"Bat andito kayo?" tumingin muna ako kay Rj at sa mga kasama nyang sina Carl,Austin at Alfred na naka sandal sa kotseng dala nila

"Nakalimutan mo digay may laban tayo ngayon di mo ga na receive text ni Alfred?" tiningnan ko naman ang cellphone ko.

"Wala naman e" tumingin ako kay Alfred at napakamot lang sya ng ulo

"Di pala nasend wala pala akong load hehe" ambobo talaga.

Binatukan naman nilang tatlo si Alfred at tumawa lang sya.

"Intayin nyo ko" at pumasok na uli sa bahay para makapag palit ng damit

Syempre dahan dahan parin para walang ingay. Nang makarating ako sa kwarto ko ay naligo nalang ako ng mabilis at nag suot lang ng black na longsleeve at nag short nalang ako ng kulay itim

Nag pabango muna ako bago lumabas at nag suot ng itim na cap

"Arat na" sumakay ako kay Carl na sasakyan habang yung tatlo naman ay nasa sasakyan ni Austin

"San daw yung tagpuan?" tanong ko sa kanya habang nag mamaneho sya

"Ewan ko kay Rj sundan nalang naten"

Tumigil ang sasakyan ni Rj sa lumang  warehouse at lumabas na sila ng sasakyan kaya lumabas narin kami

Nang nakapasok na kami ay sumalubong samin ang mahigit na benteng tao at halatang iniintay kami

Sinuot ko muna ang cap ko at ang mask na dala ko. Ganto lagi kami pag nalaban ako lang yung naka mask tapos sila wala. Syempre protekyon ko narin yun para hindi ako makilala pero ito namang sina Rj kaya okey lang sa kanila na mamukaan sila dahil ang mga ama nila ay kasali sa pinakamalakas na gang dito sa mundo kaya may pang resbak agad sila kung sakaling may nag tangka sa buhay nila

Di ko pala nasasabi sa inyo na kasali rin ako sa gang na kung saan kasali sina Rj at yung iba pang mga namumuno sa UnderWorld

Sumali ako sa kanila nung matapos mamatay ang papa ko. Upang hanapin ang mga taong pumatay sa kanya. Pumayag naman sila at dahil dun ako ang ginawa nilang lider dahil nag iisa lang akong babae

Back to reality na tayo,

"Long time no see buhay ka papala" bungad sakin ni Stephen kasama ang mga miyembro ng gang nila. Nasa unahab naman ako habang nasa likod ko yung apat

Hindi talaga nadadala ang isang to abat nag tawag pa talaga ng kakampi kala mo naman talaga may arit.

"Hindi patay na ko kita mo namang buhay pa ko napaka bobo mo talaga" pilosopo kong sagot sa kanya

Masama nya lang akong tiningnan at wala ng patumpik tupik pang sinugod namin sila kahit lilima lang kami

Sumugod din naman sila at yung iba pa ay may hawak na baseball bat sa kanilang mga kamay

Tangina di ako updated na pwede palang mag dala ng ganun sayang edi dapat matatapos na agad to

Sinapak ko sa panga yung lalaking sumugod saken at pinalo naman nya ko gamit ang baseball bat na hawak niya buti nalang naka ilag ako kaya di ako natamaan sinapak ko naman sya ng malakas sa muka at tinadyakan ang tiyan nya kaya napahiga siya kinuwa ko naman ang baseball bat na hawak nya at hinampas sa ulo nya

Ginamit ko naman yung baseball bat kay mabilis kong napapatumba lahat ng sumusugod saken

May humampas naman ng kahoy sa likod kaya hindi agad ako nakailag at napahiga ako

Kinuwa ko yung upuan malapit sakin at hinampas sa ulo nya. Sinunod ko naman si Stephen na nakikipag laban kay Austin at sinenyasan ko syang ako nalang kay Stephen kaya umalis na rin sya at kinalaban yung iba

Hindi ko na inintay na lumingon saken si Stephen pinalo ko na agad sya sa ulo kaya napahiga sya at timulo ang dugo sa kanyang ulo dahil sa pagkahampas ko sa kanya

Hindi pa ko nakuntento kinuwa ko yung hollow block at pinaghahampas sa muka nya hanggang sa nawalan na sya ng malay

Titingin na sana ako sa likod ko ng may tumama sa ulo ko na bala ng baril kaya napa hinto ako sa pakikipag laban at naramdaman ang pag agos ng pulang likido sa muka ko

Bumagsak ako sa sahig at nakita ko pang tumatakbo si Carl papunta sa direksyon ko bago nawalan ako ng malay.

______________

FACEBOOK: Jaille Gomez II
INSTAGRAM: @itsprivate35
TWITTER: @Dmnjll
WATTPAD: @itsprivate35

Mahal kita kahit Gangster ka (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon