CHAPTER 15

1.7K 13 0
                                    

ABOT TANAW ni Greyson si Allison nasa bukana ng mataas at malaking gate na gawa sa bakal. Gamit ang hawak niyang telescope mula sa puwesto niya nasa tree house. Hindi iyon agad mapapansin dahil napagitnaan iyon ng dalawang malalaking puno at mataas ang bahaging iyon.

Nahihirapan at nalulungkot man siya sa hinagawa niyang hide in seek ngunit iyon lang ang tanging paraan upang makita’t masubaybayan niya si Allison.  Matiyak niyang nasa mabuting kalagayan ang kanyang mag-iina.

Kapag ginawa niyang magpakita ng lantaran kay Allison,  natatakot siya na tuluyan na itong lumayo mula sa kanya.  Ngunit hanggang kailan siya magtitiis?  Hanggang kailan niya kakayanin ang ganitong sitwasyon?  Arggg… Masisiraan na yata siya ng bait kapag tumagal pa ang ganitong sitwasyon nila ni Allison.

Kapag nakapasok na si Allison sa loob ng compound ay sisiguraduhin niyang hindi na ito makalabas dito.  Kung kinakailangan niyang ikulong ito sa loob ng kuwarto ay gagawin niya nang sa ganoon hindi na ito muling makatakas.  Higit sa lahat hindi siya mag-alala ng sobra sa dalaga at sa magiging anak niya.

Sa katunayan everything was settled for their wedding. Sa tulong ni Catherine Humpay,  the owner of Dreamer wedding coordinator and her staff.  Ang kulang na lang ay ang tamang sukat ni Allison,  for her wedding gown at kung anong style ng wedding gown ang gusto ng dalaga.  Presensiya ni Allison upang makapag-apply na sila ng marriage license.

Ang team din ni Catherine Humpay ang naging instrumento sa engagement party.  Magpo-propose na sana siya noong bumalik na sila ng Maynila ni Allison.  Susurprisahin niya sana ang dalaga ngunit sa halip ay siya ang nasorprisa sa ginawa nitong pagtakas. Mabuti na lang ang mga pamilya both side ang naging mga bisita,  hindi na siya nahihirapan pang magpaliwanag sa pag run away ni Allison.  Sa halip ay kinantiyawan at pinagtatawanan pa siya ng mga pamilya nila ni Allison.

Kinuha ni Greyson ang cellphone mula sa bulsa ng punduroy na suot niya. At tinawagan ang taong makakatulong sa kanya.

ILANG BESES ng pabalik-balik si Allison sa nakabukas na gate.  Nagdadalawang isip siya kung papasok o hindi.  Ngunit talagang kailangan niyang puntahan ang lugar na kanyang pakay kaya nga nandito siya dinala ng kanyang mga paa.  Kung bakit kasi may ibang nakabili na sa lupain ito.

 Paurong-sulong ang kanyang mga paa.  Wala naman prohibited nakalagay na trespassing. Napatingin si Allison sa motorsiklo na huminto sa tapat niya banda.  

Ngumiti ito sa kanya, “Ma’am,  pasok po kayo sa loob?” Tanong ni Boboy nang tinanggal nito ang suot na helmet mula sa ulo nito.

Nginitian niya rin ang binatilyo, “Oo,  sana kaso lang private property na yata.” Naiiling na sagot niya.

Bumaba si Boboy mula sa likod ng motorsiklo, “puwede naman kayo pumasok diyan,  Ma’am. Welcome na welcome po kayo riyan sa loob.”

“Oh,  nagdududang tiningnan niya ang binatilyo. “Kakilala mo ba ang may-ari Boy?” sabay turo niya sa looban. “Wala bang aso diyan sa loob?”

“Oo,  ma’am.  Sobrang bait nga po niya. Ma ‘am samahan ko na lang kayo sa loob. Meron po pero nakatali naman. Ganito na lang Ma’am, sasamahan ko na lang kayo pumasok sa loob. Pero iiwan din kita kapag sigurado na tayong safe ka na walang aso,” mahabang litanya ni Boboy.

“Sige, Boy. Salamat, hah. Kanina ko pa gustong-gusto pumasok diyan kaso lang natatakot naman ako,” aniya medyo nakangiwi.

“No, problem ma’am,” nakangiti rin sabi nito, nagpatiuna na itong lumakad papasok sa loob ng compound.

Sumunod naman dito si Allison,  tumampad sa mga mata niya ang magandang bahay,  bungalow style,  single attachment house.  Tila nagmamayabang ito sa kulay green nitong pintura.  

YOU BELONG TO MY HEARTOù les histoires vivent. Découvrez maintenant