Chapter 2

591 17 0
                                    

~Jackie Hwang's POV~


First day of school...


Male-late na ko kaya paspasan na ang kilos ko. After kong makapag-ayos ng sarili ay sumaglit lang ako sa dining. Binati ko ang parents ko pati kapatid ko, then kumuha lang ako ng isang pirasong tinapay at dumeretso na ko sa pintuan. Kahit ang pagsusuot ko ng sapatos ay bilisan na din.

"Jackie, bakit hindi ka muna mag-breakfast? Baka magutom ka sa school!" sigaw ng mama ko mula sa dining.

"Hindi na po ma! Sa school nalang po ako kakain! Late na ko eh!" sigaw ko pabalik. Matapos kong magsapatos ay nagpaalam na ako sa kanila. "Alis na po ako!"

"Geh, ingat ha!" sagot ni mama.

Pumunta lang ako sa garahe para kunin yung bike ko. Nagbabike lang ako papasok sa school. Highschool palang ako ay ganito na ang way of transportation ko, kaya sanay na ko. Ayoko din kasing mahagaran sa pamasahe. Atsaka exercise ko na din 'to sa umaga tutal madalang naman akong makapagjogging kasi halos palaging late na din akong nagigising.

Para sa 'kin ay masmasarap pa talaga ang mag-bike kesa ang mag-commute, kasi masnapapagmasdan ko ng mabuti ang kapaligiran at naeenjoy ko rin yung preskong hangin.

Nang makarating na ko sa school ay pinark ko lang yung bike ko at nilagyan ko ng lock. Mahirap na, kasi kahit naman private school ang D.U., at mahigpit ang security nila ay hindi pa rin imposible na magkaron ng nakawan.

Madali lang kayang tangayin yung bike ko! Kaya masmabuti na yung sigurado!

Sa paglalakad ko papasok ng campus ay may nakita akong babae na nauunang naglalakad sa 'kin. Nagandahan ako sa buhok niya kasi halata mong natural ang pagka-straight nito at ang ganda din ng kulay. Sa tingin ko nga ay para siyang foreigner. Nang lumiko ang babae sa CR ay naisip ko na ding mag CR muna kaya sumunod ako sa kanya.

Pero bigla akong napatigil nang ma-realize kong parang mali ang napasukan ko. Sunod kong nakita yung babae na umihi ng nakatayo. Tila nanigas ako sa kinatatayuan ko dahil hindi agad ma-process ng utak ko yung nakikita ko. Nang tila mapansin ng babae ang presensya ko at mapatingin siya sa gawi ko... agad nanlaki ang mata ko nang makita ko ang mukha ng baba— Lalake!... Lalake pala siya!—At kahit siya ay nagulat din pagkakita sa 'kin, kaya naman...

"AAAAAAAAHHHHHHHH!!!!!!!!!" sabay naming sigaw.

Bilisang nag-zipper ng pants niya yung lalaki—na mukhang babae— tsaka niya ko gulat na dinuro.

"Sino ka!? A-anong gi-ginagawa mo dito sa boy's CR!? Namboboso ka noh!?" bintang niya sa 'kin.

"Hoy! Ang kapal ng mukha mo ah! Hindi ako namboboso noh! Nagkamali lang ako ng CR na napasukan!" depensa ko naman sa kanya.

Ramdam ko ang pag-init ng mukha ko dahil sa kahihiyan kaya agad akong umalis.


Ang shunga mo naman kasi Jackie eh!


Mapanlinlang na nilalang!


LESSON LEARNED: Hindi lahat ng long hair ay babae! Tandaan mo yan!


Shocks! Nakakahiya talaga yun!


~Author's POV~


"Aaaaahhhh!"

"Yes malapit na! Konti nalang!"

Diamond University: "School of Music" [Seventeen FF On-going]Where stories live. Discover now