"Anong niluto mo?" curious na tanong ni Aling Coring habang abala pa rin sa pagluluto. Napangisi naman si Audrey dahil mukhang interesado ang matanda. "Paunahan po makaubos ng fried chicken sa loob ng dalawang minuto" proud na sagot ni Audrey, napailing-iling naman ang matanda dahil food eating contest pala ang tinutukoy nito.

"Na-try niyo na ba magluto ng pancake? Nay" tanong muli ni Audrey, napatigil naman si Aling Coring sa ginagawa at napatingin sa dalaga. "Nay?" nagtatakang tanong nito.

"Masyado po kasing pang-matandang dalaga ang word na Aling... kaya Nay na lang para mas sweet hehe" ngiti pa ni Audrey, hindi naman nakapagsalita si Aling Coring. Agad itong nagpunas ng kamay saka nagtungo sa lababo.

Nagtataka naman si Audrey habang sinusundan ng tingin ang matanda, pakiramdam niya ay may nasabi siyang hindi tama dahil biglang nagbago ang mood nito. "Ano ka ba, bakit mo sinabi 'yun?" sagi sa kanya ng dalagitang si Dina. Payat, kayumanggi at matangkad ito, sa sobrang kapayatan niya ay kita na ang buto niya sa likod.

"Ang alin?"

"May anak talaga si Aling Coring, babae"

"Nasaan ang anak niya?"

"Nag-abroad dati, nag-japayuki sa Japan, nakaasawa ng hapon pero pagbalik dito tinanggi niya sa asawa niya na nanay niya si Aling Coring. Ang sabi niya pa ay patay na ang nanay niya" chismis ni Dina, napakunot naman ang noo ni Audrey.

"Aba! Ang sama naman niya!"

"Kutob namin, ayaw niyang malaman ng asawa niyang hapon na may nanay siyang rebelde" saad ni Dina, napatingin naman si Audrey kay Aling Coring na ngayon ay nagpiprito na ng itlog. Sa pagkakataong iyon ay naiintindihan niya ang pakiramdam ng isang taong tinakwil at ikinahiya ng pamilya.

***

Matapos nilang magluto ng agahan na pritong itlog at sinangag, sumama si Audrey kay Dina at Mari na siyang maghahatid ng mga pagkain kina Commander Dado, Ka Ferding, Nightmare at Leon. Abot tenga ang ngiti ni Audrey dahil nilagyan niya pa ng smiley na Catsup ang sunny-side-up egg na para kay Nightmare at Leon.

Pagdating sa bahay kubo na tinutuluyan ni Ka Ferding ay naroon na si Nightmare at Leon habang nakaupo sa mesa at mukhang bumubuo sila ng plano kasama si Ka Ferding. "Good Morning Sunshine!" masayang bati ni Audrey na ikinagulat ng tatlo. Bigla kasi siyang sumulpot sa bintana habang hawak-hawak ang dalawang plato.

"A-anong ginagawa mo dito?" gulat na tanong ni Nightmare, ngumiti lang si Audrey. Nauna nang pumasok sa loob ng bahay si Dina at Mari para ilapag ang dala nilang prutas saka nagpaalam na magtutungo na sa bahay ni Commander Dado.

Dere-derecho namang pumasok si Audrey sa bahay saka maingat na inilapag ang mga pagkain. "Our main dish for today is... Charaaan!" masiglang wika ni Audrey sabay tanggal sa takip ng tatlong itlog at isang bowl ng sinangag.

Kunot-noo namang napatingin si Ka Ferding, Nightmare at Leon sa tatlong itlog at kanin. "Hep! Hep! Hindi 'yan ordinaryong itlog dahil punong-puno 'yan ng main ingredients na---"

"Asin?" sabat ni Leon sabay tingin sa itlog.

"Hindi! Ang main ingredient talaga niyan ay----"

"Mantika" sabat naman ni Nightmare, napapadyak naman sa inis si Audrey. "Patapusin niyo kasi muna ako... Ang main ingredient talaga niyan ay... Love" saad ni Audrey sabay hawak sa puso niya.

Bigla namang natawa si Leon at Ka Ferding dahil ang korni ng pinagsasabi ni Audrey at may pahawak-hawak pa ito sa puso. "Kaya kainin niyo na 'yan na may ngiti sa labi" habol pa ni Audrey sabay turo sa smiley face na nilagay niya sa fried egg gamit ang catsup.

A Kidnapper's Mistake (Watty's 2020 Winner)Where stories live. Discover now