Chapter one

3.5K 50 1
                                    

"What? How could you? " nagtatagis na bagang na wika ni Greyson. Tila ayaw pa rin niya maniwala sa sinabi ng kanyang ama. Gusto siyang ipakasal nito, sa anak ng matalik nitong kaibigan na matagal na raw namayapa. Ni minsan hindi pa niya nakita ang nasabing babae.

"You, hear me right? Either you like it or not, you're going to marry her." Final at matigas na saad naman ni Don Cryl Falcon Monte Cristo.

Kapag ito na ang nagsasalita at nagdesisyon hinding-hindi na iyon magbabago pa. Animo’y isang hari ito kapag nakaupo na sa trono at ang tanging kagustuhan lamang nito ang masusunod. Dahil kung hindi susundin ay matitikman ang kapangyarihan at bagsik ng kanyang ama.

"I can't believe this!" may kalakasang boses na bigkas ni Greyson. "What I told you is, I'm not going to marry that girl. Hindi ko pa nga nakita 'yon. Tapos basta-basta ka na lang magplano para sa kasal na hindi ko naman kagustuhan." Giit pa rin niya at kahit anong mangyari ay hindi niya susundin ang kagustuhan ng ama.

"Final na ang disesyon ko Greyson. Be ready, mamanhikan tayo sa lalong madaling panahon." Si Don Cyril Falcon. Pinaikot ang swivel chair na inuupuan nito, paharap sa cabinet na nasa likuran niya lamang banda. At saka binuksan ang pangalawang drawer. Isang folder na kulay brown ang kinuha niya mula roon. Pagkatapos niyon ay muli siyang humarap dito kay Greyson. "Tingnan mo ang laman nitong folder. Nasa loob ng folder na iyan ang mga impormasyon na gusto mong malaman tungkol sa babaeng pakakasalan mo " Sabay abot nito ng folder na iyon kay Greyson.

"I'm sorry, Dad. But what I've said I'm not interesting about that woman." Hindi man lang siya nag-abalang abutin ang nasabing brown folder. "Excuse me, old man. If you don't mind, I want to go..." aniya sabay tayo mula sa visitor chair na inuupuan. Hindi na siya naghintay na sumagot ang kanyang ama. Hinakbang niya na ang kanyang mga paa. Upang lisanin na ang opisina nito. Subalit nakailang hakbang pa lang siya nang marinig niya uli ang pagtawag sa kanyang pangalan.

"Greyson Chai! Hindi pa tayo tapos sa usapan na ito!" umalingawngaw na boses ni Don Cyril Falcon. Nagbabaga ang mga mata nito habang sinusundan ng tingin si Greyson.

"Dad, tapos na ang usapan na ‘to. Sa ayaw at gusto niyo, hindi ko susundin ang kagustuhan niyo. Walang kasal na magaganap, " matigas at mariin na pagtanggi pa rin ni Greyson. Kitang-kita ng mga mata niya ang sobrang galit na lumalarawan sa mukha ng ama. At pulang-pula ang pisngi nito marahil ay sa sobrang pagtitimpi nito.

"Sinusubukan mo talaga ako? Hah, Greyson!" malakas na boses ng kanyang ama. "Alam mo kung ano ang mangyayari sa'yo, kapag sinuway mo ako." Pagbabantang turan ni Don Cyril Falcon. Nakatayo na rin ito mula sa inuupuan na swivel chair, tinititigan si Greyson sa mga mata.

"Go ahead Dad, do whatever you want! Nakahanda na po ako sa maaaring niyong gawin." Nagmamatigas na sambit ni Greyson. Hinding-hindi siya makakapayag na manipulate ng kanyang ama ang sarili niyang buhay. His old enough to decide his by own.

Kaya hindi na siya magtataka pa kung ang ibang kapatid niya ay may sama rin na loob sa kanilang ama. Tila gusto ng kanilang ama ay ang kagustuhan lamang nito ang kanilang susundin at walang pakialam sa maaaring maramdaman ng mga anak. This great playboy old man, gustong i-manipulate ang kanyang buhay?

No way! Mas gugustuhin pa niyang maging mahirap kaysa sumunod sa kagustuhan ng kanyang ama.

"Good day, old man. And good bye!" aniya sabay labas sa opisina ng  ama.

Tuloy-tuloy na siya palabas, kahit na alam niyang galit na galit ito sa kanya. But he don't care, ang pinakaayaw niya ang matali sa babaeng hindi niya mahal at hindi pa niya nakita. Kahit 'ni dulo ng buhok ay hindi rin niya nasilayan. Kung nabubuhay pa sana ang kanyang Lolo Shin, sana ay hindi pa niya mararanasan ang kalupitan ng sariling ama. Spoiled siya sa abuelo kung kaya ay napamahal sa kanya ng sobra ang Lolo Shin. Halos ang matanda na ang nag-alaga sa kanya simula noon sanggol pa lamang siya. Hindi rin niya naranasan ang pag-aalaga ng sariling ina simula ng nagkaisip siya. Basta-basta na lang din kasi siya iniwan ng ina sa pangangalaga ng ama niya.

YOU BELONG TO MY HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon