Ang mga kuya ko, gusto nila yun. Pero ako, hindi.

Hindi sa mabait ako o kung ano paman. Ayoko lang talaga. Ayokong pinagtutulakan ako sa isang bagay na ayokong gawin. At isa pa..

Malaki ang kasalanan ng taong yun sa'kin.

Bakit nga ba ayaw pa akong tantanan nung tatay ko? Matagal na akong umalis sa bahay namin, dose pa ako nun. At limang taon din akong nagtiis na makisama sa kanya pagkatapos ng napakasamang ginawa niya.

Hindi na ako humihingi ng tulong sa kanya. Nakaya ko nang buhayin ang sarili ko kaya wala na dapat siyang pakialam pa sa buhay ko.

Pero makulit siya.

Lagi niyang pinapapunta sa bahay si Vlad. Ang personal butler ng pamilya. Si Vlad ang isa sa mga nagpalaki sa'kin, at nagmulat ng mga mata ko sa maraming bagay, tulad ng mga illegal na ginagawa ng tatay ko.

Masasabing masama akong tao dahil isa akong gangster. Nambubugbog, nanggugulpi, nambu-bully, at nang-aapi ng mga mahihina. Pero kailanman ay hindi ko nagustuhan ang trip ng tatay ko. Hindi yun ang linya ko. Hindi yun ang gusto ko sa buhay.

Sa pagiging gangster ko nakita ang isang malayang buhay na gusto ko. Dahil rito, nakakilala ako ng mga kaibigang maaasahan.

At ang hazzards nga yun.

Galing kami sa iba't-ibang pamilya, iba't-ibang istorya rin ang meron kami. Iba't-ibang estado sa buhay, iba't-ibang paniniwala, iba't-ibang katangian, basta may pagkaka-iba kami.

Ngunit magkaganun man, masaya akong kasama ang mga kaibigan ko. Yun ang pagkaka-pareho namin.

"Para sa hazzards!"

"CHEERS!"

"Para sa pangalawang buhay natin!"

"CHEERS!"

"Para sa pagiging madrama ni Alpha boy ngayong gabi!"

"G@g¤!"

"CHEERS!!"

Bukod sa masayang inuman, nagkantahan at nagsayawan rin kami. Pare-pareho na kaming may mga tama. Pero masaya ang naging gabing iyon para sa'kin.

Pare-pareho nang bumagsak sina Carlos, ang kambal, si Paul, at maging si Arthur.

Dalawa nalang kami ni Nash ang naiwang gising.

"Eh wala pala 'tong mga 'to eh! Hehehehe!! Mga walang kwenta.." natatawang sabi ni Nash habang hawak-hawak ang isang basong puno ng alak.

"Tch. Now it's between you..and me." sabi ko naman sabay turo ko sa kanya't sa'kin.

Medyo umiikot na ang paningin ko at mainit na mainit na ang katawan ko. Pero kaya ko pa namang uminom ng ilan pang mga shot.

"Ano Nash, kaya mo pa ba? Mukhang babagsak ka na eh!!" tukso ko sa kanya.

"Hahahaha!! Ang akala mo ba'y patatalo ako sa'yo? *hic!* Hindi no!" sagot naman niya. Gaya ko, pulang-pula narin ang mukha niya, maging ang mga mata niya. "Pero teka lang Cody ha.." binaba niya ang basong hawak. Tapos ay tinuro-turo ako.

"Sa tingin mo ba..ano..may magkakagustong babae sa'kin ha? *hic!*"

"Syempre meron! Ang cute-cute mo kaya?" ngisi kong sagot sabay kurot ng isang pisngi niya.

"*hic!* Seryoso ako ano ba?"

"Ako rin naman eh!"

Tapos ay nagtawanan kaming dalawa.

"Kumusta naman yung..*hic!*....paghahanap mo kay....mysterious girl,..ha?" hindi na niya kinaya. Natumba na siya.

"MUWA-HA-HA-HA-HAAA...ako ang nagwagi! Eh, wala naman pala kayong lahat eh!!" tumayo ako't sinigawan ko silang lahat na naka-handusay na sa sahig.

The Gangster and the Undercover (Book 1) - [Re-editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon