-----

Storm's POV

Hindi ko napansin na sa sobrang kakatawa ko ay iniwan na ako ni Valdemor. Aba! Loko talaga ang isang 'yon! Agad ko naman siyang hinanap at nakita ko na lang siya na bitbit ng mga lalaking nakaitim. Hindi ko alam pero malakas ang pakiramdam ko na nasa panganib ito. Nang mapansin nila ang presensiya ko ay agad nila akong pinaputukan ng baril. Habang hinahabol ay nagpaputok rin ako sa mga kalaban at pilit silang hinabol hanggang sa makarating sa parking lot. Naisakay na nila si Alexis ng walang hirap at wala na akong nagawa para habulin pa sila.

Agad akong tumawag kay Aliah at Awa kailangan ko ng tulong nila.

“Hello, Agent white ”

“Bakit Storm?”

“I need your help, may dumukot kay Alexis.”

“Stop joking,it's not funny ha ha ha”

“I'm not joking! What the hell, Aliah! Totoo ang sinasabi ko!”hindi ko na napigilang hindi sumigaw. Sobrang naiinis ako sa sarili ko, napakapabaya ko!

Hindi ako nagdududa sa galing ni Inspector Valdemor pero base sa kalagayan niya kanina ay hindi siya nakalaban sa mga taong kumuha sa kanya. Hindi ko alam kung sino ang may intensyon na magpadukot kay Alexis.

“What the! Sige papunta na ako.”

Ibinaba na nito ang tawag at napaupo na lang ako sa isang tabi. Nakakainis na wala man lang akong nagawa. Walang silbi ang mga trainings ko at hindi ko man lang naipagtanggol ang isa sa mga malalapit na kaibigan ko. Hindi ko man ipinapakita pero kaibigan na ang turing ko kay Alexis.

Ilang minuto lang ay dumating na sila Awa at Aliah. Halata rin sa mga mukha nilang ang pag-aalala. Isinalaysay ko sakanila ang mga pangyayari aking nasaksihan. Napaupo na lang rin si Aliah sa tabi ko at napaiyak. Hindi ko na rin napigilan ang pagluha.

“Huwag nga kayong umiyak! Anong magagawa ng iyak niyo? Mahahanap ba niyan si Inspector?” napaangat naman kami ng tingin sa kanya at pinigilan ang pagluha.

“Woahhh! Oo nga naman walang maitutulong ang pag-iyak natin.” tumayo ako at kinasa ang baril ko.

“Handa akong sumabak sa laban”pinatunog pa ni Awa ang kaniyang mga daliri at kunwari'y sumuntok- suntok sa ere.

“Kailangan itong malaman ni Tita,”

Napalingon kami kay Aliah. Tama nga siya na dapat itong malaman ng mga magulang ni Inspector dahil maaari silang makatulong.

Nasa tapat kami ng mansyon ng mga Valdemor. Wala sa aming tatlo Na naglakas ng loob na magdoorbell,hindi kasi namin alam ang sasabihin.

“Gusto niyong ako na ang magdoorbell?” tanong sa amin ni Awa at napatango na lang kami.

Ilang beses niya lang pinindot ang doorbell at sinalubong kami ng isang kasambahay. Nakilala naman agad si Aliah at pinapasok na agad kami at kinabahan ako sa magiging reaction ng magulang ni Inspector.

“Maupo muna ho kayo dito, tatawagin ko lang ho si Madame at magpapahanda na rin ako ng miryenda .”

Hindi ko pa nameet ng personal ang isang Constancia Valdemor pero ayon sa mga balita ay istrikto raw ito.

Ilang sandali lang ay may magandang babaeng ang bumaba sa hagdan. Hindi mahahalata sa kanya na may edad na ito. Halos hindi nagkakalayo ang kanilang ganda.

Lumapit agad ito kay Aliah at bumeso, bumaling din ito sa akin at nakipag beso. Nagbow naman si Awa sa kaharap.

“Who are you ,young lady?”nakangiti niyang saad.

“I'm Chescka Storm po, Nice to meet you po”

“Nice to meet you too. Maupo kayo,”iginaya niya kami sa sala.

Nagtinginan kaming tatlo,tinitimbang kung sino ang may lakas ng loob na magsalita. Napabuntong hininga na lang ako at ako na ang nagsalita.

“Anong kailangan niyo ?”

“Ano po kasi,” kinakabahan ako habang nakatingin sa akin ang ginang. Nilakasan ko na ang loob ko at nagsalita “May dumukot po sa anak niyo.”

Hindi ko alam kung ano ba ang naging reaction ng mama ni Inspector. Napapikit na lang kasi ako sa sobrang kaba.

Nang idilat ko ang mata ko nakita kong nakatitig siya sa akin at hindi pa rin nagrereact.

“WHAT?”bigla na lang itong nawalan ng malay kaya nataranta kami at pinaypayan siya.

“Nanay Cora, pakitawagan po si Tito nahimatay po kasi si tita.”saad ni Aliah at patuloy na pinaypayan ang ginang.

Nagpalakad-lakad na lang ako habang kinukutkot ang aking kuko. Hindi ko alam ang gagawin sa mga ganitong sitwasyon.

Agad naman nagdial ang kasambahay sa telepono at natatarantang kinausap ang tao sa kabilang linya.
















Itutuloy...

Don't forget to vote and comment.

Hoyhoyhoyyyy! Basahin niyo yung isa ko pang story na DREAMS.

Ms. Officer on DutyWhere stories live. Discover now