Chapter 8

220 6 0
                                    


~Author's POV~


Election of class Officers...


Nag-decide na magpa-election ni Mr. Soon sa kanyang klase para sa magiging class officers ng Block C Section. Apat na posisyon lang ang pagbobotohan which is Class Representative/President, Vice-President, Secretary, and Treasurer.

Nang i-open na ang nomination para sa Class Representative ay agad na nagtaas ng kamay si Jackie at ninominate niya si Loraine. Nagulat si Loraine pero wala na rin siyang nagawa nang mailista na ang pangalan niya. Sunod kay Loraine ay may dalawa pang nanominate.

After ma-close ng first nomination...

"Who's in favor of Ms. Bae Juhyeon?" tanong ni Mr. Soon.

May ilang estudyante ang nagtaas.

"Okay. Next. Who's in favor of Ms. Kim Hyeri?" tanong ulit ni Mr. Soon.

Masmarami ang nagtaas ng kamay kumpara dun sa naunang nominee. Magtataas din sana ng kamay sina Chan, Deekey, at Hans nang senyasan sila ni Uno na si Loraine ang iboto nila kaya agad din nilang ibinaba ang mga kamay nila.

"Okay. And lastly, who's in favor for Ms. Loraine Joo?"

Nakangiting nagtaasan ng kamay sina Sandy at Jackie, at sabay-sabay ding nagtaasan ng mga kamay nila ang buong grupo ng SVT, especially Uno na dalwang kamay pa ang itinaas niya. As the result of the votes ay obvious na nanalo si Loraine bilang Class representative.

Sinunod agad na inopen ang nomination for Vice Pres. Nagtaas ng kamay si Bobby at ninominate niya si Cholo. Dalwa silang pinagbotohan para sa posisyon, at halos dikit lang din ang naging boto ng buong klase, pero si Cholo ang nanalo bilang VP.

Next is for the position of Secretary. Tatlo ang nanominate sa klase and at the end of the votation ay si Kim Hyeri ang nanalo.

Ang huling botohan ay para sa Treasurer. Nagtaas ng kamay si Gio at ninominate niya si Jackie. Sinamaan ng tingin ni Jackie si Gio pero nginisian lang naman siya nito. Dalwa lang din silang pinagbotohan at ang nanalo ay si Jackie.

After ng naging botohan ay nagkaron lang ng short introduction and speech yung mga nanalo at na-appoint na officers, then after ay sunod na din silang nagpatuloy sa discussion nila.

Pagkatapos ng klase ay kanya-kanya na ng labasan ang mga estudyante sa room para mag-break.

Palabas na sana sina Sandy at Jackie i-approach ni Jackie si Loraine.

"Ms. President. Sabay ka na sa 'min?" nakangiting pag-aya ni Jackie.

Pinaglipat-lipat ni Loraine ang tingin niya dun sa dalwa. "Uhm.. Sure kayo?" medyo nahihiya pa niyang tanong.

"Oo naman!" sagot ni Sandy. "Dalwa lang kasi kami ni Jackie eh. Kung sasama ka sa 'min, edi masaya, diba?" binalingan ni Sandy si Jackie para sa pag-sang-ayon nito. At nang tumango si Jackie ay muli na siyang bumaling ulit kay Loraine. "Tsaka gusto din talaga naming makipagkaibigan sayo. Kung okay lang sayo?" dagdag pa niya.

Agad nakaramdam ng saya si Loraine sa sinabi ni Sandy kaya hindi na siya nagdalwang-isip na pumayag sa gusto nila. "Uhm.. Sige. Sure! Okay na okay sa 'kin yun! Wala pa rin naman kasi akong ka-close dito sa room eh." nakangiting sagot ni Loraine.

"Kung ganun. Edi ayos! Friends na tayo ah!" may galak din namang sabi ni Jackie.

Na-interrupt lang ang pag-uusap nilang tatlo nang bigla silang lapitan ng elected class secretary nila. Tila malamig ang ekspresyon nito na nakatingin sa kanila, especially kay Loraine.

Diamond University: "School of Music" [Seventeen FF On-going]Where stories live. Discover now