Chapter 2: Him

4.2K 77 15
                                    

"Sa tingin mo, san mas maganda? Eto or ito?" sabi niya, habang pinapakita sakin ang dalawang dress sa harap niya

"Kahit san diyan Zharm, maganda ka parin naman." sagot ko sa kanya

"Tse. Bola mo Daniel."

"Bakit, totoo naman eh?"

"Ewan ko sayo!" sabi ni Zharm, at tinapon niya sakin ung hanger.

Ang kulit niya, no? Siya si Zharm. sobrang ganda ng babaeng to. Kaya mahal na mahal ko to eh.

High school palang magkakilala na kami. At high school palang, patay na patay na ko sa kanya. May isang problema nga lang.

Ako, hindi niya mahal.

One sided love nga siguro tong matatawag. Actually, nanliligaw na ako sa kanya since nagsimula nung nagsimula kami magkolehiyo. Ang that was 2 years ago =.= grabe magpahirap tong babaeng  to. Di ko nga alam kung sasagutin pa ako nito eh. Pero okay lang, handa akong maghintay. Kahit ten years pa yan.

"Oh Zharm, san mo gusto kumain?" tanong ko sa kanya

"Sa Sbarro nalang Dj! Im craving for pizza and pasta eh." sagot niya

At ayun nga, bumiyahe na kami papunta sa sbarro. Di ko kasi talaga kayang hindian tong taong to eh. Kahit na gusto ko sa McDo =.=

Ah, oo nga pala! Nakalimutan ko. Ako nga pala si Daniel John Padilla. 18. Nagaaral sa isang kilalang unibersidad diyan sa may diliman. Ano? Buti nahulaan mo! Oo, sabi nga nila, gwapo daw ako. Well, di ko naman maipagkakaila yun. Haha.

Pagdating namin sa Sbarro, order agad tong kasama ko =.= takaw talaga!

"Oy, hinay hinay ha, baka mabankrupt ako niyan." biro ko sa kanya

"Loko! Isang Dj Padilla, mababankrupt? Never!" sagot niya, then smiled. I love that smile.

Tahimik lang kami habang kumakain. Ewan. Parang may dinadalang problema tong si Zharm eh.

"Zha...may problema ba?"

"Dj...you need to know something." sabi niya. Pagkasabi niya nun, bigla nalang akong kinabahan. I dont know why?

"What? Natatae ka na?"

"I'm serious Dj."

"Okay. Shoot."

*sigh* "Dj...I'm getting married."

A-ano daw? P-parang nabingi ata ako bigla, ah?

"A-ano yun, Zharm? Parang di ko ata narinig."

"I'm sorry, Dj. Pero ikakasal na ako."

Parang bigla akong binuhusan ng malamig na malamig na tubig nung sinabi niya sakin yun. 

"A-ano? What is this, Zharm...joke ba to? Di na to nakakatawa ah."

"Daniel, I love Ivan. Sorry kung di ko sinabi sayo to. Ayoko lang na masaktan ka, Dj. I'm sorry."

"WHY ARE YOU DOING THIS TO ME, ZHARM?! PINAGMUKHA MO AKONG TANGA!"

"D-Dj calm down! Maraming taong nakatingin."

"WALA AKONG PAKIALAM, ZHARM! KAYO NA PALA NI IVAN DI MO MANLANG PINAALAM SAKIN?! PINALIGAW MO PA AKO SAYO! WHAT THE F*CK, ZHARM. WHAT THE F*CK!"

"DANIEL, ILANG BESES NA KITA NIREJECT PERO NANDYAN KA PARIN! HINDI KO GUSTONG MANLIGAW KA, DJ. NEVER KONG GINUSTO YON!"

Natahimik ako sa sinabi ni Zharm. Tama siya. Ilang beses na niya akong pinagtabuyan pero ako tong mapilit. Ang tanga mo, Dj. Ang tanga mo.

"Ang...ang sakit pala, Zharm."

The Runaway Bride Meets the Arrogant Guy (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon