3:1

26 0 0
                                    

(An unpublished part under Chapter 3. Still some parts to be published. My gosh bakit di to publish? Did I intend it this way? Haha nakalimutan ko na. Sige na nga. Bahala na po kayo magbasa😅)





KYLIE

"Hi, Penelope!"

"Hi."

Ang weird talaga nitong si Penelope. Sa lahat ng classmates ko, siya nalang ang hindi ko ganoon ka-close. Hindi rin naman kasi siya nakikipag-close sa 'kin eh. Ayaw niya kaya sa ‘kin? But still I want to be her friend. Kahit wierd siya, mukha naman siyang mabait.

"Gusto mong sumama sa amin? Pupunta kami sa plaza ngayon!" excited kong imbita sa kanya.

"Sorry. Pero kailangan kong umuwi ng maaga eh. Exams na next week kaya kailangan kong mag-aral nang mabuti."

I pouted. "Lagi ka nalang ganyan, Penelope. Puwede bang kahit isang beses lang ay iwan mo yang pagiging geek mo't gumimik naman nang konti?"

Ngumiti lang siya nang tipid saka umiling. "I can't. Kailangan kong pagbutihan ang pag-aaral ko dahil ayokong ma-disappoint si tita sa 'kin."

Alam kong nag-iisa nalang ngayon si Penelope sa buhay kaya nga siguro ganyan siya. Hindi ko siya masisisi, mahirap naman talagang maiwan ng parents sa murang edad.

"Okay. Hindi nalang kita pipilitin kung ayaw mo talaga." tapos ay iniwan ko na siya.

"Haynaku Kylie, bakit ba pinipilit mong lumapit d'yan sa geek na iyan, eh hindi naman talaga siya interesado sa mga gimik natin?" tanong sa'kin ni Barbara, isa rin sa mga classmates namin.

"Oo nga. And besides, she's not one of us, Kylie. She's not that pretty. She's not even fashionable. Look at her!" dagdag naman ni Claire.

Minasdan ko si Penelope. "Wala namang mali sa kanya, ah. She's nice. Hindi siya isnabera at maganda naman ang pakikitungo niya sa 'kin."

"Kahit na. If she's not interested, then just let her be."

Hindi ko nalang sinagot si Barbara. Sa halip ay tinitigan ko lang si Penelope.

Tipikal nga siyang nerd. Neat and decent uniform, pony-tailed hair with down-to-brow bangs, and the famous nerdy glasses. Napaka-talino niya talaga. Nangunguna sa klase kahit na minsan lang kung mag-participate siya. And regarding her...not ordinary personality, marahil ay natatakot siya. I mean, minsan na niya akong tinanong tungkol sa high-school girls' kidnapping na usung-uso ngayon sa Alpsburry. Malamang ay natatakot talaga siyang mabiktima n'on kaya maaga siyang umuuwi at hindi gumi-gimik. Poor girl. Sana mas maging malapit kami sa isa't-isa. I really want to make friends with her. Hindi ko rin alam kung bakit gustong-gusto ko siya, pero iyon ang nararamdaman ko, eh. Alam ko namang mga plastic lang 'tong mga tinuturing kong mga 'kaibigan'. Everybody knows me. I'm beautiful, and i'm wealthy. They say, being friends with me meant fame and class. But I don't give a damn. Kahit na thankful ako na marami akong guards na nagbabantay sa 'kin nang halos bente-kwatro oras, feeling ko, nag-iisa parin ako. That's why I needed a friend. Iyong klase na...hindi ganoon ka-komplikado, iyong parang...masayang barkadahan lang at walang kahit na anong kyeme pag magkasama kayo. Yung...genuine.

And I think that Penelope's the kind of friend that I need. Silent, but straight. Wierd, but natural.

"Hmmm...." bigla akong napa-isip. If she can't hangout with me, ako nalang ang makikipag hangout sa kanya! Oh, what a great idea Kylie! You're a genius!

*~*~*~*~*~*~*


(Hmmm...I really don't remember why is this not published. Haha. May mga kasunod pang POVs si Kylie yata and I don't want it long. Pero ipo-post ko nalang. Duhh hehe 🤫)

Mas pobre na utak ko ngayon.
- Benedica

The Gangster and the Undercover (Book 1) - [Re-editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon