Chapter 23

324 12 11
                                    


HINDI AKO PUMASOK KINABUKASAN. Or should I say, hindi na ko pinapasok ni ermats. Hindi rin pumasok si Ate Yumi. May pupuntahan daw kami. Walang sinabi kung saan. Walang paliwanagan. Basta pagtapos namin mag-dinner kagabi, aalis daw kami. Maaga matulog, huwag na daw ako magtanong. Basta malalaman ko daw ang lahat ng sagot sa mga katanungan ko kinabukasan, kung meron man.

Ang tanong: ilan at ano-ano ba ang tanong ko?

Hindi makausap si ermats. Hindi kumikibo si Ate Yumi. Yung masarap sanang dinner para sa post-birthday celebration ko e naging solo dinner. Sayang ang manok, sayang ang effort. Hindi sila kumain. Maaga natulog. Kanya-kanya agad. Ang weird.

Nag-online ako kagabi para makausap sana si Emily, kaso offline. Gusto ko siyang tadtarin ng tanong kung bakit meron siyang interview, at kung ano ang meaning ng nun. Para saan? Anong meron? Pero kahit hindi ko na ata siya tanungin, nasagot na niya yung tanong ko. AKO DAW, yung batang tumulong kay Kaeley nung child star palang siya. Pinanuod ko ng buo yung interview online. Mga apat o limang beses ko pinanuod hanggang bumaon sa kukote ko yung mga pinagsasasabi ni Emily. Hindi ako galit, hindi ako nainis. Curious lang. Yun lang.

Sinubukan ko din contact-in si Kaeley kaso offline din. Iko-confirm ko lang sana yung confession. Nag-missed call ako, unattended ang phone. Nag-text, walang reply. Alam na.

So --- ako pala ang matagal na niyang hinahanap? Pero bakit hindi ko siya matandaan? Bakit hindi ko siya kilala? Bakit hindi ko matandaang nangyari sa'ken yun?

Hanep di ba? Sa haba-haba ng intro at mangilan-ngilan naming gala, sa dinadami ng taong puwede niyang hanapin, wala kaming kamalay-malay na ako na pala ang hinahanap niya. Puta, ilang inches lang ang layo namin sa isa't isa minsan (o madalas), tapos, hindi pa namin naamoy ang sarili naming pagkatao?

Nag-reminisce ako kagabi. Pinuyat ang sarili kakaisip. Bakit ganun. Bakit ganyan. Sino yun. Kelan yun. Paano nangyari yun. Natuyo utak ko kakaisip. Di ko namalayan, nakatulog na ko.

Wala pang alas-otso kinabukasan lumakad na kami. Si Kuya Doms ang maghahatid sa'min, inaabangan na pala kami sa labas. Mula pagkagising hanggang ngayong nasa biyahe na kami, wala pa kong ibang naririnig na dialogue mula kay ermats kun'di 'kumain ka na'. Yun pa lang. Si Ate Yumi hindi rin ako makibo. Hindi makatingin ng diretso sa'ken. Tatlo kaming sabay-sabay nag-almusal kanina pero parang wala akong kasama. Maingay lang yung tv.

"Baste..." kinalabit ako ni ermats pagkahinto namin sa stoplight. Bale nasa harap kami ni Kuya Doms. Nasa likod si ermats at Ate Yumi. "Kung ano man ang marinig at malaman mo, sana hindi magbago ang pagtingin mo sa'min..."

"Bakit po? Anong meron?"

Hindi na sumagot si ermats. Pinisil-pisil na lang niya ang balikat ko. Nakarinig ako ng mahihinang hikbi at singhot. Nilingon ko si ermats, umiiyak. Natameme ako. Sa buong buhay ko, first time ko makita si ermats mag-drama. Yung umiyak talaga. Gusto ko sana itanong kung bakit siya umiiyak, pero pinili ko na lang manahimik.

"May susunduin muna tayo..." sabi ni Kuya Doms pagka-go ng stoplight. Hindi na ulit ako nagtanong. Masyado ng maraming tanong sa utak ko. Nahihirapan na ko mag-isip.

Wala akong alam kung nasan na kami. Wala sa direksyon o kalsada ang utak ko. Nagra-rumble ang mga eksena sa diwa ko na paulit-ulit tumatakbo. Magulo, sobrang gulo. Masyado ng seryoso ang araw na 'to para umiyak pa si ermats. Kinakabahan ako sa mga susunod na mangyayari. Gusto kong isiping may napakalaking revelation akong maririnig sa araw na 'to na kelangan pang umabot kami sa gantong senaryo. Natutuliro na naman ako. Yung utak ko parang nauubusan ng memory. Parang kelangang i-reboot.

Huminto kami sa tapat ng 7-11. Bumusina. Saglit pa, iniluwa ng convenience store ang taong gusto ko makausap mula pa kagabi: si Emily. Malungkot at seryoso ang mukha. Sumakay na din siya agad pagkabukas ng pinto ni Ate Yumi. Pinagigitnaan na nila ngayon si ermats.

Tinder. Love. And Dare.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon