Chapter 14

1.3K 37 6
                                    




____CHAPTER 14____


     【 CODY 】

Kanina, ok pa ako. Pero ngayon, hindi na. Kanina, tutok na tutok ako sa kanya. Pero ngayon, ni hindi ko siya magawang tingnan ng diretso.
Inakala kong matatalo niya si Vlad. Pero nagkamali ako.

Hinamon ni Vlad si Geek sa isang laban. Ang pusta, buhay ko. Hahayaan nila akong tumakas rito kung matatalo si Vlad. Pero kung hindi, kailangan niyang magsalita sa lahat ng nalalaman niya.
Hindi niya dapat tanggapin ang kasunduang yun dahil sigurado akong iisahan lang siya ni Vlad.
Pero nabigla ako nang tanggapin  niya ang hamon.

She's a jerk, an idiot. Bobols, hindi nag-iisip!

Pero nang makita ko kung paano niya titigan si Vlad nang pumayag siya sa kasunduan, parang bigla akong nabuhayan ng loob. Her eyes..it was full of determination, and might. I never saw those eyes before. She's....fearless.

Hindi ko alam kung bakit
pero, nang makita ko yun, umasa akong malaki ang pag-asa niyang manalo.
Sa umpisa, lamang na lamang siya. Kung tutuusin, mukhang mas magaling siya kay Vlad. She has the skills, the moves, and the small, but heavy body that can defeat him. Napaka-liksi niya, ni hindi siya halos matamaan ni Vlad. Napapaluhod pa si Vlad sa mga pagsugod niya. At kahit natatamaan pa siya ni Vlad, asahang tatayo ulit siya't gaganti.

She was so...graceful in action, her eyes are full of determination, and her moves and shouts..aah, pleasing to the eyes and ears.  She's very well-trained indeed. Walang kaduda-dudang mas malakas nga siya sa'kin.
Pero...
Bigla nalang siyang pinaputukan ni Vlad sa kanang binti, sanhi upang mahirapan na siyang makipag-laban. At mula nun ay bugbog-sarado na siya kay Vlad. Yung mga nanonood, parang wala lang sa kanila. Maging yung mga demonyo kong kadugo ay aliw na aliw sa nakikita, Bw?sit. They're as*h¤#es, descendants of Lucifer, Belzebubs, demons.
Hindi ko maiwasang magngitngit sa galit dahil sa mga nakikita ko.  Pero anong ginagawa ko?
WALA!
Ni hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko dahil sa mga nakatutok na baril sa'kin. Takot ako sa baril, ayokong makakita ng kahit na anong ganun!
Pumikit ako ng mariin.
Tapos bigla nalang akong nawalan ng malay.


*~*~*~*~*~*~*


Nagising nalang ako sa isang umaalulong na sigaw ng isang babae.
Dumilat ako, at una kong nakita ang isang malaking tela na kulay pula na nakatakip sa kung anong malaking bagay.
Lumingon ako sa kanan ko. Mga lalaki, mga alipores niya. At ang dalawa kong kadugo, nakatindig sa magkabilang gilid ng nakaupong boss nila.
Ang mamamatay-tao kong ama.

"MAGSALITA KA NA!!!!!"

"AAAAAAAAAHHH!!"

Sa kaliwang direksyon ko naman ay si Vlad. May hawak siyang kung anong wire. At nakatitig siya kay Geek.

"HINDI KA PARIN BA MAGSASALITA?" Sa tono ng boses niya, parang naiinip na siya't nanggigigil sa galit.

Si geek.

SH?T, WHAT THE FVCK?!?!!

There's blood all over her, specially her right leg. Bruises, wounds, ripped dress, and totally damaged hair.
Nakagapos ang dalawa niyang mga kamay sa isang kadena na nakabuhol sa taas.
Pero nakayuko siya...at mukhang hindi na gumagalaw.

"Ang tigas mo ring bata ka..mukhang mahirap ka ngang pakantahin ng basta-basta. HAA!!" bigla niya itong sinampal ng malakas.

"TAMA NA, VLAD!!" lahat sila ay napatingin sa'kin. Tumayo ako't tumakbo patungo sa kanila ngunit pinigilan ako ng dalawang mga alipores ni Darius.

"GET OFF ME! LET ME GO BASTARDS! YOU SUCK!" pinilit kong pumiglas mula sa kanilang hawak at nagawa ko namang makatakas. May dalawa pa na dumagdag sa pagpipigil sa'kin . Hinila nila ako palayo kina Vlad.

"ANO BA?? BITAAAAAW!!! BUMITAW KAYO SABI EH MGA P¤**NG-?NA KAYO!!" May dumagdag ulit na dalawa pa, at hindi na ako nakapumiglas pa dahil sa anim na silang pumipigil sa'kin.

The Gangster and the Undercover (Book 1) - [Re-editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon