CHAPTER SEVEN

1.7K 34 0
                                    

“HINDI ka ba marunong kumatok?” Singhal ni Allison ng tuluyan nakapasok dito sa loob ng opisina niya si Greyson.

Dalawang linggo na rin ang nakalipas simula nagtrabaho siya rito sa publishing company. Hindi niya namamalayan na nalagpasan niya ang mga araw na magkakasama sila ni Greyson,  sa iisang building lamang at magkatabi pa ang mga opisina nila.  

Ang magaling na binata ay walang pakundangan pumasok na lamang dito sa loob ng opisina niya. Tantiya niya ay hindi maganda ang mood nito. Halos hindi maipinta ang nakalarawan sa hitsura ni Greyson.

“What's this?” tanong ni Greyson sabay lapag ng manila folder  sa lamesa nasa harapan banda ng dalaga.

Nakakunot-noo nakatingin lamang si Allison sa folder. “Folder,” baliwalang sagot niya.

“I know, Ako kaya ang may bitbit niyon.” Pilosopong sagot nito. “I'm asking why Grace?” Magkasalubong ang mga makakapal nitong kilay tila naging isang linya na lamang iyon.

“Why Grace?” Ba-ik tanong ni Allison.” Will,  she's deserving.”

“Is that you think?” Giit ni Greyson. “Oh,  come on Allison,  Got 7 band,  a popular band.  Is not only here in Asia,  almost around the worldwide. Then si Grace,  naka assigned to cover up their concert here in Philippines.”

“Well featuring the Got 7, for the next issue on our magazines,  next month.  Grace deserves this project.  I want her to do this writes up about them.”

“Alam natin baguhan lang si Grace.” Naniningkit ang mga mata sabi ni Greyson.

“Bigyan natin siya ng opportunity to probe her talent,  especially for this event.  Write up for our main articles.  Hindi porke baguhan lang siya hindi na siya nababagay sa proyektong ito.  Lahat tayo nag-uumpisa sa pinakababang posesyon.” Mahabang litanya ni Allison.

“Okay,” tanging naisagot ni Greyson,  sabay taas ng dalawang kamay tanda ng pagsuko nito sa usapin nila ng dalaga. “I want to remind you,  Allison,  kapag pumalpak si Grace,  we lost a million amount of this project’s.”

Ngumiti si Allison. “Then we can trust Grace, She's capable of this project and I'll assure she's won't failed.” Kumpayansa sabi ng dalaga.

Kibit balikat na lamang si Greyson. Saka hinakbang ang kanyang mga paa upang lumabas na sa opisina ni Allison.  Ngunit nakailang hakbang pa lamang siya ay muli niyang naririnig na nagsasalita ang dalaga.

“Samahan mo ako mamaya,” sabi ni Allison.

Humarap si Greyson sa kinaroroonan ng dalaga. “Saan?” lukot ang mukha na tanong ni Greyson.

“Sa mall,  mag shopping ako.” Baliwalang tugon niya.

“Puwede ka na…”

“Sasama ka o hindi?” putol niya sa iba pang sasabihin nito.

“ANO KASI ANG HINAHANAP MO?” Napalingon si Allison kay Greyson nang kalibitin siya nito sa balikat.  Nakakunot-noong nakatingin ito sa hawak niyang damit.  “Halos na-check mo na yata ang lahat ng mga damit dito.  Nag-i-inventory ka ba?”

Magdadalawang oras na silang palipat-lipat ng tindahan sa mall na iyon pero hanggang sa mga sandaling iyon ay wala pa rin siyang nabibiling kahit ano.

Umiiling na binalik ni Allison ang hawak na damit.  “Manahimik ka diyan,  nagko-concentrate ako,” aniya at kumuha uli ng naka-hunger na damit.

Pagkatapos niyang halungkatin kagabi ang cabinit niya ay napagtanto niyang matagal na panahon na pala buhat nang huli siyang namili ng mga bagong damit.  Bukod sa pulis outdated na ang mga iyon ay pawang mga T-shirt at pantalon pa ang karamihan sa mga iyon.

YOU BELONG TO MY HEARTWhere stories live. Discover now