Mabilis kong naramdaman ang panunubig ng mata ko nang magsimula akong alalahanin na naman yung mga nangyari ng araw na yun.


Kung hindi ko ba pinilit na iligtas yung aso nun?... siguro, kasama pa din kita hanggang ngayon.


Sinabi ko sa sarili ko bago ako pumunta dito na hindi ako iiyak. Pero kahit anong gawin ko, tinatraydor pa din ako ng mga luha ko sa tuwing babalikan ko yung araw na yun.

"Miss na miss na kita." Bulong ko halos sa hangin tsaka ako napatingala sa langit matapos may kumawalang butil ng luha.


Kainis naman. Ayoko na nga kasing umiyak sa harapan ni Liam eh. Baka kasi sermonan niya ko sa panaginip ko, pero napaka traydor talaga ng luhang 'to.


Saglit akong pumikit para pakalmahin ang sarili ko, at pagkatapos ay agad ko ding pinunasan yung luhang kumawala sa mata ko, atsaka ako muling bumaling sa puntod ni Liam.

"Liam, habang buhay kong tatanawin na malaking utang na loob yung naging sakripisyo mo. Dadalhin ko hanggang hukay yung ginawa mong pagsagip sa 'kin, kasi..." medyo nagka-crack na yung boses ko pero nagpatuloy pa din ako. "Ako naman kasi talaga sana yung nasa pwesto mo ngayon eh. Diba?" bukod sa kalungkutan ay muli ding nabuhay yung sama ng loob ko. "Ako sana yung nakahiga diyan eh!" turo ko sa puntod.

Mix emotion ng frustration, inis, at lungkot yung nararamdaman ko kasi hanggang ngayon akala ko okay na ko. Ilang beses ko na ding kinokombinsi ang sarili ko na okay na ko, pero ngayong nasa harapan na ulit niya ako, nanunumbalik na naman lahat.

"Kung gaano ako nagpapasalamat sayo, ganun din yung nararamdaman kong guilt dahil sa nangyari sayo." Nasapo ko ang dibdib ko dahil nakakaramdam na ko ng paninikip ng paghinga dahil sa pagpipigil ko ng pag-iyak.

"Pero ano pa nga bang magagawa ko? Kung pwede ko lang talagang ibalik yung panahong yun. Hindi naman ako papayag na gawin mo yun eh. Kasi masgugustuhin ko pang ako nalang kesa ikaw." Sa kabila ng pagpipigil ko ng luha ay may nakatakas pa din, kaya hinayaan ko nalang.

"Sayang lang talaga kasi wala na eh. Wala na kong nagawa para iligtas ka pa. Tsaka ilang taon na din ba ang lumipas? Kaya wala na talaga akong magagawa kundi ang tanggapin nalang. At... mag-move on. Pero magmomove on lang ako dun sa nangyari ah! Hindi ko sinasabing pati ikaw ay kalilimutan ko na. Ikaw pa ba? Makalimutan ko??... Takot ko nalang na baka multuhin mo ko noh!" bahagya akong natawa dahil sa huling sinabi ko.

Konti nalang ata at malapit na akong magmukang baliw dahil sa pagmomonologue ko habang umiiyak at natatawa.


Nakakabaliw naman kasi talaga sa totoo lang. Nakakabaliw ang kalungkutan at pangungulila.


"Atsaka isa pa.. Ikaw lang ang itinuturing kong BEST bestfriend. At kung magkaron man ako ng ibang kaibigan... hanggang close friend ko lang sila. Baka kasi magselos ka pa eh? Tsk!" bahagya ulit akong napangiti dahil sa biro ko.

Nanatili pa ako ng ilang minuto bago ko naisipang magpaalam na kay Liam. "Oh pano Liam? Alis na muna ako ah? Uwi na ko kasi baka abutin pa ako ng ulan eh." Tumingin ako sa langit at nakita ko nga ang bahagyang pagdilim ng kalangitan dahil sa nagbabadyang pag-ulan.

Muli kong ibinalik ang tingin ko kay Liam. "Bisitahin nalang ulit kita kapag nagka-free time ako, okay? Di ko na kasi sure kung kelan eh, kasi busy na ako sa university. Next time ko nalang din ikwekwento sayo yung mga nakakalokang nangyari sa 'kin sa school." Pinagmasdan ko pa ng ilang sandali yung puntod tsaka yung mga bulaklak na nakalagay sa ibabaw.

Diamond University: "School of Music" [Seventeen FF On-going]Where stories live. Discover now