Proof # 29: My Lover

1.4K 28 5
                                    

Author's Corner:

'Hello' - Korean

'Hello' - English or Filipino

- ∞ - ∞ - ∞ - ∞ -

Proof # 29: My Lover

[Mia's POV]

Pumasok ako sa dressing room ko at nagsimulang tanggalin yung accessories ko. Tiningnan ko ang phone ko at nakita ko na may message si Thunder dun.

          From: Thunder
          I'll be there.

Nakatingin lang ako sa salamin ng bumukas ang pintuan ng dressing room ko at pumasok s'ya doon before locking the door so no one would enter.

"What are you doing here? Magbibihis pa ako." sabi ko sa kanya pero niyakap n'ya ako mula sa likod. "Hmm?" 

"Nagseselos ako. Make it stop." sabi n'ya sa akin.

Hindi ko mapigilan ang hindi mapangiti at tinanggal ang mga braso n'ya at humarap ako sa kanya.

"Stop." sabi ko and he pouted.

"Not like that, like this." sabi n'ya before claiming my lips.

Agad ko naman s'yang pinatigil, kahit gustong gusto kong halikan s'ya, hindi pwede, I mean, we did it earlier after I performed Ice Cream, pero alam ko pa rin na mali ito. Girlfriend pa din n'ya si Lyn.

"Sorry." sabi n'ya at tumungo s'ya.

"You know I still love you." sabi ko sa kanya and cupped his face, "But this still feels so wrong." sabi ko sa kanya.

Hinawakan n'ya ang kamay ko at tsaka hinalikan iyon, "I know, I'm sorry." sabi n'ya. "I'll make sure to make everything right." sabi n'ya looking right into my eyes.

Kung noon, siguro sasabihin ko na wag n'yang hihiwalayan si Lyn, but this time, I can't let him stay with her. Delikadong tao si Lyn, she's obsess with him, at alam kong pwedeng may gawin ito sa akin right at this minute, pero she want to stay in Thunder's good side of course.

"And after everything is okay, haharapin ko ang mommy mo." sabi n'ya.

Nagulat ako sa sinabi n'ya, napatitig lang ako sa kanya.

"Sisiguraduhin ko na matatanggap ako ng mommy mo, I'll marry you, and we'll be a happy family."

Hindi ko alam ang sasabihin ko, naspeechless ako bigla.

Tumungo ako at huminga ng malalim.

"You see, Thunder..."

Bigla namang may kumatok sa pintuan ng dressing room kaya napalingon kaming dalawa.

"Ms. Kami?" sabi nito kaya bumuntong hininga na lang ako at pumunta sa may pintuan at pinagbuksan ng pintuan yung staff. "Ay, nakakaistorbo po ba ako?" 

"Hindi naman, nag-uusap lang kami about sa performance namin mamaya." sabi ko dito at tsaka pumasok yung staff sa loob.

"Ah, ganun po ba?" sabi nito.

"Sige na Thunder, mag-aayos na ako, ikaw din." sabi ko sa kanya at tumango naman s'ya at tsaka lumabas ng dressing room ko.

Tiningnan ko ang likuran n'ya at bumuntong hininga.

[Madi's POV]

Naka-upo ako sa may waiting room, kasama si Mirko dito at nagtitingin sa list nung songs.

Our Perfect Love [HPL Book 2 - Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon