Halos sa buong biyahe ay panay lang ang sulyap ko kay Loraine, kaya agad kong napansin na parang nagiging uncomfortoble na siya sa pwesto niya. Inobserbahan ko pa siya saglit at nun ko nakita yung lalaking katabi niya habang pasimple siya nitong minamanyak. Hindi ko maatim na manood lang kaya hindi na ako nakatiis at nilapitan ko siya. Pasimple at patay-malisya akong pumwesto sa may likuran ni Loraine.

Natigil ang lalaki sa ginagawa niya paglapit ko kaya pinakiramdaman ko siya kung kelan ulit siya mag-aatempt. Ilang sandali lang ang lumipas nang mapansin kong kikilos na naman siya para pagtangkaan si Loraine. Hindi ko na pinalampas yun kaya umaksyon na ko.

Kumuha lang ako ng tamang tyempo at madiin kong inapakan yung paa ng lalaki. Agad napahiyaw sa sakit ang lalaki pero hindi ko pa rin inalis yung paa ko sa paanan niya.

"Oh Brad? Napapano ka? May masakit ba sayo? Sabi ko naman kasi sayo eh, tigilan mo na yang kamanyakan mo, kasi walang magandang maidudulot yan. Tingnan mo ngayon, nasasaktan ka pa tuloy? Bilis ng karma noh?" feeling close at puno ng sarkasmo kong sabi sa lalaki.

"Sorry na! Sorry na! Hindi na ko uulit! Sorry na!" nagmamakaawang daing nung lalaki.

Nang makontento ako sa reaksyon niya ay tinanggal ko na yung paa ko na nakaapak sa paa niya. Papilay-pilay siyang sunod na nagmadaling bumaba ng bus.

Nang mawala na yung manyakis ay sunod kong binalingan si Loraine na sakto namang nakatingin sa 'kin habang halata ang gulat at pagtataka sa ginawa ko. Wala naman akong ibang nagawa kundi ang ngitian siya. Halatang tila speechless siya kaya napangiti nalang din siya sa 'kin.

Nang makababa kami ng bus ay sinabayan ko siya sa paglalakad papasok ng university. Nanatili akong tahimik dahil ayoko namang maging feeling close sa kanya.

"Uhm... Ano..."

Agad akong napaangat ng tingin kay Loraine nang magsimula siyang magsalita.

"Salamat dun sa kanina ah?" sabi niya sa medyo malumanay na boses.

Simpleng pasasalamat lang naman yung sinabi niya pero ang laki ng epekto sa 'kin. Parang gustong tumalon ng puso ko sa tuwa, kaya naman pinilit kong itago ang ngiti ko at kinalma ko din ang sarili ko bago ko siya sagutin.

"Wala yun."

Nang tila may ma-realize siya. "Uhm... Nga pala... Magkaklase ba tayo?.." Tanong niya, pero bago pa ko makasagot ay agad niyang dinugtungan yung sinabi niya. "Oops! Don't mean to offend ha? Pero hindi ko pa kasi tanda lahat ng classmates ko kaya natanong kita. And you look familiar din kasi."

"Ah.. Oo. Classmates nga tayo." sagot ko.

"Ah ganun ba? Sabi ko na eh." sabi niya sabay ngiti.

"Uhm.. Uno nga pala." Pagpapakilala ko sa kanya.

"Ah.. I'm Lo---"

"Loraine. Right?" putol ko sa kanya.

"Ah.. Oo tama." Pagkukumpirma niya.

"Hindi naman siguro weird kung sasabihin kong natadaan ko agad yung name mo nung magpakilala ka sa klase nung first day diba?" tanong ko habang hindi ako nakatingin sa kanya dahil kahit ako ay awkward din sa tanong ko.

"Uhm.. hindi naman." Mabilis niyang sagot. "Mas weird nga siguro kung wala kang natandaan ni isang pangalan... gaya ko."

"Ang ganda mo namang weird." Mahina kong sambit.

"Huh? Ano yun?" tanong niya nang hindi niya naintindihan yung sinabi ko.

"Ah wala. Sabi ko baka ma-late na tayo." Palusot ko nalang.

Diamond University: "School of Music" [Seventeen FF On-going]Where stories live. Discover now