"Saan?" tanong ko naman sa kanya at dumiretsyo na papunta sa sasakyan

"Kahit dun lang sa ma-"

"Darating." humagalpak naman ako ng tawa dahil na uto ko sya

Napakamot lang sya sa kanyang batok at masama akong tiningnan kaya tumawa nanaman ako dahil ang kyut nyang tingnan pag nagagalit sya

"Mang Junny sasabay daw sya" tinuro ko naman si Jacob na nakatingin parin saken

"Magandang hapon po" bati nya kay Mang Junny

Aba feeling close talaga tong si tukmol. Binati rin naman sya ni Mang Junny at sumakay na kami sa sasakyan kasama si jacob na sasabay daw

"Asan na yung sasakyan mo?" Tiningnan naman nya ko at nag isip muna sya ng isasagot nya bago sya sumagot. Weird.

"A-ah ano ka-kase na flatan kanina oo tama nga na flatan kanina nung papunta nako sa school" tumango nalamang ako at nag cellphone nalang

"Utoy san kanamin ibababa?" tanong ni Mang Junny kay Jacob di ko na sila pinansin at nag cellphone nalang uli

"Kahit dyan nalang po sa labas ng village nyo mag tataxi nalang po ako" ah sa labas. Pero teka pano nya nalaman na nakatira kami sa subdivision tumingin naman ako sa kanya at nag tanong

"Hoy pano mo nalaman bahay namin?" sasagot na sana sya ng makarating na kami sa guard house kaya bumaba narin si jacob

Napakinig ko pa syang ng "yes" bago nag paalam samin. Anong yes dun? Napaka weird na tao

Pagkarating ko samin ay nagbihis lang ako at tumulog lang dahil sa sobrang pagod

Nagising naman ako ng madaling araw dahil sa alarm ng cellphone ko na nasa gilid ko

Papatayin ko na sana ito ng may tumawag at nag ring ang cellphone ko. Nakapikit parin ako habang kinukuwa ang cellphone ko at sinagot kung sino man ang lintek na tumatawag ng gantong oras

"Hello tanginamo" bungad ko sa kanya

"Hoy andito na kami sa labas ng bahay nyo iintayin ka namin bye" pinatay na nya agad ito at tiningnan kung sinong tumawag

Si Rj pala. Lintres talaga yun nawala tuloy ang antok ko

Bumangon na ako at dahan dahang nag lakad palabas ng bahay. Baka makita pa ko ni Mama malalagot ako dun

Nang nakalabas nako ay dumiretsyo nako sa gate

"Tagal mo" bungad saken ni Rj

Mahal kita kahit Gangster ka (ONGOING)Место, где живут истории. Откройте их для себя