CHAPTER 70: WHERE IT BEGINS

207 13 2
                                    

THIRD PERSON'S POV

Nanginginig ang kamay ni Vexia'ng nakahawak sa baril habang tinitignan ang walang malay o mas magandang sabihin nating walang buhay na katawan ni Mikhail sa sahig. May pumatak na luha sa kanyang kaliwang mata na umagos sa kanyang labi at natikman niya ang alat nito.

"Cy! Hurry up! This place will turn into dust!" Sigaw sa kanya ni Gael habang hinihila ang paa ni Cloyd paalis sa arena.

Mukhang hindi pumasok sa ulo ni Vexia ang sinabi nito dahil nakatayo lang siya sa harapan ni Mikhail.

Sinong best twin mo?

Sinong best twin mo?

Sinong best twin mo?

Sunod-sunod na rinig niya sa paligid. Palinga-linga siya upang hanapin ang boses na iyon.

Sinong best twin mo?

Sinong best twin mo?

Sinong best twin mo?

Ulit niyang narinig hanggang biglang nag-iba ang kanyang paligid. Nasa harapan niya ngayon ang dalawang batang babae habang magkayakap at umiiyak. Nakatutok sa kanila ang baril ng apat na lalaking tumatawa ng malakas. Nagmamakaawa ang dalawang bata at punong-puno ng takot ang kanilang boses.

Hindi naawa ang mga lalaki at pinaulanan nila ang baril ang mga ito. Humandusay sa sahig ang dalawang bata at nagsimulang sunugin ang lugar. Gusto niyang tulungan ang mga ito ngunit hindi siya makagalaw sa kinatatayuan niya hanggang tinutupok ng apoy ang dalawang bata.

Umubo-ubo siya at napayuko. Ngunit sa pagyuko niya ay nakita niya ang isang lalaking nakahandusay sa kanyang paanan. Kamukhang-kamukha ito ni Mikhail. Nagulat siya at gusto niyang hawakan ang mukha ng lalaki ngunit biglang nag-iba ang anyo ng lalaki. Hindi na ito si Mikhail kundi naging isang matanda.

"Cyyyyyyy!!!" Sigaw sa kanya kaya napalingon naman siya. May biglang bumagsak na yero kanyang harapan kaya naman natumba siya.

"Huwaaaaag pooo! Huwaaaag pooo! Maawa po kayo sa amin" rinig niya ang isang boses ng batang babae.

"Hahahahahahahahahahahahahahaha" kasabay ng tawa ng mga lalaki sa paligid.

"Huwaaaaag pooo! Huwaaaag pooo! Maawa po kayo sa amin" rinig niya ulit ang mga tinig ng mga bata.

"Hahahahahahahahahahahahahahaha" At tawa ng mga lalaki.

"Tama na! Tama na!" Sigaw ni Vexia sabay takip sa kanyang tenga upang hindi niya marinig ang pagmamakaawa at pagtawa ng mga boses na naririnig niya.

"Papatayin ko kayong lahat! Papatayin ko kayo!" Sigaw ulit niya.

May lumapit sa kanyang lalaki at bigla siyang niyakap.

"Hush" sabi nito. "Tara na Vexia" pagsusumamo nito.

Napatingin naman si Vexia sa lalaki at nakita niya ang nag-aalalang mukha ni Kyle. Biglang bumalik sa kanya ang realidad. Nasusunog ang buong paligid at makapal ang usok dahil sa pagpapasabog ni Zai. Nasa BlackBox siya upang tapusin ang kanyang mission.

Ang kanyang mission.

"Mikhail!" Sigaw niya sabay lina sa paligid upang hanapin ang binata. Tinakpan niya ang kalahati ng kanyang mukha upang hindi siya mag-ubo lalo.

"Help him" utos niya kay Kyle nang makita niyang nakahandusay sa semento ang binata.

Hindi nagdalawang-isip si Kyle at agad niyang dinaluhan si Mikhail. Tumayo si Vexia at tinulungan din si Kyle sa pagbuhat kay Mikhail.

The Reaper's LoverWhere stories live. Discover now