Nagtataka man ako sa kanya ay napatingin nalang ako sa mga kalalakihan sa court na naghihiyawan.
"You always nailed it Raj."sigaw nila na tila ba sayang saya. Sa gitna ng pagtahimik namin ni Alice, bigla nalang nasa amin dalawa na ang atensyon nila.
"Nandito ka!" Salita ng isang lalaki habang nakatingin kay Alice na akala mo ay naging statwa.
"Nandito ka din Rome!" Namula ang pisngi niya. Kasunod ni Rome ay si Kaio at Raj na kaninang pinagkakaguluhan. I know Kaio. Who would not know him? Isa ang pamilya niya sa pinaka-mayaman sa school.
Namumukhaan ko nga din yung Raj na tinawag niya. Ang alam ko ay boyfriend iyan ng kapatid ni Kaio at Mayor ng university council.
Ngumiti si Raj ng magtama ang paningin namin. Sa hindi ko alam na dahilan ay parang tumigil ang mundo ko sa isang inosenteng ngiti niya.
"Hoy Gotica!" Nahihiya akong bumaling kay Alice na halos sigawan na ako .
"Ano ba iniisip mo?" Bulong niya. Napatingin ako sa kamay ni Raj na nakalahad sa harapan ko.
"Hello..." Nahihiyang sagot ko sabay abot ng kamay niya. Bahagyang natawa si Raj. Nakaramdam ako ng matinding hiya at pamumula ng mukha.
"Ang cute mo." Kumindat siya sabay gulo ng buhok ko. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Ang pag iinit ng pisngi ko ay lalong nagliyab. Para akong dahon na nakalutang habang tinatangay ng hangin sa kawalan.
"Hoy! Minor yan! Kaibigan lang walang landian ha!" Sigaw ni Alice. Natawa silang lahat. Gusto kong tapalan ng bato ang bibig ni Alice para mailigtas ang sarili ko sa kahihiyan.
Tumawa ng malakas si Raj. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kirot sa dibdib at bahagyang pagka-insulto.
"Of course, Alice. She's a little sister to me." He genuinely smiled at me sabay gulo sa buhok ko ulit. Wala akong masabi, parang may bara ang lalamunan ko na hindi magawang maglabas ng salita.
"Better be clear." Sagot ni Alice sabay akbay sa akin. Halos kaladkarin niya ako. Hindi ko alam bat nakakaramdam ako ng ganito. It's so foreign and I don't know how to lable it.
Sa katangahan ko ay nadapa ako bigla. Nanlaki ang mata ni Alice at hindi nakagalaw. Ininda ko ang sakit ng tuhod ko at halos magmura sa kahihiyan. Walang nagsalita sa kanila. Tila ba takot na pagtawanan ang nangyari.
"Take my hand." Napatingin ako kay Raj habang nakalahad ang kamay sa akin. Pumikit ako ng mariin habang inaabot ang kamay ko sa kanya.
Seryoso at puno ng pag aalala ang mga mata niya. Pinagpagan niya ang tuhod ko na nagkaroon ng buhangin at maliit na sugat. Ang tibok ng puso ko ay hindi ko na maintindihan.
"Ops!sabi ko na sayo walang landian ah."inagaw ni ako ni Alice sa kamay ni Raj.
Hindi kumibo si Raj. Seryoso ang mga mata niya at puno ng pag alala nakamasid sa akin. Umiwas ako ng tingin ng kumirot ang tuhod ko. Damn it! Nakakahiya! Tuluyan na akong nagpahila kay Alice bago ko pa hilingin na kainin ako ng lupa.
"Bakit ka ba kasi nadapa?" Salita ni Alice habang hila hila ako palayo. Alam na alam ko na pulang pula ang pisngi ko sa sobrang kahihiyan. Rajan's presence was an impact to me.
Pakiramdam na ngaun ko lang naramdaman. Yung para kang kandila na sinindihan at mabilis lang na nauubos. The feeling is so foreign.
Nagkagusto na ako sa iba pero hindi ganito ang naramdaman ko. All of them was only admirations.
This is new. Aside from admiration, may bahagi sa akin na gustong gustong hawakan siya at maging parte ng mundo niya.
Umiling ako. My God, Gotica! Ano ba iyan pinagsasabi mo?
"I tripped! Ano magagawa ko?" Sagot ko na hindi makatingin.
Nanliit ang mga mata sa akin ni Alice. "Sus! Crush mo noh?" Salita niya sabay ngisi. Hindi ko pa din siya matignan alam ko na nanatili ang pamunula ng aking pisngi na lalo pa yatang lumala.
"H--indi," I said stuttering.
"Mabuti naman, he's too old for you." Sabi ng kaibigan at nagpatuloy maglakad.
Sumunod ako kay Alice na diretso pa din ang lakad. Crush? Hindi ko alam kung ano ba talaga ang meaning ng crush but I know it's not just that.
There is something bigger inside me. Well maybe, tama nga si Alice. I can't feel that level because in the fiirst place, malayo ang agwat ng edad namin ni Raj.
"Hoy! Ano ang tinutunganga mo jan?" Sigaw ni Alice kaya napasinghap ako. Hindi ko namalayan na natulala na pala ako sa pag iisip ng bagay na hindi ko naman dapat intindihin o isipin.
Umiling ako at kinalma ang sarili. Nagsimula akong maglakad palapit kay Alice sabay alis sa aking kaisipan ang imahe ni Rajan.
YOU ARE READING
Our Strings (Strings Series 3)
Non-Fiction"Ayokong pakasalan mo ako dahil sa obligasyon mo!" she said. "Then what do you want?" he said confused. "I want you to marry me because you love me.." she wiped her own tears. "Yung ako naman.. yung ako lang..."
OS- kabanata 1
Start from the beginning
