Finale Chapter

3.1K 90 11
                                    

CITY OF LOVE-ILOILO CITY

JARO CATHEDRAL-iba’t ibang uri ng mga nagagandahang mga bulaklak ang nagiging silbing palamuti sa loob ng simbahan.  Pumapainlag naman sa ere ang malamyos na awiting beautiful in white ng westlife.  

Nakapaskil naman ang malalapad na ngiti  sa mga labi ng bawat isa habang pinagmamasdan ang pinakamagandang bride.

Allison stunning and beautiful wearing her wedding gown while she's walked down in the aisle. Habang naghihintay naman si Greyson,  malapit roon sa altar.  Napakguwapo ng lalake sa suot nitong tuxedo.

Hindi lang basta naglalakad si Allison.  She looked like gliding towards

him.  Mukha itong anghel na parang lumulutang na paunti-unti papalapit sa kanya.  At hindi kaya ni Greyson na bigyan ng pangalan ag eksaktong naramdaman niya nang mga sandaling iyon.

Masaya?  Masayang-masaya?  Halos maluha-luha sa sobrang kasiyahan?  Lahay ng iyon ay naramdaman niya pero kulang pa rin ang mga salitang iyon para sa eksaktong maipaliwanag ang pakiramdam niya.

But,  yes,  he was crying. Habang  lumiliit ang distansya sa pagitan nila ni Allison,  habang napupuno ng malakas na musika ng beautiful in white ang simbahang iyon ay hindi rin niya mapigil na tumulo ang luha niya.

Limang buwan,  iyan ang eksaktong bilang buhat ng nangyari ang hindi inaasahan trahedya sa buhay nila ni Allison.  Ang pagkawala ng magiging first baby sana nila.  Matagal bago niya napapayag si Allison na ituloy ang kanilang kasal.

Masyadong dinibdib ni Allison ang nagyaring pagkalaglag ng first baby nila.  At sarili nito ang sinisisi kaya nakapagdisesyon si Allison na huwag ng ituloy ang kanilang kasal.  Ngunit hindi siya pumayag. Mas lalong pinaramdam niya sa babae ang pagmamahal niya para rito.

He was shedding those tears of joy.  Kahit na anong pagpipigil niya ay hindi niya magawang kontrolin ang luha.  And so,  he just let them fell. Bahala na mamaya kung kantiyawan siya ni Allison.

But the moment she got closer,  he saw that she was crying too. Her eyes were fixed on him,  her lips wearing a faint smile.  It felt like forever when she made a few steps and then she was there,  in front of him.

“Sweetheart,” he breathed.

Magkahawak-kamay nilang tinungo ang altar.

A dream come true.  Mas madalas pa nga niyang naririnig iyon lalo na sa mga bride.  It felt no meaning to him.

Until now.  Bigla ay parang bagong-bago ang linyang iyon para sa kanyang sarili. Pero damang-dama niya ngayon ang kahulugan niyon. Ilang beses siyang sumulyap kay Allison.  His bride.  His wife.  Sino nga ba ang mag-aakala?

Totoo nga naman ang kasabihan,  “kandahaba-haba man ng prosesyon ay simbahan pa rin ang tuloy.” Reverse sa kanila ni Allison,  sa napakaraming pagsubok ang dumating sa kanila ay nalagpasan pa rin nila.  Totoong pagmamahal at tiwala sa isa’t isa,  iyon ang tanging pinanghahawakan nila ni Allison.

“To have and to hold,  from this day.”

“For better or for worse,  for richer,  for poorer.”

“In sickness and in health,  until death do us part.”

They recited the vow solemnly.  Nagkasundo sila ni Allison na hindi na nila kailangan gumawa ng sarili nilang version.  That classic vow summed everything they want to do their marriage life.

“Ipinapahayag ko sa lahat na kayong dalawa ay ganap namg mag-asawa.  Mga kapatid at kaibigan,  palakpakan natin ang bagong kasal!”

Napuno ng masigabong palakpakan ang buong paligid.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 12, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

YOU BELONG TO MY HEARTWhere stories live. Discover now