Chapter 10

214 11 4
                                    

Nasusuka ako sa pagkabusog. Naka-apat ata akong kanin. Hindi ko na napansin na nakarami na pala ako sa sarap ng bulalo at tawilis. Nakakatamad na nga kumilos, parang gusto ko na matulog. Nakaka-dalawang hikab na nga ako, pati tuloy si Kaeley nahawa sa hikab ko. Nagkangitian pa nga kami kanina pagtapos kumain. Parehong solved, parehong masaya.

Ako na ang nagbayad pagka-abot ng bill. Saka lang nagsalita si Kaeley matapos kong iabot ang bayad kay ate. "May budget ka pa?"

"Meron pa. Malaki pa 'to..." akma kong kukunin 'yung pera sa bulsa nang pigilan niya ko.

"Okey na. Yaan na..." nagsalin siya ng tubig sa basong kalahati pa ang laman na tubig. "Nga pala, bibili tayo ng damit. Daan tayo ng mall maya-maya."

"Sige. May lakad ka ba? Anong damit ba?"

Nangiti siya. Uminom ng tubig saka nagpunas ng nguso. "Sa'yo..."

Kumunot ang noo ko, simpleng kunot. 'Yung feeling seryoso. "Sa'ken? Baket? Anong meron?"

"Pantulog mo tsaka para bukas."

Pantulog? Para bukas? Ano 'to, overnight? "Teka, meaning bukas pa ko uuwi?" tumango lang siya.

Napahawak ako sa upuan ko saka nagkuya-kuyakoy. "Teka teka teka, bakit ngayon mo lang sinasabi 'yan? Ano 'to, set-up?"

"Wag kang OA a? Kung maka-set-up ka naman parang papatayin naman kita."

"Okey, sori. Pero bakit overnight?"

"Ayaw mo ba?"

"Di mo naman sinagot tanong ko e..."

"Fine..." tumayo na siya saka lumakad. Walkout. Puta naman wala pa 'yung sukli e!

Napatayo na rin ako saka minadaling makuha ang sukli na sakto namang inabot ni ate. Mabuti't hindi pa nakakalayo si Kaeley. Kinalabit ko siya sa balikat ng makalapit. "Wuy, walkout agad e, 'to naman. Hindi mo naman kasi ako sinabihan agad na overnight pala, edi sana nagpaalam ako sa'min. Ano iisipin ng nanay ko? Kung saan-saan na nga..."

"Yaan mo na. Forget it. Mali din naman ako. Akala ko lang din kasi papayag ko..." sabi niya pagkababa namin ng hagdan. Dire-diretso siya lumakad papunta sa kotse saka pumasok. Pumasok na rin ako, nag-isip. Tuliro. Nag-ayos-ayos ulit ng sarili si Kaeley. Walang kibuan.

Pucha naman kasi.

Napatingin na lang ako sa nagtatampong Kaeley. Kahit nakasimangot, natatabunan pa din ng kagandahan ang mukha niya. Kahit ata i-wacky neto mukha niya maganda pa rin. Kahit anong anggulo, maganda pa din e. Buset na 'yan, maganda talaga.

"Sige na, ite-text ko na nanay ko. Magpapaalam na ko. Sabihin ko na lang na malaking raket 'tong out of town ko kaya kelangan mag-overnight..."

Kinuha ko na ang cellphone ko saka nag-isip ng isang malupit na paalam kay inay. Pambihira. Pambihira. Pambihira.

Inabot sa'ken ni Kaeley ang cellphone. Nakangiti. "Tawagan mo na..."

Napanga-nga na lang ako sa sinabi niya. Hindi dahil sa may libreng tawag, kun'di dahil sa punyetang kagandahan ni Kaeley na kahit away-awayin ata ako araw-araw e hindi masisira mood ko.

"Talagang tawag na a? Ibang klase ka din mangunsinti a? Ibang level..." kinuha ko na 'yung 'I-Phone' na naka-ready na sa 'dial', saka dinayal ang number ni nanay. Naka-anim na ring muna bago sinagot. "Hello...hello. 'Nay...hello. Si Baste 'to. Hello...si Baste po. Bukas pa po ako uuwi, kelangan ko kasi tapusin 'yung layout ngayon, maaga kasi daw kelangan para bukas. Nasa Tagaytay ako, kakatapos lang kumain. Magte-text na lang ako ulit pag pauwi na ko. Okey po. Sige po. Sige po. Bye..." saka ko binaba. Binilisan ko talaga 'yung pagsasalita para hindi na makapalag si nanay. Pumapayag naman 'yun kung uumagahin ako basta magpapaalam lang. 'Yun nga lang, kinabukasan uulanin ako ng mga tanong na ang ending e matatapos din ang usapan sa Q&A.

Tinder. Love. And Dare.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon