Ika-Apat na Kabanata

Start from the beginning
                                    

Bumaba na ito at binuksan na ang pinto ng karawahe dahilan para magising ang dalawa ko pang kasamang binibining himbing na himbing sa pagkakaidlip. "Mga Binibini, Nais kong ipabatid na tayo'y nasa bayan na ng Bulacan" sambit ng kutsero.

"Salamat Mang Domeng" sambit ni Madam Dolores ng siya'y nakalabas na ng karawahe.. Sumunod narin kaming bumaba nila Rosario at Crisanta.

Pagkababa ko ng karawahe ay agad akong namangha sa paligid. Makulay ang tanawin dahil sa mga banderitas na nakasabit. Maingay ang tinig ng mga bandang tumutugtog, meron din sumasayaw ng traditional dance at may tulaan din. Masaya ang aura ng kapaligiran.. Ganito pala mag diwang ng pista noong unang panahon .. Hindi tulad sa panahon ngayon, parang normal na araw ng pista..

*********

"Gracias por invitarnos a tu lugar de fiesta Padre Rodrigo (Salamat po sa pag anyaya samin sa pista ng iyong lugar Padre Rodrigo)" sambit ni Madre Dolores, Nandito kami ngaun sa simbahan kung saan kura paroko ang paring si Padre Rodrigo.


"Aprecio tu respuesta de la invitación, también estoy feliz y estás a salvo aquí (Ikinalulugod ko ang inyong pag tugon saking pa anyaya, Natutuwa din ako at ligtas kayong naparito)" maganang sagot ni Padre Rodrigo.

"Eso es todo ... Quiero presentarte a mis alumnos. Aquí están Kristina, Rosario y Crisanta ... (Sya nga pala.. Nais kong ipakilala sayo ang aking mga estudyante. Ito nga pala si Kristina, Rosario, at Crisanta)" Tugon ni Madre Dolores habang isa isa kaming pinapakilala ..

Bigla naman akong nakaramdam ng tawag ng kalikasan.. Naparami kasi ang inom ko ng tubig bago pa man umalis kaya ito, halos di ko na matiis ang aking pag ihi..

Gosh, naiihi na talaga ko. Nagpaalam ako saglit kay Madre Dolores at tuluyang lumabas ng silid kung nasan kami.. Hindi ko naman malaman kung saan ako tutungo dahim hindi ko kabisado ang lugar na ko.. "Shocks!! saan ba ang C.R. dito? Ihing ihi na talaga koooo.." sambit ko sa sarili habang pigil na pigil sa ihi ko, at kulang nalamang ay hawakan ko na ang aking salawal upang ito'y mapigil..

Naglakad muli ako, umaasang matutunton ko na sana kung saan ang palikuran ng d sinasadyang mabangga lalaki sa harap ko ..

"Aray" sambit ko. May kalakasan ang pagkakabangga namin kaya't halos mapaupo ako sa pagka tumba ng mabangga ko ang lalaking nasa harapan ko.. Unti unti siyang humarap at laking gulat ko na ang heneral mula sa Intramuros nanaman iyon..

"I-ikaw? Ikaw yung lalaking nakapang heneral sa Intramuros dba ?" Tanong ko sa lalaking nakaputing kasuotan na pang heneral.. Inilahad nia ang kanyang kamay para itayo ako. Hindi ko naman napigilang mapatitig sa kanyang mukha dahil sa kagalang galang na itsura nito.

Kung ihahambing, mas gwapo siya ngaun kesa nung una ko syang nakita sa intramuros.. Ang linis nyang tignan sa puting uniporme.. Grabe, nakakainlove naman tong lalaking to pero hindi--- kailangan ko pigilan ang sarili ko.. nasa panahon ako ng dalagang pilipina.. hindi ko dapat ipahalata na nahuhumaling ako sakanya..

Nang maitayo niya ko,ngumiti muli ito na halos ikatunaw ko. ----- Jusko Lord ang laki namang tukso neto.. "Tila pinag lalapit yata tayo ng tadhana, Binibini. Nakakatuwang sa pangalawang pagkakataon ay nabangga mo nanaman ako. Malapit ko nang isipin na ito'y sinasadya mo" tugon niya..

"Ah-- eh-- pasensya na ho Señor, hindi ko po sinasadyang mabangga nanaman kayo, naghahanap lang po sana ko ng silid palikuran. Kailangan ko na mag madali kasi baka dito na ko maihi." paliwanag ko pa.

Natawa siya sa sinabi ko habang ako naman ay aalis ng bigla syang nagsalita muli. "Kristina... Kristina ang pangalan mo hindi ba?" Sambit niya.. Please heneral paalisin mo na ko, baka sa harap mo pa ko maihi mas lalong nakakahiya.. naman eh..

Ang Bayani ng Tirad Pass (On-Going)Where stories live. Discover now