaw ung nasagasaan." sabi ni James

"Kath naman! Eto ako oh! buhay na buhay!" biro ko with matching sayaw sayaw pa

The Runaway Bride Meets the Arrogant Guy (KathNiel)Where stories live. Discover now