CHAPTER 58: BALL

220 8 0
                                    


THIRD PERSON'S POV

Deeja's Mansion

*DING DONG DING DONG*

Papuntang pintuan na sana ang katulong upang buksan ito ngunit nauna nang tumakbo si Mitch papunta dun.

"Anyare dun? Akala mo may sunog" komento ni Clei habang nagbubuklat ng magazine.

"Ayos ah. Nagrereview ka?" Si Deeja habang nagsecellphone.

Inirapan lang siya ni Clei at pinagpatuloy ang pagbabasa.

"Ano bang susunod na idedesign mo?" Tanong ni Zai habang binuklat ang isang magazine sa paanan ni Clei.

"Punerarya" tipid na sagot ni Clei.

"Hahahahahaha! Lagyan mo ng spa!" Sabat din ni Liya habang nagtetext.

Dahil wala sa mood si Clei ay hindi niya pinatulan ang mga kalokohan ng kanyang mga kaibigan. Talagang pinag-uukulan niya ng pansin ang kanyang project ngayon. Isa kasi sa mga requirements niya ang magdesign ng funeral parlor.

"Girls! We are so ready for the baaaaall!!!" Masiglang sigaw ni Mitch sa may pintuan habang tinaas sa ere ang isa sa mga kahon.

"Patingin!" Sigaw ni Zai at tunulungan si Mitch buhatin ang pitong kahon.

"Cenerentola!" (Cinderella) sigaw ni Mitch kay Gael at binato sa kanya ang kahon.

Napatingin naman si Gael at hindi niya inaasahan ang pagbato ni Mitch kaya natamaan siya sa ulo.

"Grazie eh!" (Thank you) Sigaw niya sabay irap.

"Wow! The granddaughter of Mafia reaper ay tatanga-tanga!" Komento ni Zai habang binubuksan ang kanyang kahon. "Wow! Wow! Wow!" Dagdag niya at kinuha ang gown.

"Sorry nahman!" Sigaw ni Gael na hinahawakan ang ulong bumukol. "Ahhhhhh! Bellissimo!" (Very beautiful) Bulalas niya ng makita niya alam laman ng kahon.

Binuksan ng iba ang kanilang mga kahon maliban kan Vexia na hindi man lang tinapunan ng tingin ang sa kanya.

"Isuot mo yan" utos sa kanya ni Mitch. "Ti faccio pure i boccoli dopo" (I curl your hair later) dagdag niya.

"Fai come ti pare" (Do what ever you want) bored na sagot ni Vexia at naglakad papuntang veranda.

Pinagmasdan niya ang ginagawa ng mga kasambahay nila sa pagdidilig at pagtatabas ng bermuda grass. Napabuntong hininga siya at naupo sa sementadong hagdan. Wala silang pasok ngayon dahil abala ang mga estudyante sa ball mamayang gabi. Abala rin ang Student Council at pati narin si Cloyd sa pag-aayos ng Auditorium.
Nasa ganun siyang posisyon nang biglang may dumaan sa kanyang likuran.

"Magandang tanghali Lady Rebecchini" magalang na bati sa kanya ng butler.

Tumango lang siya bilang sagot.

"May nakita po akong sulat para sa inyo po diyan sa harapan kanina" sabi ng butler at may inabot siyang sulat sa kanya.

"Anong nakalagay?" Tanong niya at tinignan ang sulat.

"Hindi ko po alam" sagot ng butler.

"Buksan at basahin mo" utos niya.

Agad namang binuksan ng butler ang sulat at binasa niya ito.

"Garden. 12 midnight" sabi niya.

"May nakalagay na pangalan?" Tanong ni Vexia.

"Mikhail po Lady Rebecchini" sagot niya.

The Reaper's LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon