Chapter 2 - Malikmata

Depuis le début
                                    

Natauhan siya ng agawin ng isang teacher sakniya ang microphone na kanina pa niya hawak.

"Will everybody pleeeaaase . . . . . calm down . . . .," Yon ang mga huling salitang narinig niya mula sa stage ng hatakin siya ng guro palabas dito at papasok ng back stage. . . Papalayo sa karamihan.

Doon niya naka salubong ang mga kapwa contestants at staff . . .

"What was that???!!"
" You're a FREAK!!!!"
"MANGKUKULAM!"
"Black magic!"
"Witch!"

Pilit mang sawayin at awatin ng teacher na adviser nila ang mga "harsh words" na binabato sa magka patid ay wala na silang nagawa pa kundi lalong bilisan ang lakad patakbo nilang ginagawa.

Ng makalabas sa backstage ay pinlit ni Amethyst na di maiyak.

Sa parking lot ang tagos nila at mula dito ay kitang kita niya ang mataong parte ng building na pinanggalingan nila.

May lumalabas na iika-ika, may alalay ng iba pang studyante, at may labas masok sa entrance ng auditorium. Tuluyan ng nag uunahan sa mga pisngi niya ang mga luhang kanina pa pinipigilan. Alam niyang maraming nasaktan at kasalanan niya 'yon.

Nahinto xa sa pag iisip ng tumigil sila sa pagtakbo at huminto sa lugar na walang katao tao. Hinarap siya ng teacher. Mukha sa mukha, mata sa mata.

" Amethyst!" Hawak ng adviser sa magkabilang balikat niya, "Lhouiggy!" Lingon din niya dito, " Tell me WHAT HAPPENED??!! what happened back there???" Nanlalaki ang mga mata ni Mrs. Fransisco, adviser nila. Mga matang nagtatanong.

"AMETHYST ANO BA!" inalog alog nya ang mag kabilang balikat nito ng walang makuhang sagot sa magkapatid. Tuloy tuloy ang pag hihikbi at iling ni Amethyst habang naka yuko naman si Lhouiggy.

Si Amethyst Ang Purple WitchOù les histoires vivent. Découvrez maintenant