Chapter 13: Nasaan Ka Chandria?

3.5K 67 23
                                    

 Author's Note:

Dedicated sa kanya. Sobrang natuwa ako sa mga comments mo ate. Super! Thank you very much!

=====================================================

Kath's POV

"Saan mo ba talaga ako dadalhin, ha?" tanong ko kay William habang nagmamaneho. Kanina kasi, pumunta kami sa ice cream parlor. Tapos umalis din agad. Tapos sa star city. Tapos nakakadalawang rides palang kami, niyaya niya agad akong umalis.

"Di ko rin nga alam." sagot niya sakin.

"Eh kung ibalik mo na kaya ako dun sa mansion sa gubat?"

"Ayoko nga! Di pa nga natatapos ang araw eh. Sususlitin ko muna."

"Sa paanong paraan? Sa pamamagitan ng pagdadrive? Ang saya naman nun, Yam."

"Wag ka nga magulo. Baka di na kita ibalik dun sige ka." 

Edi tumahimik! Nakuuu...di ko rin matawagan si Daniel dahil ayaw magpahiram ni William ng phone. Saglit lang naman eeeeeehhh.

"Saan mo ba gustong pumunta?" William

"Sasabihin ko, basta pahiramin mo muna ako ng phone." Ako

"PSh. Ang kulit mo." sabay abot sakin ng iphone niya "Ayan. Tawagan mo na ung Dj mo." 

Tatawagan ko na sana nang biglang...

"Whaaaaaaaaatttt!!!" sigaw ko

"Oh?! Bakit Kath?"

"William naman eh! Magpapahiram ka ng phone lowbat pa!"

"Psh. Sorry naman! Eh nagmamadali ako kanina eh. San mo ba gustong pumunta?"

Saan nga ba? Eh kung sabihin ko kaya dito na gusto ko na umuwi? Baka nag-aalala na si Daniel eh =.= pero pag nagyaya naman akong umuwi, kawawa naman tong si William. Hmm.,.

Sasamahan ko nalang muna tong si William. Minsan ko lang makasama to eh.

"Gusto ko kumain Yam." sabi ko sa kanya

"Saan? Sbarro?"

"Kung saan ka nagconfess sakin few years ago? Sige kain tayo dun, para bumalik lahat ng alaala!" i said with sarcasm 

"Psh. Edi wag." sagot ni William

"Yam, itabi mo ang sasakyan."

"What?!"

"Itabi mo muna."

"Bakit? Look, kung may nasabi man akong masama, I'm sorry. Please, wag ka munang umalis. Gusto lang naman kitang makasama eh. Namimiss---"

"Pwede ba, William! Naiihi na ako! OA neto!" sigaw ko na kanya. Agad naman siyang nagpoker face    at itinabi ang sasakyan.

"Sorry naman! Dapat kasi sinabi mo agad."

"May pamiss miss ka pang nalalaman. Hahaha!" sabi ko na agad niya namang ikinapula. Bumaba ako ng sasakayan pero imbes na sa restroom ako dumiretso, pumunta ako sa pinakamalapit na phone booth.

Agad kong tinawagan ang number ni Julia.

(Hello?)

"Bes!"

(Kath?! Kath ikaw ba yan?!)

"Oo ko to bes!"

(Kath! Miss ka kita! San ka ba nagsususuot ha?! Alam mo bang pinuntahan ako dito ng mga tauhan ng daddy ni Albie! Akala nila nandito ka!)

"Ha?! Yung hukluban na yun talaga! Kailan ba ako titigilan nun?!"

(Ewan bes! Kelan ka ba uuwi ha?!)

The Runaway Bride Meets the Arrogant Guy (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon