CHAPTER 32: BLACKANGELS

448 11 0
                                    

CLOYD'S POV

Kanina ko pa binabasa ang file nila Samie. Totoo nga palang nagtransfer sila dito sa LDVU tulad ng pagkakasabi sa akin ni Ken kahapon. Nakabangga na rin pala ni Kit si Loi. Bigla akong kinabahan dahil kapag nagkaharap ang dalawang grupo ay tiyak magkakaroon ng riot! Mahilig pa naman sa kalokohan ang BlackAngels, pangalan ng grupo ni Alexis, pero syempre mas lalong mahilig makipaglaro ang KG7. Pero paano kung dito sila sa school KO maglaro? Tiyak wasak ito!

I KENNOT! ヘ( ̄ー ̄ヘ)

Nilapag ko ang file nila at binuksan ang file na binigay sa akin ni Vexia. Binasa ko ulit ang gangs na nakalista at nakita ko ang BlackCobra. Kumonot noo ako dahil ito iyong gang na nasunog sa abandonadong warehouse na pinuntahan namin kagabi. Hindi kaya si Vexia ang may pakana ng sunog? Nako naman! Talagang tototohanin na niya ang sinabi niya nun.

Nilagay ko sa drawer ang folder at nangalumbaba. Hahayaan ko na lang kaya siyang tumapos sa kanila? Pwede, para mabawasan na ang masasamang tao sa mundo.

Bumuntong hininga ako at nagtungong pintuan. Naglalakad ako sa hallway para magpumasok sa klase ko nang makita ko ang isa sa mga BlackAngels.

"Hello Cloyd" bati sa akin ni Gianne.

Ngumiti lang ako ng tipid. Lumapit siya sa akin at hinalikan ang kanang pisngi ko. Pinunasan ko naman ito.

"Awwww! Ayaw mo sa kiss ko?" Malanding tanong niya.

"Hehehe. Kasi ano magmamarka ang lipstick mo" sabi ko. Hindi parin nagbabago, makapal parin ang lipstick niyang kulay pula.

"Cloyd" tawag sa akin. Liningon ko siya at nakita ko si Gael na masama ang tingin.

Lumapit siya sa amin at hinawakan niya ako sa braso.

"I was looking for you" sabi niya. "Ano ba i yan. What's this? Kina gaht ka ng ant? It's so red kazi" dagdag niya at pinunasan ang pisngi ko.

"Ah oo. Malaking ant" sagot ko at tumingin kay Gianne na kasalukuyang masama rin ang tingin.

"Oh I see" sagot niya at nakangisi. "Tah ra? Baka kaghattin ka uhlit ni ya" dagdag niya at tinalikuran namin siya.

"Ah! By the way Gianne, please wear a uniform." Sabi ko at nilingon ko siya.

"I'm not taking orders from a simple gangster. Baka nakakalimutan mo kung sino ako" Sabi niya at nakahalukip sabay ngisi.

"You're in MY school. We have rules and regulations" Sagot ko.

"Ah oo nga pala. Pero bakit yang kasama mong hilaw na Pilipina ay iba ang suot na uniform?" Tanong niya at napatingin siya kay Gael.

Hinarap naman siya ni Gael at ngumiti. "Atleast I wear a uniform. A decent one." Sagot niya at tinapunan niya ng tingin si Gianne mula ulo hanggang paa.

"Hoy babae! Kung makapagsalita ka ha. Kilala mo ako? I'm one of the Mafia. Kaya mag ingat ka sa pananalita mo!" Galit niyang sigaw.

"Oh really? Nice to hear that. You just made the right decision to be one of them." Nakangiting sagot ni Gael.

Hinawakan ko ang kamay ni Gael at pinisil ito. Alam kong kayang-kaya niyang putulin ang dila ni Gianne ngayon din.

"Lets go Gael. See you around Gianne." Sabi ko at umalis na kami. Mapanganib din siya. Kung titignan mo mabait siya at tahimik pero kapag nagalit at minaliit ay magtago ka na lang. Paano ko alam? Basta alam ko! Walang assassin na mabait +________+

"So, she's one of the Mafia" sabi niya nang makarating kami sa elevator.

"Oo. Huwag mo na lang pansinin iyon." Sagot ko.

The Reaper's LoverWhere stories live. Discover now