Chapter 12

243 9 7
                                    

"Matagal ka na nagpupunta dito 'no?" tanong ko. Tumango lang siya. "Obvious naman e. Kilala ka nung guard. Iba talaga 'pag rich kid. May condo ka na sa Paranaque, meron ka pang condo dito sa Tagaytay..."

Umiling-iling siya. "No. Hindi sa'ken 'to. Nag-rent lang. 'Pag nagpupunta ako dito, dito ako nagre-rent. Tuwing summer lagi ako dito. Minsan one week. Minsan inaabot ng one month."

"One month? Tapos ikaw lang?"

"Oo."

"Ano pinag-gagagawa mo dito nun? Boring kaya nun, ikaw lang."

"Wala lang. Kain. Tulog."

"Talagang dito pa a? Hindi mo ba nagagawa yun dun sa condo mo?"

"Basta. E minsan gusto ko dito e. Mas peaceful at malayo sa stress."

"Yaman talaga. Pati stress nilalayuan. E tanong ko lang. Hindi naman sa nangegelam ako 'no? E...bakit hindi ka na lang sa hotel? O mas sosyal talaga 'pag condo?"

"Gusto ko lang."

"Panis. Gusto niya lang. Sige na nga." Kinalahati ko na 'yung burger. Nakaramdam ako ng umay. Parang nalalasahan ko pa din kasi 'yung bulalo. Naiwan pa 'yung sebo sa lalamunan. Tagay muna wine.

"Maiba ako." Kumuha siya ng tissue saka nagpunas ng nguso. "Curios lang. What's your ideal girl? 'Yung dream girl mo talaga, as in. 'Wag 'yung sobrang perfect a?"

Muntik ko iluwa 'yung nginuguya ko. "Ha! Ideal girl? Haha. Simple lang. Gaya ng sabi ko, mukha akong pera. So, gusto ko 'yung maganda, mayaman at mamahalin ako kahit ganto lang ako."

"Ganyan lang? Na ano?"

"Na mukhang pera. Hindi guwapo. Walang achievement. Walang ipagmamalaki."

"Speaking of gwapo. Medyo may hawig ka kay...sino nga ba 'yun? 'Yung leading sa..."

"Jericho Rosales."

"Yun! How did you know?"

"Well..." inayos ko 'yung pagkakaupo ko na feeling poging-pogi sa sarili. "Medyo marami ng nagsasabi niyan. Actually pang-twenty seven ka na. Pero siyempre dahil humble ako e hindi ko 'yun seseryosohin."

"Yabang. Talagang pang-twenty seven a? At humble na pala 'yun."


"Basta."

"Okey. Balik tayo sa tanong. What if, you met a girl na opposite nung sinabi mo, and then na-realize mong siya pala 'yung true love mo. What will you do?"

"Opposite? Meaning, poor, mataba at hindi ako matatanggap?"

"Something like that."

"Putek na 'yan, e ikaw na rin sumagot ng tanong mo e! Na-realize ko ng true love ko 'di ba? Ano pang palag ko dun?"

"E sabi mo ideal girl mo mayaman na maganda e."

"Ideal nga e. Meaning para lang ako nagwi-wish nun na alam ko namang hindi matutupad. Tsaka 'di naman ako ganun kasama. Kung true love na 'yun e 'di go. 'Ba, sa panahon ngayon, rare na ang true love."

"Good to hear." Sabay high five. Medyo na-delay pa onti reaction ko kasi muntik ko ng mabitawan 'yung burger.

"E ikaw?" tanong ko. Tapos na ang burger. Busog na. Buti na lang talaga at may wine. Kontra umay. Kontra ginaw. Putek nangungulubot na ata daliri ko sa lamig! Ang saket sa mukha ng hangin!

"What about me?"

"Ideal guy mo..."

Saglit niyang ibinaba ang kanang kamay na may hawak na burger. Tumingin sa langit. Nguya-nguya. Tapos tumingin siya sa'ken. "I can't really tell. Problema ko nga 'yan kasi nga, hello? Magka-crush nga hirap ako 'yung mag-isip pa kaya ng ideal guy?"

Tinder. Love. And Dare.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon