Chapter 1

540 16 3
                                    

"Anong oras ba alis mo?"

"Ala-singko sana,"

"Tapos na ba 'yung tarpaulin?"

"Hindi pa. Pero tatapusin ko naman 'yun bago ako umalis. Sure 'yun kuya 'wag ka mag-alala..."

Hindi na nagsalita si Kuya Doms (Dominic Canigo talaga real name niya, pero ayaw niyang tinatawag siyang Dominic). Hinarap ang laptop, pinagpatuloy ang pagpe-facebook. Medyo parang wala sa mood. Mainit ang ulo. Nakasimangot nga kanina pagpasok niya. Ako nago-open ng shop sa umaga, at 'pag dumadating na siya e lagi niyang kinakamusta ang ginagawa ko o tinatapik sa balikat (na minsan magugulat na lang ako sa sobrang busy sa pag-gawa). Ngayon, diretso siya sa pwesto niya, dun sa sulok.

Kahapon ko pa ginagawa 'tong birthday tarpaulin, pero hindi ko matapos-tapos dahil sa dami ng arte nung nagpagawa. Ang daming gusto, ang daming side comment. Gusto ng ganto, ayaw ng ganyan, lakihan 'tong ano, liitan 'tong ganyan. Hindi daw kita 'yung pangalan nung baby, masyado daw maliit 'yung picture ng baby, at kung ano-ano pang comment na sana e siya na lang 'yung gumawa. Mas magaling pala siya e.

Mamaya nandito na naman 'yun. 'Pag ako nakarinig pa ng side comment dun, kokotongan ko na 'yun.

Bale isa akong...ehem...graphic artist, na walang matinong background education (undergrad ako ng Multimedia Arts sa UMAK). Dahil hindi na kaya ng budget ang tuition, napilitan akong magtrabaho ng maaga. Isang taon na lang sana, ga-graduate na ko. E kaso, hindi na kaya ni nanay 'yung tuition kaya hinto-hinto muna. Ipon na lang muna, saka ko tatapusin. Buti nga kinuha ako ni kuya Doms dito, at least may income na kahit papano. Hindi ko na kelangang humingi ng budget kay nanay, ako na nagbibigay sa kanya. Hindi din naman kasi ganun kalakas 'yung maliit na karinderya ni nanay kaya para makatulong e nagtrabaho na ko. Bale ako na ang nagbabayad ng renta at kuryente namin. Si nanay ang bahala sa pagkain at tubig.

Solong anak ako. 'Yung tatay ko, deds na. Six years old daw ako nun, namatay sa aksidente. Ayaw naman ikuwento ni nanay 'yung tungkol dun. Basta, ayaw niya pinag-uusapan. 'Di ko naman pinipilit kasi nalulungkot siya agad 'pag si tatay ang topic. Hinayaan ko na lang. Inisip ko na lang na balang araw magkukuwento din naman siya tungkol sa tatay kong ewan kung bakit wala akong maalala tungkol sa kanya.

Sa tagal kong tumatambay-tambay sa internet shop ni kuya Doms e aksidenteng kinuha niya ko bilang assistant graphic artist sa shop niya. Nung isang beses kasi, may nagpagawa ng invitational card sa kanya. E rush 'yun, wala siyang katulong. Alam ko nasa 200 pieces 'yung tatapusin niya, bukod pa dun sa isang malaking tarpaulin na pang-wedding. Ewan kung ano pumasok sa isip ko nun, basta bigla ko na lang siyang tinulungan. Kakatapos ko lang mag-DOTA nun. Pinapanuod ko siya gumawa ng design nun. Buti na lang madaldal at medyo mayabang ako, tinulungan ko si kuya Doms ng mga short-cut-short-cut sa photoshop kaya eto, nakasubsob ang mukha ko sa monitor habang nagde-design.

Lumago ang shop ni kuya Doms kaya nagdagdag siya ng isa pang artist. Si Maki, aka Marky Alandoni, pamangkin ni kuya Doms. Mas matanda siya ng tatlong taon sa'ken (bente na ko, bente-tres na siya), pero mas matangkad ako sa kanya. 5'5 ang height, medyo malapad at kulot na makapal ang buhok na parang afro. Mabait naman siya, masipag at magaling (pinapanuod ko nga siya minsan gumawa, nakakakuha ako ng technique). 'Yun nga lang, masyadong tahimik. Parang weirdo din minsan kaya halos hindi ko kinikibo. 'Pag walang trabaho, kun'di busy sa PSP, naglalaro ng games sa cellphone, nagu-ubos ng oras sa facebook at youtube. May halos isang taon na ko dito sa shop pero mabibilang lang sa daliri kung ilang beses ko siya nakausap. Work related pa 'yun. Wala kaming kwentuhan tungkol sa personal na buhay, tsismis, drugs o religion. Speaking of drugs, mas madalas niyang kausap 'yung vape niya 'pag wala siyang magawa.

Tinder. Love. And Dare.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon