Proof #10: Competiton

Magsimula sa umpisa
                                    

"Okay, Kami and Music Boys.. kayo ang una.." sabi ni ate Karlie..

Ngayon kasi may sofa na dun sa gitna.. Unang umupo dun si Mia pagkatapos nandun kami nakatayo sa likuran nung sofa..

Hindi ko alam kung paano ako ngingiti.. samantalang sila, nagtatawanan sila..

"Okay lang yan.." sabi ni Lewis at tinapik ang balikat ko pagkatapos ay tumingin sa harap..

"Oh, guys, tabihan n'yo naman yung anghel.." sabi ni ate Karlie..

Nung narinig nila yun.. nag-unahan naman sila..

"Oh oh oh.. kami munaaaa!" sabi ni kuya Gino ng tumabi sila ni kuya Simon kay Mia..

"Umma! Humanda ka sa'kin mamaya!" sigaw ni ate Lezlie.

"Appa.. namiss lang naman namin si Kami.. di ba Xander.." sabay tingin sa akin ni kuya Gino..

Napatingin ako kay Mia pero nakatingin lang s'ya sa harap.. hindi s'ya lumilingon..

"Lahat naman tayo namiss s'ya.." si Lewis ang sumagot..

"Kaya wag na kayong mag-alala d'yan.." sabi ni Mia at niyakap si kuya Simon..

"Woooooah! Hahaha! Kambal! Patay ka kay ate Riane ohhh!" sabi ni Madi..

"De.. keri lang yan.. hahahaha! Di ako nagseselos.. baka yung isa dyan.." sabi ni ate Riane at nakita ko ang pagtingin sa akin..

Nagpatuloy lang ang shoot.. tapos tumayo sina kuya Simon kaya umupo sa tabi ni Mia si Lewis.

"Ano pang hinihintay mo?" sabi ni Mirko sabay tulak sa'kin..

Napatingin sa akin si Mia at nagtama nanaman yung mata namin..

Wala na akong choice kundi umupo sa tabi n'ya..

Tumingin s'ya sa akin bago tumingin kay Lewis at inakbayan ito..

Inakbayan naman s'ya pabalik ni Lewis at sabay silang tumingin sa akin.. ngumiti naman si Mia sa akin at inilingkis ang kanang braso n'ya sa kaliwa kong braso..

Biglang nag-flash yung camera at nagpatuloy ang photoshoot namin..

Hindi ko namalayan ang pagtitig ko sa kanya kung hindi lang s'ya humarap sa akin..

Nagulat s'ya sa lapit ng mukha ko sa mukha n'ya kaya halos maduling na din s'ya sa pagtingin sa akin..

Bigla naman s'yang hinila ni Lewis kaya napalingon ito sa kanya..

Inalis n'ya yung kamay n'ya sa amin ni Lewis at sumandal.. pagkasandal n'ya biglang ginulo nina kuya Simon, kuya Gino at Mirko yung buhok n'ya..

"Ahhhh!" sigaw n'ya pero tumawa din s'ya pagkatapos.

"Okay! Next naman.." sabi nung photographer.

"Ayan.. gulo na buhok ko.." sabi n'ya sabay pout..

Biglang lumapit si L sa kanya at hahalikan sana s'ya pero naiharang agad ni Mia yung kamay n'ya.

"Aish.. really Myung?" tapos binelatan n'ya si L.

"Aish.. Close one.." tapos nginitian n'ya si Mia bago guluhin din ang buhok nito.

"Argh! Seriously?!" sigaw n'ya at pumunta s'ya dun sa may stylist.

Nagsimula na yung shoot nina Madi at ng Infinite..

"Oh Mirko.. pinsan nga di ba.. wag ka ngang ano d'yan.." sabi ni kuya Simon

Our Perfect Love [HPL Book 2 - Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon